CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Chapter 6
Dorm mates

Shin's POV

Naglalakad kami ngayon patungo sa girls's dorm. Sama-sama kasi lahat ng babae sa isang building, regardless of their classes.

Pagkarating namin sa tapat ng isang gusali ako ay namangha, sapagkat napakalaki at napakaganda nito. Pagkapasok namin sa gusali ay may tumambad sa aming tatlong elevator, dalawang kulay pilak at isang kulay ginto.

Nabanggit na rin sa amin ni Liselle na yung kulay ginto na elevator ay eksklusibo na para lamang sa mga royalties gaya ni Serena, kaya't hinatid nalang namin siya sa tapat ng elevator. 

Pinindot niya na ang button doon at wala pang isang minuto ay bumukas na ang mga gintong pinto ng elevator. Grabe naman, nakakalula ang ganda sa loob may pakurtinang pula pa.


Nagpaalam na kami ni Liselle kay Serena, bago pa man siya makaalis ay niyakap niya ako at humingi ng tawad sa akin dahil hindi niya agad na sabi ang tungkol sa pagiging prinsesa niya.

 Hindi naman ako galit, nagtatampo lang pero napawi naman 'yon nung sabi niya ay babawi siya. Ililibre nya raw ako ng food, mwhehehehe.


Nang makaalis na si Serena ay pumasok na rin kami ni Liselle sa kabilang elevator. Habang nasa loob kami nun ay naitanong niya kung ano ang aking dorm number para maihatid niya ako at doon ko napagalamang magkatapat lang pala ang dorm naming dalawa.

Hinatid niya na ako sa tapat ng pinto ng aking dorm at hinabilinan na mag-ingat daw ako sa mga kadormmates ko baka daw mahawaan nila ako na ipinagtaka ko naman. Nagtanong ako kung bakit ngunit tinawanan niya lang ako at sinabing wala raw iyon.

Magulo man ang aking isipan ngunit napagpasyahan ko pa rin na kumatok na.

HUHU! Inaantok na talaga ako. Medyo mabigat pa yung dala ko, dala ko pa rin kasi ang aking backpack na naglalaman ng important things sana papunta rito. HINDI KO NAMAN INEEXPECT NA HINDI NA PALA AKO MAKAKABALIK! Sana dinamihan ko na yung books na dala ko.

Kanina pa ako katok ng katok dito, ngunit wala talagang nasagot. Hayst, baka natutulog sila. Sumasakit na rin paa ko kakatayo rito sa labas ng pinto kaya't napagpasyahan ko nalang na pumasok na gamit ang aking susi.

Pagkapasok ko ay nagtawag ako kung may tao ba, ngunit wala talagang sumagot sa akin. Hindi ko naman alam alin dito sa tatlong pintuan na magkakaparehas na kulay ang pinto ko kaya't napagpasyahan ko nalang na ilapag nalang na humiga sa sofa at gawing unan ang aking backpack. Wala eh, inaantok na talaga ako. Siguro naman paggising ko ay gising na rin sila, sana nga.

Ilang minuto ako napatulala sa kawalan habang nagflaflashback lahat sa akin lahat ng nangyari, maya-maya pa ay nilamon na ako ng kadiliman.

----------------

Naalimpungatan naman ako nung may naririnig akong nagchichismisan sa aking harapan na wari ko naman ay sila ang aking mga kadormmates. Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata upang maitanong ko na kung nasaan ang aking silid.

Pagkabukas ko ng aking mga mata ay nakita ko ay dalawang babae na may kakaibang kulay din ng buhok gaya ko, ngunit hindi pilak kundi isang navy green at isang purple. Astig!

"Ehem!" Pag-aagaw ko sa kanilang atensyon.

" Finally you're awake! Kanina ka pa namin hinihintay magising ni Lia." Sabi nung purple-haired girl.

"Nagdinner ka na ba? Tara let's eat na." Sabi naman nung navy green-haired girl na nag-aayos na ng mga gagamitin naming plato.

Nang matapos na niyang ayusin ang mesa ay pinaupo na niya kaming dalawa nung purple haired girl at nagsimula na kaming kumain.

Starlight AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon