Chapter 30

244 22 0
                                    

"Andyan si Gabby?" tanong niya kitang kita sa mata niya ang excitement

"Opo" sagot ko sabay nginitian siya

Ilang minuto lang nakita ko ng papalapit si Gabb sa pwesto namin ang gwapo and ang ganda niya at the same time kaya hindi na ako magtataka kung nainlove si ate Ella sakanya mabait naman siya pero minsan akala mo laging meron dahil ang sungit

"Thank you Gabby!" maligalig na sabi ni ate Ella

"You're welcome Akin" sabi ni Gabb sabay ngumiti kay ate Ella kaya naman kinilig ng todo si ate Ella hindi na nakapagsalita eh hahaha pero parang may kumirot sa puso ko hindi ko alam bakit pero hindi ko nalang pinansin

Kinuha ko na ang pagkain ko at nagsimula ng kumain sila naman nagkukwentuhan nakaka bitter ha tamang sanaol lang ako pag kasama sila promise

"Ah ate Ella una na po ako ah" paalam ko hindi ko na naantay sumagot si ate umalis na ako kaagad

Mother of freakin' freak my heart keeps hurting I don't know why pero nung nakalayo ako sakanila masakit pa rin naman pero hindi kagaya ng kanina

Ngayon lang nangyare to hindi ko alam bakit aish punta na nga lang ako sa susunod kong klase

"Coco!" tawag sakin kaya nilingon ko nakita kong si Cole one of my bestfriend here in SU

"Bakit Coley?" tanong ko

"Mukhang malalim ata iniisip mo ah" sabi niya

"Hindi naman wala lang talaga akong tulog" I lied iniisip ko talaga bakit sumasakit puso ko pag nag uusap sila ate Ella like ang sweet nila parang mag jowa be like

"You sure?" tanong niya ulit

"Yes" sabi ko sabay nginitian siya

Nakita ko namang paparating na si Miss kaya umayos na kaming lahat ng upo

Buong klase akong nakatulala kaya wala akong naintindihan ni isa hindi ko rin alam bakit ako nagkakaganito kapag hindi ko pinansin lalo lang lumalala aish

"Coco bakit parang wala ka sa sarili mo?" tanong ni Josh

"Kulang lang sa tulog" sabi ko sabay kinuha lahat ng gamit ko

"Sabay ulit tayo?" tanong niya agad naman akong tumango at nagsimulang maglakad

"Coleen sandali hintayin mo ko!" sabi ni Josh hindi ko napansing anlayo na pala ng nalalakad ko

"Sorry" tanging naiusal ko

"Sigurado ka bang okay ka lang Coco?" tanong niya

"Oo naman" sabi ko sabay ngumiti

"Sigurado ka na dyan ha?" sabi niya

"Yes po Joshiee" sabi ko napansin ko namang para siyang nagblush ang cute niyaaa

"Oh andyan na pala sundo mo Coco hatid na kita" sabi niya

"Wala ka bang work today?" tanong ko kase baka kailangan niya ng pumasok hindi niya naman na kailangan ihatid pa ako

"Meron" sagot niya

"Eh wag mo na akong ihatid baka malate ka pa" sabi ko

"Hindi na sige na hahatid na kita" sabi niya

"Ehh baka malate ka" sabi ko

"Hindi yan sige na" sabi niya

"Okay thanks Joshie" sabi ko bigla naman siya umiba ng tingin

Naglakad na kami papuntang kotse at binuksan ang pinto para sakin as usual ang gentleman niya talaga swerte siguro ng magiging gf niya

"Ate!" tawag sakin ni Clarence

"Bakit?" sabi ko

"Kanina pa kita tinatawag kase nakabukas bintana mo may pumapasok na langaw!" sagot niya

"Bakit kailangan mo sumigaw ha?" malumanay kong tanong

"Eh kase dumadapo sa mukha ko yung langaw eh" sabi niya

Hindi na ako sumagot pa at sinarado ko nalang yung bintana pero infairness hindi niya na ako inaasar ngayon mabuti na rin yun nakakapagod sumigaw

Nang makita kong nasa gate na kami agad akong bumaba baka sigawan nanaman ako eh

"Oh anak andyan na pala kayo magbihis at maglinis ka na ng katawan mo para makakain na tayo" sabi ni mama ng makarating ako sa loob ng bahay

Agad akong tumango at umakyat sa taas para maglinis ng katawan at magbihis ng pambahay

Habang naghahalf bath ako iniisip ko pa rin yung nangyare sakin kanina na kung bakit kumikirot yung puso ko kapag nakikita kong magkasama si ate Ella at Gabb hindi kaya may sakit ako sa puso? A big no no no kung may sakit man ako sa puso dapat hindi sumasakit yung puso ko kapag nakikita kong magkasama sila ate Ella baka naman nagseselos ako? A big no no wala naman akong gusto kay ate Ella kaya bakit ako magseselos? Wahh daming katanungan ng utak kong hindi ko masagot sagot

"Coco anak hindi ka pa ba tapos dyan?" rinig kong sigaw ni mama

"Eto na po patapos na po ako" sabi ko

Binilisan ko ang pag hahalf bath tsaka ako namili ng isusuot kong pambahay nang makatapos ako kaagad akong bumaba at umupo sa upuan

"Tagal mo naman ata maglinis ng katawan Coco" sabi ni mama

"Hehehe sorry na ma hindi ko lang po napansing napatagal na po pala ako sa loob ng cr" sabi ko

"Sige na kumain na tayo at baka lumamig pa ang ulam" sabi niya

Agad akong kumuha ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain ng matiwasay hindi ako mahilig magsalita kapag kumakain galit galit muna kase gusto ko magfocus sa pagkain

"Malapit na pala ang bakasyon niyo anak anong balak niyo ng ate Abby mo?" tanong ni mama

"Hindi ko pa po alam ma hindi ko pa po nakakausap si ate Abby eh" sabi ko ng makatapos akong kumain see hindi talaga ko magsasalita kapag kumakain ako hahahahaha

"Ah ganun ba? Baka sa palawan ulit kayo pupunta" sabi niya

"Siguro po dun naman po kami palagi eh" sabi ko

Nang makatapos ng kumain ang lahat ako na ang nagpresinta na mag hugas ng mga pinagkainan namin dahil wala namang assignment na binigay saamin

Nang makatapos akong maghugas agad akong umakyat sa kwarto ko at binuksan ang Facebook ko para magtingin ng kung ano anong post

Nakita ko namang inaccept na ni Gabb yung friend request ko na hindi ko na maalala kailan ko ginawa yun nakita ko namang online siya may parte saking natutuwa na nakitang online siya

Bakit ba ganito nararamdaman ko? Nakakabaliw isipin dahil hindi naman masagot sagot aishhh gusto ko nalang magpakain sa lupa wala na kong ibang magaw kundi mag isip ng kung ano anong bagay na hindi ko naman mabigyang solusyon

In-off ko na ang phone ko tsaka napagdesisyunan na matulog nalang kaso nakakailang ikot na ako sa kama ko pero hindi ko alam panong pwesto ang gagawin ko para makatulog ano ba naman yan nakakainis

--------------------

Forgetting YouWhere stories live. Discover now