Chapter 19

187 18 0
                                    

*Kinabukasan*

Wahhh umaga nanaman yes po opo hindi po ako ginising nila mama ngayon himala Coco nagising ka ng maaga kaya inayos ko na ang higaan ko at ginawa ko ang morning routines ko tsaka bumaba

"Oh ang aga mo ata gumising ngayon ate excited ka ba makita si Josh?" pang iinis pa ni Clarence kita mong umagang umaga wag ako ngayon

"Tigil tigilan mo ko Clarence umagang umaga" inis kong sabi tumawa naman siya kaya dumiretso nalang ako sa kusina kung nasaan si mama

"Goodmorning ma" bati ko sabay halik sa pisngi niya

"Goodmorning anak bakit nakabusangot ka nanaman dyan" bati ni mama saakin

"Si Clarence kase ma eh" sabi ko

"Ano nanaman ginawa sayo ng kapatid mo?" tanong ni mama

"Eh kase po inaasar nanaman ako na ang aga ko daw nagising tapos kaya daw po ako maagang gumising kase excited daw po ako makita si Josh" sabi ko

"Hindi nga ba?" pang aasar din ni mama

"Ma! Pati ba naman ikaw" naiinis kong sabi

"Joke lang anak sige na maghain ka na para makakain na tayo malapit ng maluto 'to" sabi ni mama kaya naman naghain na ako agad para makakain na kami

Ilang minuto lang ang lumipas naluto na ang ulam kaya kumuha na ako ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain ng nakatapos ako kumain umakyat ako para maligo at mamili ng susuotin ko

Nakatapos na akong maligo at mamili ng susuotin kaya bumaba na ako para mag ayos ng laman ng bag ko dahil baka may makalimutan nanaman ako

"Ayos ka na ba ate?" tanong ni Clarence

"Oo" tipid kong sagot

"Ganda ah nagpapaganda ka kay Josh?" nang aasar niyang tanong

"Aba't" inis kong sabi

"Hahahaha asar yan ate" nang aasar niyang sabi kaya inirapan ko nalang siya

"Ma alis na po kami" sabi ko kay mama

"Sige ingat kayo" sabi ni mama kaya humalik ako sa pisngi niya tsaka lumabas at sumakay sa sasakyan

"Clarence Friday na ngayon diba?" tanong ko

"Oo ate bakit" tanong niya pabalik

"None ambilis ng oras" sagot ko

"Ate ingat ka" sabi niya ng makababa ako sa kotse

"Oo naman sige ingat ka rin" sabi ko sabay pumasok sa loob ng University

Naglalakad na ako papasok ng building ng may umakbay sakin ng napakalakas kaya muntik na akong matumba sa paglalakad sino ba kase 'to anlakas mang akbay kaya lumingon ako sa left side ko at nakita kong si Gabb yun akalain mo nga naman pero kababaeng tao anlakas

"Lakas mo namang mang akbay muntik na akong matumba dun ah" sabi ko

"Tss mahina ka lang talaga" pang aasar niya

"Isa ka pa eh umagang umaga wag ako asarin mo Gabb" inis kong sabi

"Yahhh sorry na nga eh" sabi niya

"Aba himala nagsosorry ka yung totoo nakashabu ka ba?" tanong ko

"No I'm just happy" she said sincerely

"Oh okay" I said

"Can I eat with you and Ella later?" she asked

"Yep why not?" I said

"You left suddenly yesterday so I thought you were mad at me" she said

"I'm not mad at you it's just that I'm becoming the third wheel and I have nothing to do with you and Ate Ella so I just left" I explained

"That's why you left yesterday?" she asked

"Do you want me to repeat what I said?" I sarcastically asked

"No I'm just confirming it chill" she said

"At kailan ka pa naging kind?" tanong ko

"Kahapon lang hindi ka nainform?" sarkastiko niyang sabi

"Hindi eh sorry" sabi ko sabay naglakad papuntang classroom dahil malapit na kaming malate

Hindi naman na siya nangulit pa kaya andito na kami sa room inaantay nalang si Miss na pumasok

"Mamaya libre mo ako sa Canteen ah" biro kong sabi

"Okay" sagot niya

"Hala joke lang hahahaha hindi ka mabiro" sabi ko

"No I insist, umalis ka kahapon dahil naging third wheel ka namin kaya babawi ako sa bestfriend ko" sabi niya

"Ay hala hala? Hindi nga ako bestfriend mo? Kailan pa?" takhang tanong ko

"Nung atakihin ka ng allergies mo sa rooftop" she said

"Ahh okay okay naks bestfriend ko ang famous na Gabrielle Skribikin ng Salazar University nakakaflutter naman" sabi ko tumawa nalang siya at hindi na sumagot nakita kong andyan na pala si Miss sorry na napasarap lang kwentuhan hahahaha

Ilang oras palang nagtuturo si Miss ay inaantok na ako sa lesson niya tamang tanong siya sa mga kaklase kong nasasagot din naman nila sana lahat may naiintindihan

"Miss Trinidad!" rinig kong sigaw ni Miss

"Yes Miss?" sagot ko

"You're not listening to my Class!" sigaw niya ulit

"I'm listening po miss" I said

"No you're not! You're sleeping in the middle of my class" she shouted oh shocks nakatulog pala ako hindi ko napansin huhu

"I'm sorry Miss" sabi ko habang nakayuko

"No get out of my class" she said wahh first time kong mapalabas sa classroom huhu

"Miss?" nagmamakaawa kong sabi

"Get out!" she shouted again

I have no choice so lumabas nalang ako kahit ayoko huhu wag sana siya magsabi sa principal na hindi ako nakikinig sakanya

Nakaupo lang ako sa isang gilid na pinagtitinginan ng ibang tao at nagbubulungan pa ang iba

"Kita mo nga naman nasa gilid lang ang basura pakitapon yan" rinig kong sabi ni Zofia tch nanahimik na ako eh kahapon hindi naman na sila nang inis tapos grrrr

"Ano mang aaway nanaman kayo?" tanong ko

"Aba't sumasagot na yung basura ah" sabi niya at bigla niya akong sinampal ng napaka lakas fudge ansakit

"Ouch! Tama na nga" sabi ko

"Nasasaktan pala ang basura" sabi ng kasama niya at sa tingin ko si Shanice yun

"Tanga malamang tao ako eh" sagot ko at sinampal nanaman ako ng napaka lakas may nalasahan akong dugo wag mo na patulan Coco lalo ka lang masasaktan

"Ano suko ka na?" tanong niya sabay dinuduro duro ako

"Hindi, ayoko lang talagang aksayahin oras ko sa pangit na katulad niyo tss" sagot ko sabay sinabunutan ako nito sabi sayo Coco wag ka na sumagot eh arghhh ang sakit sa anit

"Sasagot ka pa?" sabi niya sabay sinampal ulit ako pero hindi ako sumagot

"Ano hindi ka sasagot?" sabi niya at sinampal nanaman ako ng pagka lakas lakas

--------------------

New update ahead mamaya maya na yung Chapter 20 hahaha wait lang sabog na utak ko so yun thanks sa mga nagvovote at nagbabasa ng story ko have a good day ahead!❤️

Forgetting YouWhere stories live. Discover now