Chapter 15

236 21 0
                                    

"Ate Coco" tawag sakin ni Clarence

"Yes?" sagot ko

"Sino yung naghatid sayo dito sa kotse?" tanong niya na may halong nakakalokong ngiti

"Kaibigan ko" mahina kong sabi

"Kaibigan lang ba talaga?" pang aasar niya pa

"Tigilan mo nga ako Clarence baka mabatukan kita dyan" sabi ko ng may halong inis

"Baka boyfriend mo na yun ah" pangungulit pa nito

"Hindi nga mag focus ka nga dyan baka mabangga pa tayo" pagtataray ko tinigilan naman ako kaya naiglip muna ako saglit

"Ate Coco andito na tayo sa bahay gising na dyan" rinig kong sabi ni Clarence kaya naman nagising na ako

"Ate!" Tawag nito ng makababa na ako sa kotse

"Bakit?" nanghihina kong tanong

"Ayos ka lang ba talaga ate? Kahapon may mga galos ka tapos ngayon namumutla ka" pagtataka nitong sabi

"Ahm ano pagod lang sige una na ako sa loob" pagsisinungaling ko sabay pumasok sa loob ng bahay

"Oh anak andyan na pala kayo kain na kayo" bungad saakin ni mama

"Sige po bihis lang po ako saglit" mahina kong sabi sabay kiss sa cheeks ni mama

"Sandali Coleen ayos ka lang? Namumutla ka" tanong ni mama

"Opo naman po medyo pagod lang sa school works ma" pagsisinungaling ko mukha naman nakumbinsi siya sa sinabi ko tumango ito kaya umakyat na ako para magbihis at kumain

"Upo ka na malapit na maluto yung ulam" sabi ni mama pagkababa ko kaya naman umupo na ako

"Ma" tawag ko kay mama pagkatapos nito ilapag ang pagkain na niluto niya

"Bakit anak?" Tanong nito

"Baka hindi po ako makapasok bukas" paalam ko sabay kumuha ng kanin at ulam

"Ganoon ba? Sige baka ano pang mangyare sayo pag pumasok ka pa bukas" sagot ni mama

Kumain na ako pero wala talaga akong gana kaya kaunti lang ang pagkain na kinain ko kase feeling ko maduduwal lang ako pag kumain ako ng marami

"Tapos ka na agad ate?" Tanong ni Clarence ng mapansin niyang tatayo na ako

"Ah oo" sagot ko

"Eh ang unti lang ng kinain mo okay ka lang ba talaga ate?" tanong pa nito

"Oo naman sige akyat na ako tawagin niyo nalang ako pagkatapos niyo kumain ako maghuhugas" sabi ko sabay ngumiti ng pilit ansama na talaga ng pakiramdam ko

"Hindi na ako nalang maghuhugas parang hindi ka na okay eh" sagot ni Eloy

"Hindi ako na okay lang ako" sabi ko sabay naglakad patungo sa kwarto ko

"Hindi na sige pahinga ka na ako na maghuhugas" pagpipilit pa nito

"Sure ka?" paninigurado ko pa

"Oo sige na umakyat ka na para makapagpahinga ka na" sagot niya kaya umakyat na ako para makapagpahinga ambigat na talaga ng pakiramdam ko hindi ko alam kung makakapasok pa ba ako bukas

----------------------

Gabb's POV

Nasa hallway ako ng makita ko ang kaibigan ni Coleen na si Ella angganda niya talaga kaya napangiti ako ng nakita niya ako at nginitian nakakafall namang titig yan no... Hindi pwede Gabb tigil mo na yan baka kung ano nanamang mangyare sayo

Nandito na ako sa classroom inaantay si Coleen na pumasok dahil alam kong nagka allergy siya kahapon dahil daw sa lunchbox na binigay sakanya

"Ms. Skribikin!" tss what's the matter with me again?

"Yes ma'am?" I answered coldly

"Are you with us? I've called you so many times and you're not responding" she said

"Yes ma'am" I coldly said

"Listen to my class before I report you to the Principal for not listening to my class" she said

Tss the hell I care? I'm listening, It's not my problem that she doesn't see me listening to her

"Ms. Skribikin!" she called me again arghhh it's so irritating

"Why?" I coldly said

"Are you listening?" she said

"Yes ma'am" I said sincerely it's true I'm listening to her

"How many times do you have to be called and asked if you are listening to my class?" she asked

"I'm listening ma'am I just don't like being asked over and over again" I said so she started teaching again

Coco's POV

"Ate Coco kain na para makainom ka na ng gamot" sabi ni Clarence

"Oo pababa na" inayos ko muna ang kama ko tsaka bumaba

Kumain na ako dahil ansakit na talaga ng ulo ko at nanghihina na ako ininom ko na yung gamot ko tsaka umakyat para maligo at magbihis para makapasok na ako

"Anak saan ka pupunta?" tanong ni mama ng makita niyang papaakyat ako sa kwarto ko

"Ahm papasok po" nanghihina kong sagot

"Wag ka muna pumasok anak baka ano pang mangyare sayo dito ka muna at magpagaling para makapasok ka bukas" seryosong sabi ni mama

"Sige po ma akyat lang ako saglit para makapagbihis" sabi ko tumango naman si mama kaya umakyat na ko at nagbihis tsaka bumaba ulit para maghugas ng mga pinagkainan namin

"Ako na maghuhugas ate" presinta ni Clarence

"Totoo ba yan? Parang iba ka ngayon bro ah dati ako lagi mong tinuturo para maghugas ng plato" nakangiti at nanghihina kong sabi

"Eh tingnan mo naman sarili mo boses mo palang hinang hina ka na tapos nilalagnat ka kaya pahinga ka muna dun sa taas" sabi nito

"Nakakapaglakad naman ako kaya ko pa naman eh" sabi ko

"Wag na matigas ulo ate magpahinga ka na lang dun" seryosong sabi nito kaya nagulat ako kase ngayon lang siya naging seryoso

"Oo na po ingatan mo yang mga plato ah" sabi ko

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong nito

"Opo" mahina kong sagot

"Sige pahinga ka muna dun ate" sabi niya sabay pumunta ng kusina para maghugas ng mga plato at baso

Ako naman pumunta sa sala at nakita ko si Mama na nandun kaya pinuntahan ko siya

"Oh anak kamusta ka na?" tanong ni mama

"Medyo umayos na po pakiramdam ko pero masakit pa rin po ulo ko" sabi ko

"Pahinga ka muna sa kwarto mo ng bukas makapasok ka na" sabi ni mama

"Sige po" sabi ko aalis na sana ako ng magsalita ulit si mama

"Anak? Bakit nga pala may mga galos ka nung isang araw?" tanong nito na kinakaba ko naman

"Yun nga po kinagat ako ng lamok sa likod ng school" pagsisinungaling ko ulit

"Sigurado ka anak? Mga kalmot nakita ko hindi naman pantal" paninigurado pa ni mama

"Opo mama sige po akyat na po ako" sabi ko

"Sige pahinga ka muna" sabi ni mama

-------------------------

So yun new update mamaya na Chap 16 thank you sa mga nagbabasa lovelotsss wala pa akong balak mag update pero may nag aantay kaya sorry if sabaw 'to enjoy reading! Have a good day ahead btw credits sa picture na nasa taas ❤️

Forgetting YouWhere stories live. Discover now