Chapter 28

254 20 2
                                    

"Mukhang nalate ka ata ngayon Coco ah" sabi ni Josh

"Napasarap kwentuhan namin ni ate Ella eh" sabi ko sabay natawa

Umupo na ako ng biglang namali ako ng baling sa upuan kaya natamaan sugat ko sa braso ansakitttttt sariwa pa man din yung tahi waaaaa

"Coco ayos ka lang?" tanong ni Josh

"Ah oo" nanghihina kong usal

"Bakit ba may ganyan ka sa braso?" tanong niya

"Naaksidente lang sa bahay I'm okay don't worry" sabi ko sabay ngumiti ng pilit

"Sure kang okay ka lang? Dalin muna kaya kita sa clinic?" sabi niya

"Hindi okay lang ako sige na umupo ka na sa upuan mo baka mamaya andyan na si Miss" sabi ko

"Hindi dadalin muna kita sa clinic tingnan mo nga yang mukha mo namumutla ka na" sabi niya

"Hindi na sige na okay lang ako"

"Miss Trinidad and Mister Santos anong meron at bulungan kayo ng bulungan dyan?" tanong ni miss

"Wala po miss" sagot ko

"Umupo ka na kase Josh" sabi ko sumunod naman siya at umupo na sa upuan niya

Nagsimula na si Miss magturo nakikinig naman ako ang kaso parang lumalabo paningin ko tapos yung pandinig ko lumalabo rin anong nangyayare sakin?

Ang alam ko nalang unti unting bumibigat yung talukap ko and everything went black

Josh's POV

Nagulat ako ng marinig kong may nahulog na kung ano at nung tumingin ako sa upuan ni Coleen nakita ko siyang nasa sahig at natabunan ng upuan

"Miss!" tawag ko kay prof

"What is it Mister Santos?" tanong ni miss

"Si Coleen po nahimatay" sabi ko sabay binuhat si Coleen

"Pakidala na siya sa clinic" sabi ni miss

Tumakbo ako papuntang clinic ano kayang nangyare dito? Halos weekly pabalik balik 'to sa clinic ah

"Nurse!" tawag ko

"Oh Josh anong nangyare?" tanong niya kilala ako dito kase palagi kong dinadala si Coleen sa clinic na to

"Si Coleen po kase hinimatay hindi ko po alam nangyare bakit nagkaganun" paliwanag ko

"Halos linggo linggo andito tong batang to ah" sabi ng nurse sabay chineck si Coleen

"Anong meron nurse?" tanong ko

"Bumukas ulit yung sugat niya" sabi niya sabay may kinuha sa loob

"Sugat?" takha kong tanong

"Oo kaya nga nakaganyan yang braso niya eh" sabi ng nurse saka tinahi yung sugat ni Coleen

"Antayin mo nalang siya magising o pwede namang pumunta ka na sa klase mo" sabi ni nurse Ally

"Dito po muna ako" sabi ko

"Sige ikaw bahala maiwan ko muna kayo dyan" sabi niya sabay lumabas ng clinic

Napaisip naman ako kung anong nangyayare kay Coleen halos minsan palaging may pasa o di kaya kalmot ayaw naman nito nagsasabi kaya hindi ko alam kung anong nangyayare sakanya

Coleen's POV

Nagising ako at masakit pa rin ang braso ko mag iingat na nga ako next time

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napagtanto kong nasa clinic ako goshh ilang araw na akong pabalik balik dito

"Oh Coco gising ka na pala may masakit ba sayo?" tanong ni Josh

"Yung braso ko lang pero don't worry okay na ako" sabi ko

"Yan din sinabi mo kanina pero tingnan mo nasan ka na ngayon nasa clinic diba? Ano ba talagang nangyayare Coleen?" tanong ni Josh ayoko namang magsinungaling kase ayokong paulit ulit ko pinapaliwanag sarili ko

"Last week kase ako nalang mag isa sa may bench sa labas ng school hindi pa kase ako sinusundo ni Clarence kaya inabot ata ako ng 6 pm dun kakaintay sakanya and I felt weird so naglakad ako ng medyo malayo layo sa bench and nagulat nalang ako may nantakip sa bibig ko and may nakita akong silhouette ng isang babae then nawalan na ako ng malay" mahaba kong paliwanag

"Tapos?" sabi niya eto masyadong atat hindi makapag intay sir Josh?

"Tapos nagising nalang ako nasa isang malaking bodega na ako tapos nakita ko si Zofia siya ang may pakana sinampal at pinalo niya ako ng kahoy kase daw sinira ko ang buhay nila ni Gabb kase lapit daw ako ng lapit kay Gabb then nung nagsawa siya pinatawagan niya si Gabb at dumating naman si Gabb nagkasagutan silang dalawa kaya tinutok sakin ni Zofia yung baril niya tapos ng magalit siya tinutok niya kay Gabb yung baril at pinaputok pero sinalo ko yung bala" dagdag ko kita ko sakanya ang galit na parang gusto ng mag wala

"Asan na ba yang Zofia na yan?! Bakit niya naisip gawin yun ha?!" galit niyang sabi

"Kalma nasa kulungan na si Zofia kaya niya lang daw nagawa yun kase ayaw ng daddy niya sa girlfriend niya kaya kahit ayaw niya pinapalabas niyang gusto niya si Gabb para maging proud yung daddy niya" paliwanag ko

"Kahit na mali pa rin yun!" sabi niya

"Hayaan mo na yun nangyare na eh wala na tayong magbabago" sabi ko sabay tumayo at tiningnan ang oras hala tapos na pala ang klase ko

"Oh saan ka pupunta" tanong niya

"Malamang uuwi na ako" sabi ko

"Sige samahan na kita" sabi niya

Pinag intay muna niya ako saglit dito dahil kukunin niya muna daw yung gamit namin sa room at matapos ang ilang minuto lang bumalik na siya dito at sabay kaming naglakad papalabas

"Oh Coleen ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Nurse Ally

"Opo ayos na po salamat Nurse" sabi ko

"Wag ka na babalik ulit dito ha?" natatawa niyang usal natawa na rin ako kase sino ba namang gugustuhin bumalik pa ulit dito diba?

"Opo sige una na kami nurse ally" sabi ko sabay nagsimula na ulit maglakad

"Coco sandali" sabi ni Josh ng makarating na kami sa gate ng school

"Bakit Josh?" tanong ko kase nakita ko na ang sasakyan ni Clarence

"Hatid na kita sa sasakyan niyo" sabi niya

Hinatid niya nga ako kulet eh sabing wag na nga kaso mapilit kaya hinayaan ko nalang

"Oh ate bumalik na ulit Joshie mo bakit ang tamlay mo pa rin" pang aasar ni Clarence

"Clarence! Masakit braso ko baka palabasin kita sa sasakyan na to" sabi ko

"Sige kaya mo ba magdrive?" nang iinis niyang tanong

"Hindi" sagot ko

"Hindi naman pala eh kaya wag mo na akong paalisin kase hindi ka makakarating ng buhay sa bahay" sabi niya

"Alam mo bwisit ka!" sabi ko sabay naiglip nalang malayo layo pa naman kami eh

------------------

So yun ano? Bagong updateee thanks sa mga nagbabasa at nagvovotes lovelotsss enjoy reading! Have a good day ahead

Forgetting YouWhere stories live. Discover now