"Ate Coco gising na anong oras na oh malalate ka niyan" tawag sakin ni Clarence
"Oo pababa na" sabi ko sabay inayos kama ko at bumaba na
"Sure ka ng kaya mo pumasok ngayon ate?" Tanong ni Clarence
"Oo naman malakas na ako" sabi ko sakanya
"Sige basta pag sumama ulit pakiramdam mo tawagan mo lang ako ah" sabi niya sabay naupo na
"Ingat kayo ah? Ikaw Coleen magdoble ingat ka kagagaling mo lang sa sakit" sabi ni mama saakin
"Opo mama mag iingat po ako" sabi ko sabay kumuha ng kanin at ulam
"Sige na kain na kayo baka malate pa kayo niyan" paalala ni mama kaya nagsimula na akong kumain
"Hindi ka naman nagmamadali niyan ano ate?" tanong ni Clarence
"Eh anong oras na kaya baka malate tayo" inis kong sabi sakanya
"Ate 7:15 am palang 8 am pa start ng klase mo kalma lang ha?" mahinahon niyang sabi tsaka nagpatuloy sa pagkain
"Sorry na sige maliligo at magbibihis na ako ikaw din kumilos ka na pagkatapos mong kumain dyan" sabi ko sabay umakyat sa taas tsaka kumuha ng gamit at naligo
Nakatapos na akong maligo kaya namimili nalang ako ng susuotin ko ngayon tiningnan ko naman ang oras may time pa naman ako para mamili ng susuotin ko ngayon
So I decided to wear my Black fitted dress and I fixed my hair then I went down to the living room and waited for Clarence
"Ganda naman ng ate ko parang hindi galing sa sakit ah" pambobola pa nito
"Sus tara na nga baka malate pa tayo" sabi ko sakanya
"Sige start ko na yung kotse maa alis na kami" sabi niya
"Ma alis na po kami ni Clarence" sabi ko kay mama sabay nilapitan siya
"O siya sige ingat ka ah? Kagagaling mo lang sa sakit baka umuwi ka nanamang may galos o nanghihina" sabi ni mama
"Hindi naman po mama sige po alis na kami" sabi ko ng nakangiti sabay hinalikan siya sa cheeks
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse
"Ate pag may kailangan ka tawagan mo lang ako ah?" sabi niya ng makarating na kami sa school
"Oo sige ingat ka tatanga tanga ka pa naman" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Joke lang sige ingat ka ah magkalapit lang building natin bye bye" paalam ko sakanya sabay naglakad papasok sa loob
Nasa classroom na ako at hinihintay nalang pumasok yung prof namin na ang tagal na tapos wala pa rin sa classroom
"Coleen" rinig kong tawag sakin kaya lumingon ako at nakita kong si Gabb pala ang tumawag sakin
"Oh bakit?" sagot ko
"Bakit ka absent kahapon?" tanong niya
"Ahh masama kase pakiramdam ko" sabi ko sakanya
"Okay ka na ba ngayon?" Pag alala pa nitong tanong saakin
"Oo naman" sagot ko hindi na muli ito nagsalita kaya nanahimik nalang din akong naghintay kay ma'am
"Miss Trinidad" tawag saakin ni ma'am hindi ko na napansin na andito na pala si ma'am
"Yes po?" sagot ko
"Bakit wala ka kahapon?" mataray nitong tanong hindi naman mukhang badtrip ka ma'am hindi talaga
"Sumama po kase pakiramdam ko kahapon ma'am" sagot ko dito hindi naman na siya nagtanong pa ulit kaya nakinig nalang ako sa tinuturo niya
Makalipas ang ilang oras natapos na rin ang klase ni ma'am kaya nag aayos na ako ng gamit ng makalabas na at makapunta sa susunod kong klase
"Coleen" tawag sakin ni Gabb
"Oh bakit Gabb?" takhang tanong ko sakanya
"Sabay na tayo sa susunod mong klase" sabi pa nito na ikinagulat ko the heck? Ang layo kaya ng classroom niya sa classroom ko
"Ha? Hindi na anlayo ng classroom mo sa classroom ko" gulat kong sabi sakanya
"Okay lang yan tara na" pagpupumilit pa nito kaya hinayaan ko nalang
Andito na kami sa second subject ko pumasok na ako sa loob at nakita kong nasa labas pa rin si Gabb kaya tiningnan ko ito at ng mapagtanto ko nakatingin ito kay ate Ella ahh kaya pala gustong sumama sakin para matingnan si ate Ella wait what?! Hindi kaya magkakilala si Ate Ella at Gabb? Tanga Coco sinama mo yan nung nagkita kayo nila ate Ecka mo sa Intramuros pero hindi eh hindi naman sila nag uusap that time arghhh ang gulo matanong na nga lang si ate Ella tutal wala pa naman si Ma'am
"Ate Ella" tawag ko
"Oh Coco andyan ka na pala bakit wala ka kahapon?" tanong nito
"Sumama lang po pakiramdam ko" sabi ko sakanya
"Okay ka na ba ngayon?" Tanong pa nito
"Opo" nakangiti kong sagot
"Buti naman kung ganoon" sabi niya at ngumiti rin siya
"Ah btw ate Ella" sabi ko
"Bakit?" Tanong nito
"Kilala mo ba si Gabb ate?" Tanong ko
"Ah oo nakausap ko siya kahapon" sagot niya na ikinagulat ko ay weh? Si Gabb kinausap si ate Ella isang himala
"Ahh ganun po ba?" sabi ko
"Oo mabait naman pala yun bakit mo nga pala natanong?"
"Wala naman po tsaka hindi po mabait yun masungit yun ate" sabi ko sakanya habang natatawa
"Ambait bait nga sakin kahapon eh" sabi niya pa
"Baka sinaniban ng kabaitan ate sige mamaya nalang po tayo magkwentuhan pag lunch break na andyan na si Ma'am" sabi ko tumango naman ito kaya humarap na ako sa harapan at nakinig sa lesson namin kay Ma'am ngayon
Nakatapos naman na mag lesson si ma'am kaya inaayos na namin ni ate Ella ang mga gamit namin para makapag lunch na kami dahil hahaba nanaman ang pila pag hindi namin inagahan ang pagpila
"Tara na Coco" pag aaya ni ate Ella
"Sige po" sabi ko sabay sinabayan siyang lumabas
Nakapila na ako dahil pinaghanap ko na si ate Ella ng uupuan namin andami ng tao omg
"Ano po order ninyo Ma'am?" tanong ng cashier
"Ah isang Chicken with rice po and isang Chicken curry with rice" sabi ko tumango naman ito at kinuha ang pera dali dali itong pumunta sa kusina at binigay sakin ang inorder namin
Umupo na ako sa harap ni ate Ella at binigay ko na sakanya ang order niya at ako naman nagsimulang kumain
"Can I sit here" someone asked
"I don't own the seat so you can"
"Sure" sabay naming sabi ni ate Ella
-------------------
So yun update ulit wait lang yung chapter 18 bitinin ko muna kayo saglit hahahaha thank you sa mga nagbabasa ng Forgetting You lovelots and if yung ibang readers if may prob kayo sa sulat ko or may napapansin na hindi maganda para sa takbo ng story just tell me okay? Babaguhin ko nalang and sorry if malayong malayo sa ugali ni Gabb at Coco yung ugali nila dito so yun enjoy reading have a good night!❤️