Chapter 16

196 18 2
                                    

Gabb's POV

I will have a headache on this subject I hate math for real kaya natulog nalang ako

"Ms. Skribikin!" Damn! Hanggang dito ba naman papagalitan ako

"Yes Ma'am?" I said politely

"Why are you sleeping in the middle of my class?" she asked

"I'm bored ma'am so I decided to sleep" I said coldly

"if that's the case, don't go to my class and get out now!" she shouted

Hindi na ako nakipagtalo pa kinuha ko ang gamit ko sabay lumabas ng klase tss as if I care naman kung galit siya

Ilang minuto na akong nasa labas at tapos na ang klase ko kaya papunta na ako sa Canteen para bumili ng pagkain ko

Naglalakad na ako ng makita ko si Ella na nabagsak mga gamit niya at wala manlang tumulong sakanya kaya lumapit ako at tinulungan siya

"Ahm t-thanks" nahihiya nitong sabi

"You're welcome btw I'm Gabb Coleen's Friend" pagpapakilala ko sabay ngumiti ng matamis sakanya

"I'm Ella Coleen's Friend too btw natatandaan kita ikaw yung kasama ni Ate Sela dun sa Intramuros diba?" Pagtatanong pa nito

"Yes" sabi ko

"Ah sige una na ako nice meeting you" sabi nito sabay ngumiti

"Nice meeting you too" I said then I smile sweetly at her again

Umalis na rin siya kaya pumunta na ako sa canteen para bumili at syempre hindi mawawala yung mga payasong fangirls ko raw

"Hi Gabb" she greeted

"Hi" I said coldly without looking her

"Oorder ka ba? Sige una ka na" kinikilig pa nitong sabi hindi ko na pinansin at nauna na akong bumili sakanila

Naghahanap ako ng upuan ng makita ko ulit si Ella she looks beautiful with or without make up

"Can I sit here?" I ask politely

"Sure" she said then she smiled pansin ko lang ang hilig niya ngumiti kaya nakakafall

"Thanks" sabi ko sabay nilapag ang pagkain sa lamesa at naupo

"Pumasok ba sa first class si Coco?" She asked

'Coco?'

"Coco?" I confusedly asked

"Si Coleen nickname niya kase yung Coco" she explained

"Ohh okay" I said

"So pumasok ba siya sa first class niyo?" She asked again

"No and how did you know that she's my classmate?" I asked

"Ah nakukwento niya kase sakin na classmate ka niya sa first class" she explained then she chuckled and I find it cute

"At ano naman nakwento niya tungkol sakin?" I asked

"Naasar daw siya sayo kase ang sungit mo pero parang hindi naman totoo" she said then she chuckled softly

"That's partially true" I said then I chuckled sayo lang naman ako mabait

"Kung ganoon hindi ko dama na masungit ka" she said

"Answerte naman nung babaeng kasama ni Gabb pinapansin siya" dismayadong sabi nung babae na hindi ko kilala

"Humanda siya sakin mamaya" nanlilisik na sabi ng isa niyang kasama

"Don't mind them inggit lang sila kase ikaw pinapansin ko" I said while smiling sweetly

"Bakit ba kase ako lang pinapansin mo? Yan tuloy andaming nagseselos" sabi niya sabay tumawa ng mahina

"Kase ibang iba ka sakanila" I said sincerely

"Paanong iba?" takhang tanong pa nito

"Mas simple ka kesa sakanila" sabi ko at namula ang pisngi niya sa sinabi ko

"Nako Gabb ah magaling ka pala mambola" sabi niya

"Totoo yun" sabi ko sabay kumain

Nagkwentuhan lang kami hanggang matapos na ang lunch break namin hinatid ko muna siya sa classroom niya bago ako pumunta sa classroom ko

Coco's POV

"Ate Coco inom ka na ulit ng gamot para tuluyan ka ng gumaling" katok ni Clarence hindi ko napansing maghahapon na pala

"Oo pababa na ako" sabi ko

Bumaba na ako at uminom ng gamot nakita ko naman si mama na nagluluto kaya agad akong pumunta sa kusina para tulungan siya

"Ma tulungan na kita dyan" sabi ko

"Hindi magpahinga ka muna baka mabinat ka niyan at hindi ka makapasok bukas" sabi pa nito at pinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas

"Okay naman na po ako ma tsaka kanina pa ako pahinga ng pahinga wala na akong natutulong sa bahay" sabi ko kay mama

"Sige na dun ka nalang muna sa sala kaya ko na 'to" sabi niya sabay nagsimula ng magluto

Mukhang ayaw magpatulong ni mama pag hinahawakan ko yung kutsilyo tinatapik kamay ko eh hahahaha

Makalipas ang ilang minuto malapit na raw maluto ang niluluto ni mama kaya hinanda ko na ang pagkakainan namin

"Oh Clarence bakit yang ate mo pinaghahain mo ng pagkakainan natin?" Sita ni mama

"Ang kulit ma eh binatukan pa nga ako nung sabi kong wag na siya makulit at ako na ang maghahain" sabi ni Clarence

"Okay lang yan ma wag mo na pagalitan si Clarence ako nagpumilit" sabi ko kay mama ng mailapag niya ang naluto niya

"O siya sige na kumain nalang tayo" sabi ni mama

Kumuha na ako ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain ng kumain

"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Bien

"Oo naman" sagot ko sabay kumuha ng tubig at ininom

Nakatapos na kami kumain kaya naman nagpresinta akong maghugas ng plato at pinayagan naman nila ako dahil baka mas makulit pa ako sa pinakamakulit hahahaha

Umakyat na ako at nagtanong kay Josh, Ate Ella at Gabb para magtanong kung anong assignment nila kanina kaso hindi ko matawagan thru messenger si Gabb baka hindi pa online kaya ginawa ko muna ang assignment na sinabi ni ate Ella at Josh

Tapos ko na ang mga assignment kaya naisip ko na magpalit ng damit at gawin ang night routines ko yess bukas makakapasok na ako

Kung sino mang nagbigay saakin ng lunchbox na yun hindi niya siguro alam na bawal ako sa hipon okay lang yan Coco nangyare na eh

Pero sana bukas maging payapa ang araw ko baka sugurin nanaman ako nung tatlong fangirl ni Gabb nakakaasar na sila dahil namimisikal masyado like hindi ko na nga nilalapitan si Gabb pero patuloy pa rin sila sa pananakit sakin

Nang matapos na ako sa night routine ko nahiga ako sa kama at tinitigan ang kisame namin nakita ko bigla yung mukha ni Gabb na nag aalala sakin nung muntik na akong himatayin dahil nakakain ako ng hipon jeez bakit ko ba naiisip si Gabb kadiri Coco

Sa sobrang paghahallucinate ko hindi ko na napansing nakatulog na pala ako

---------------------

So yun last update for this day hindi ko pa alam kailan next update tinatamad na akong magsulat hahaha pero yun thanks sa mga nagbabasa lovelotsss enjoy reading have a good day ahead! If may hindi tamang grammar feel free na sabihin sakin para matama ko thanksss❤️

Forgetting YouWhere stories live. Discover now