Chapter 33

262 21 4
                                    

"Ate Abby nasaan na po sila ate Sheki?" tanong ko

"Doon nalang daw sa airport magkita kita hindi tayo kasya dito" sagot ni ate Abby

"Ahh okay po" sabi ko sabay tumingin sa bintana

"Okay ka lang ba Coco?" tanong ni ate Abby

"Opo ate medyo inaantok lang po" sabi ko

"Ah sige sleep ka muna medyo malayo pa naman tayo sa airport" sabi ni ate Abby

Kaya naman nilagay ko yung ulo ko sa gilid sabay umiglip dahil inaantok na talaga ako

"Coleen wake up we're here" rinig kong sabi ni Gabb holy mother of freakin' freak? Paano to napunta sa tabi ko? Aishh ewan ko

Bumaba na ako sa sasakyan nakita ko naman na naglalakad na sila ate Abby papasok kaya tumakbo ako papunta sakanila

"Oh Coco bakit hindi mo inantay si Gabb?" tanong ni ate Sela

"Kaya niya na yun ate" sabi ko sabay sinabit kamay ko sa braso ni ate Abby

"Mukha kang unggoy sa ginagawa mo Coco" sabi ni ate Abby

"Ate Abby naman eh!" pagtatantrums ko sabay ngumuso

"Tigil mo yan Coco hindi bagay" sabi ni ate Abby

"Panira ka talaga ate Abby" nagtatampong sabi ko

"Talagang panira ako kase hindi naman talaga bagay sayo mukha kang unggoy" sabi ni ate Abby

Iniwan ko na silang dalawa at nauna nalang sa waiting area kung nasaan sila ate Sheki

"Oh Coco umagang umaga nakabusangot ka dyan?" puna ni ate Ecka

"Eh kase yan si ate Abby panira" sabi ko sabay nagpout

"Inaano mo ba kase 'to Abelaine?" tanong ni ate Ecka

"Eh kase sinabit sa braso ko yung kamay niya nagmumukha tuloy na unggoy" paliwanag ni ate Abby kaya nainis ako lalo

"Kaya naman pala eh wag mo kase hawakan Coco si Marsela lang daw pwedeng humawak sakanya" natatawag usal ni ate Ecka

"Ok" sabi ko sabay umiglip sandali

"Coco gising na flight na natin!" rinig kong sabi ni ate Sheki kaya tumayo na ako at sumunod sakanila

"Hoy Coco saan seat mo?" tanong ni ate Sheki

"Sa 431 po" sabi ko

"Ikaw Gabb san seat mo?" tanong ni ate Sela

"432" walang gana niyang sagot

Shocks naman tadhana bakit kailangan pang magkatabi seat namin? Ayoko nga siyang makasama ano ba nakakawalang gana ha?

"Umupo ka na sa seat mo" sabi ni Gabb

Umupo na ako ng maayos kaya mo yan Coco katabi mo lang naman siya diba? Walang malisya dun kaya mo makasama ang taong ayaw mong makita sa araw na 'to kainis!

"Are you okay Coco" nag alalang tanong ni Gabb

Shit this is the first time she called me Coco pero Coleen umayos ka it doesn't mean na tinawag ka sa nickname mo gusto ka na niya tama na kakaasa sa taong alam mong wala kang pag asa umpisa palang

"Coco?" tawag niya

"Ah yes I'm okay" sabi ko sabay pinilit ngumiti sakanya

"You sure?" paninigurado pa nito

"Yeah" malamig kong usal tsaka tumingin sa bintana

Inaantok na ako kaya matutulog nalang ako dito kesa isipin ko pang may pag asa ako dito sa katabi ko

Forgetting YouWhere stories live. Discover now