Chapter 23

167 18 0
                                    

Zofia's POV

"Boss ano ng gagawin dito" tanong sakin ng isang tauhan ni Daddy

"Itali niyo at siguraduhin niyong hindi yan makakatakas" utos ko

"Yes boss" sagot niya

"Mamaya maya babalik ako dito at mamaya niyo na rin buhusan ng malamig na tubig yan" sabi ko sabay umalis

Eto na ang katapusan mo Coleen masyado ka ng panira ka sa buhay namin ni Gabb dapat ka ng ligpitin kung hindi dahil sayo edi sana kami na ni Gabb at hindi ako suspended sa SU ngayon

Ilang oras ng makalipas ng napagdesisyunan kong puntahan ulit si Coleen at pahirapan

"Buhusan niyo na ng tubig yan ng magising" utos ko kaya naman binuhusan nila si Coleen nagulat ito at minulat ang mga mata niya

Coleen's POV

Naramdaman kong may kung anong malamig na bumalot sa katawan ko kaya nagulat ako at napamulat ng wala sa oras tiningnan ko ang nasa harapan ko nagulat ako sa nakita ko

"Ano mahal na prinsesa gising ka na ba?" tanong ni Zofia oo si Zofia ang nakita ko tss sabi na eh

"Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit ako nandito?" tanong ko at sinubukang gumalaw

"Wag mo ng subukan pang gumalaw Coleen masasaktan ka lang" mala demonyo niyang sabi

"Hayop ka ano bang ginawa ko sayo ha?!" inis kong sigaw

"Madami" sagot niya

"Anong kasalanan ko sayo ha? Ni hindi nga kita inaano ikaw lang naman mahilig manakit sakin" sigaw ko sakanya

"Kung hindi ka kase pasikat edi sana kami na ni Gabb!" galit niyang sigaw

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong kaibigan ko lang si Gabb ganun ka na ba kastupida para hindi maintindihan yun?!" Sigaw ko at nakatanggap lang naman ako ng isang palo ng dos por dos sa paa

"Ano bang sabi ko sayo? Wag mo ng subukan diba? Ayan nasaktan ka tuloy" natatawa niyang sabi

"Hayop ka talaga Zofia" sabi ko kaya naman sinampal niya ako ng pagka lakas lakas fudge feeling ko nangilo mga ngipin ko sa ginawa niya

"Ano lalaban ka pa?!" tanong niya

"Oo" nanghihina kong tugon

"Wala ka ng ilalaban pa Coleen mahina ka na nga wala ka pang taga pagtanggol" sabi niya

Oo nga naman nanghihina na ako at wala ng magliligtas sakin wala namang nakakaalam kung nasan ako ngayon eh kaya napayuko nalang ako ito na ba ang katapusan ko? Siguro hahaha

"Ano iiyak ka nalang ba dyan?" sabi niya sabay sinabunutan ako

"Aray masakit!" sigaw ko ansakit talaga nanghihina na ako sa ginagawa niya

"Talagang masasaktan ka panira ka ng buhay eh" sabi niya at mas lalo pa akong sinabunutan at sinampal ng pagkalakas lakas

"Tama na please" nanghihina kong pakiusap

"Clarke itext mo si Gabb siguraduhin mong hindi niya malalaman na ako yan dalian mo" sabi niya sabay binitawan ang buhok ko at bago ako mawalan ng malay may naramdaman kong may humampas na kung anong matigas sa mukha ko

Gabb's POV

Pauwi na sana ako ng pero tingnan ko muna yung bench na malapit sa labas ng SU at tiningnan kung may tao ba dun at nakita kong wala naman kaya pasakay na ako sa kotse ng may nagtext sakin

From: Unknown

'Kung gusto mo pang abutan si Coleen na buhay pumunta ka dito sa katabing abandonadong building malapit sa SU at wag ka magsasama'

Kinabahan siya kaya mag isa niyang tinungo yung abandonadong building tumawag muna siya ng tulong sa mga pulis ng makarating na ang pulis tsaka siya umalis

Nang marating niya ang abandonadong building naghanap muna siya ng kung anong kahoy na pwedeng ipang palo nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakita niya si Coleen na mag isa sa upuan at nakatali walang malay si Coleen kaya pinilit niyang tanggalin ang tali sa nakapulupot kay Coleen

Coleen's POV

Naramdaman kong may kung anong gumagalaw sa tali saakin kaya agad akong dumilat at tiningnan kung sino yun baka nararape na pala ako ng hindi ko alam

Pagkatingin ko nakita ko si Gabb na seryosong seryoso na tinatanggal ang tali saakin

"G-gabb" mahina kong tawag

"Shh, we're leaving here without them knowing so just be quiet first" she said

"O-okay" I said

Unti nalang ay matatanggal niya na ang tali sa katawan ko ilang minuto lang ay natanggal niya na ito kaya naman inakay niya ako dahil nanghihina pa talaga ako

"Sa tingin niyo makakaalis kayo dito?" rinig kong sabi ni Zofia fudge sabi na eh hindi agad kami makakaalis

"Ano pa bang kailangan mo nasaktan mo na ako oh" nanghihina kong sabi

"Kailangan mamatay ka muna bago ko kayo pakawalan" sabi niya sabay tinutok sakin ang baril na hawak niya tsaka tumawa ng tumawa

"Zofia! Put that gun down!" Gabb shouted

"Why would I? Nang dahil sa babaeng yan hindi naging tayo!" Galit niyang sigaw kaya naman tinutok niya lalo sakin ang baril natakot naman ako para samin ni Gabb

"Put that gun down Zofia! Hindi mo na alam ang ginagawa mo nahihibang ka na!" sigaw ni Gabb sakanya

"Oo Gabb nahihibang na ako dahil kung hindi dahil sa babaeng yan tayo na sana ngayon sana proud na sakin si Daddy!" sigaw niya sabay tinutok kay Gabb ang baril nakita kong pinaputok niya kaya niyakap ko si Gabb at sinalo ang bala naramdaman ko nalang na nanghina ako

Third Person's POV

Nagulat si Gabb sa biglang pagyakap sakanya ni Coleen narinig nalang din niya na ang putok ng baril

"Coleen gising wag kang pipikit" sabi niya kay Coleen at patuloy niya itong pinipilit na wag pumikit ang kaso hindi na kaya ni Coleen ang panghihina kaya pumikit na siya at tuluyang nawalan ng malay

Zofia's POV

"Zofia?" tinig ng isang babae

"Lien anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko ng mamukhaan ko kung sino iyon

"Zofia?! Baby anong ginawa mo?!" gulat na sabi ni Lien

"I'm sorry Baby hindi ko sinasadya" naiiyak na sabi ni Zofia

"B-bakit mo naman ginawa 'to Baby?" nanghihinang tanong ni Lien

"Sorry" nanghihina ko ring usal sabay hinalikan siya sa labi

"Baby hindi tama 'to eh" usal ni Lien ng maghiwalay ang labi naming dalawa

"Alam ko hindi ko naman sinasadya eh paharang harang pa kase yan!" usal ko at tinuro si Coleen na walang malay

"Kahit saang anggulo mo tingnan Baby ikaw ang mali" malamig na sabi ni Lien

"Sorry handa naman akong akuin ang kasalanan ko eh" sabi ko sabay niyakap siya

--------------------

Forgetting YouWhere stories live. Discover now