Chapter 22

201 18 7
                                    

"Ate Coco gumising ka na dyan" rinig kong tawag ni Clarence

"Oo gising na" mahina kong sabi tsaka minulat ang mga mata ko panibagong araw panibagong kaboringan nanaman

"Ate Coco bumaba ka na 7:20 na 8 am pasok mo" sigaw ni Clarence

"Oo nag aayos lang ako ng pinaghigaan ko" inis kong sigaw kaya inayos ko na ang kama ko at tsaka naghilamos sa cr sa kwarto ko at tsaka bumaba para kumain

"Antagal mo namang gumising ate" sabi ni Clarence

"Hindi kase ako makatulog kagabi hindi ko alam kung bakit" sabi ko sakanya

"Baka iniisip mo si Joshie mo" sabi niya na may halong nakakalokong ngiti

"Umagang umaga Clarence" inis kong sabi sabay inirapan siya

"Ito na ang ulam kumain na kayo baka malate pa kayo sa klase" sabi ni mama sabay nilapag ang pagkain

Kumuha na ako ng kanin at ulam hindi naman na nangulit si Clarence dahil kumakain na rin siya kaya nagsimula na rin akong kumain

Nang makatapos kaming kumain umakyat na ako para maligo at mag ayos ng sarili

Nakatapos na akong maligo ginawa ko muna ang morning routines ko bago namili ng susuotin ko ng makapili na ako bumaba agad ako dahil baka malate na kami

"Ma pasok na po kami" sabi ko sabay hinalikan siya sa pisngi

"Sige ingat kayo ha?" paalala ni mama

"Opo" sagot ko sabay lumabas para sumakay na sa sasakyan

"Ate baka hindi kita masundo mamaya" sabi ni Clarence ng makarating na kami sa SU

"Ha? Bakit naman?" tanong ko

"May practice kami sa Basketball eh late na rin siguro ako makakauwi mamaya sa bahay pahatid ka nalang kay Joshie mo o hindi kaya kay Gabb mo" sabi niya

"Nanggigigil ako sayo manahimik ka na kakabanggit kila Gabb baka masapak kita sabing kaibigan ko lang yun eh" nanggigigil kong sabi

"Kalma na ate sige na pumasok ka na baka malate ka pa" sabi niya kaya bumaba na ako ng kotse tsaka naglakad papasok sa SU

Someone's POV

Dahil sayo nasuspend ako hindi kita papalagpasin pati magulang ko nagalit sakin dahil sayo

"Boys siguraduhin niyong makukuha niyo yang babaeng yan" utos ko sa mga tauhan ni Daddy

"Yes ma'am" sagot nila tsaka lumabas para hanapin si Coleen

Sisiguraduhin kong mamatay ka na ngayon Coleen panira ka ng Buhay eh kaya dapat sayo nililigpit na humanda ka mamaya hahahahaha

Coleen's POV

Nasa classroom na ako ngayon at iniintay nalang si Miss antagal nilang pumasok aishhh hindi na estudyante yung palaging late kundi yung Prof na

"Goodmorning Class sorry I'm late" my prof greeted infairness I didn't notice her that she had already entered our classroom

"Goodmorning too Miss" we greeted back

"So let's start our lesson for today" she said then she started writing on the whiteboard

Natapos na ang first class ko kaya inayos ko na ang gamit ko para makapunta ako sa second subject ko

"Sabay na tayo Coleen" sabi ni Gabb

"Oo na alam ko namang gusto mong makita si ate Ella" natatawa kong sabi kaya napakamot nalang siya sa batok hahahaha huli pero 'di kulong

"Oh andito na tayo tingnan mo na si ate ilang minuto nalang malalate ka na" sabi ko at pagkalingon ko nakatitig na siya kay Ate Ella tingnan mo nga naman oh mukhang tinamaan na kay ate Ella

Pumasok na ako at umupo sa upuan ko tsaka nilabas ang notebook at ballpen ko para sa subject na yun

Ilang minuto lang umalis na rin si Gabb at dumating naman si Miss at nagsimulang magturo kaya naman ako nagsusulat ng notes at the same time nakikinig sa tinuturo ni Miss

Nang makatapos si Miss na magturo agad kong inayos ang gamit ko dahil lunch break na at sabay kami ni ate Ella pumunta sa Canteen

"Tara na ate Ella" aya ko dito ng makatapos akong mag ayos ng gamit ko

"Sige sige btw sasama daw ulit satin si Gabb mag lunch ngayon" nakangiting sabi ni ate Ella

"Ahh okay po" sabi ko sabay inakay si ate Ella papuntang Canteen

Nakita na namin si Gabb na umoorder kaya humanap nalang kami ng uupuan ni ate Ella ng makatapos maka order si Gabb agad niyang nilapag ang mga pagkain namin at tumabi kay Ate Ella oo yes po opo Third wheel nanaman ako

Nagkukwentuhan sila habang ako kumakain lang ng makatapos na ako dito at maagang makapasok sa huling subject ko sa araw na 'to

"Ate Ella, Gabb una na po ako ah gusto ko kase maaga makapasok sa next sub ko" sabi ko ng makatapos na akong kumain

"Ah sige Coco ingat ka" sabi ni ate Ella kaya naman naglakad na ako papunta sa classroom ng huli kong subject

"Ang aga mo ata ngayon Coco" sabi ni Josh sa tabi ko

"Ah maaga kase ako nakatapos mag lunch" sabi ko sakanya

"Kaya pala" sabi niya

"Ikaw naglunch ka ba?" tanong ko sakanya

"Hindi pero okay lang yun" nakangiti niyang sabi

"Ay buti nalang may baon ako na hindi ko nakain dahil sa Canteen ako naglunch" sabi ko

"Sayo na yan Coco" sabi niya

"Hindi sige na kumain ka na may 15 minutes pa naman eh" sabi ko

"Sure ka ah?" tanong niya kaya tumango ako at sinimulan niya ng kumain

"Salamat Coco" sabi niya

"Welcome hindi ka ba talaga naglulunch?" tanong ko

"Hindi eh kakapusin sa pera pag naglunch pa ako" sagot niya

"Ah ganito nalang araw araw akong magdadala ng foods for you" suggest ko

"Nako hindi na Coco ayos lang ako nakakain naman ako ng dinner" sabi niya

"I insist" sabi ko

"Okay thank you talaga Coco" sabi niya

Nginitian ko nalang siya dahil napansin kong andyan na si Miss

"Good afternoon Class let's start our lesson for today" she said

Ilang oras lang ay natapos na siyang magturo at nagbigay ng assignment pagkatapos kong isulat ay agad akong nag ayos ng gamit at inintay si Josh dahil alam kong magkasabay kami

"Coco sorry ah una na ulit ako maaga pasok ko ngayon eh" sabi niya ng makarating kami sa gate

"Okay lang yun sige na alis ka na baka malate ka pa niyan" sabi ko kaya naman umalis na siya

Ilang minuto na ako nandito para mag antay ng sasakyan kaso wala pang dumadaan kaya inantay ko nalang pero parang may napapansin ako kaya tumingin ako sa likuran ko at nagulat akong may panyo na sa ilong ko before everything went black ang lahat may nakita akong pigura ng isang babae

-----------------

New ud ulitttt thank you sainyong lahat na patuloy binabasa ang Forgetting You kahit sabaw ako lagi mag update thank youuu have a good day ahead ❤️

Forgetting YouWhere stories live. Discover now