Chapter 8
"Tanginang Tyler na yun! Masasapak ko siya!"
Kanina pa si Isa sigaw ng sigaw at nag sasabing naiinis ito kay Tyler.
Dito niya ako dinala sa condo niya matapos niya akong sunduin. Isang oras na din matapos niya akong kunin sa Village. Sinabi niya na dito raw muna ako mag stay since nakila Chase naman sila tumitira.
"Isa... Hayaan mo na." Aniya ko.
Bumuntong hininga naman ito.
"Ayan! Yan kasi ang dahilan kung bakit madalas kang maabuso Valentina! Ang bait mo masyado! Try mong magalit din minsan!" Inis na saad nito.
"Hindi maganda ang magalit." I said.
"Kaya nga! Kaso minsan iparamdam mo rin na galit ka." Mahinahong pag papaliwanag nito. Natawa naman ako.
"Bakit? Nagalit ka ba kay Chase?" Pag iiba ko ng usapan. Rinolyohan niya ako ng Mata.
"Wag kang epal! May anak kami kayo wala." Aniya nito at natawa naman ako doon.
"Kasal kami kayo hindi." Aniya ko rin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Mahal niya ako! Ikaw ba? Mahal ka?!" Masungit na tanong nito.
Tumawa nalang ako.
Tama naman siya...
Ako yung pinakasalan Pero hindi yung Mahal. And it's Everin.
"Ayos ka na ba? Wala ng ibang masakit sayo? Nagugutom ka pa ba?" Sunod sunod na tanong nito.
Kanina pa niya ako inaasikaso dito.
"Ayos na ako at busog na rin ako. Masarap ka ngang mag luto eh." Sambit ko. Tumango naman ito.
"Eight pm na pala... Hinahanap na ako ng anak ko nito." Aniya nito.
"Umalis ka na... Ayos na ako. Kailangan ka ng anak mo."
Kita ko kung gaano niya kagustong mag stay dito Pero kinalaunan ay tumango tango rin.
"Basta kapag may Kailangan ka tawagan mo lang ako. Wag ka na ring babalik doon sa bwesit na halimaw na yun ha! Kung Hindi talaga naku! Ako mismo papatay sayo kung gusto mong mamatay!" Napatawa nalang ako.
"Ah Isa... W-Wag mo sanang sasabihin to ki C-Chase..."
They are friend. Hindi impossibleng itutuor din ni Chase ang kinaroroonan ko.
"Wag kang mag alala. Wala akong pag sasabihan. Mauna na ako." Tumango nalang ako bago siya ihatid palabas.
Ng makaalis na siya ay naka hinga ako ng malalim.
Kahit na wala na ako sa Bahay na yun ay pakiramdam ko hindi parin ako Malaya.
That house is our parents gift. Bigay iyon sa amin ng magulang namin as a wedding gift.
Pumunta ako sa guest room ng condo. Doon ako komportable dahil yun ang nag sisilbing kwarto ko kapag dito ako natutulog sa condo niya noon. May mga damit rin ako doon.
Humiga ako sa kama at tumulala lang. Iniinda ko lahat ng sakit na pinaranas sa akin ni Tyler.
Sobrang sakit... Gusto kong mawala ang sakit na ito.
Napatingin ako sa daliri ko na may band aid parin. Pwede ko bang ulitin ulit ang pag sakit sa sarili ko?
Kumuha ako ng gunting na nakalagay sa may side table. Humiga ako at tumingin sa pulsuhan ko.
It's flawless and clear. Walang kahit na anong sugat doon... Pero hindi na ngayon...
Idiniin ko ang gunting doon at linagyan iyon ng paguhit na sugat. Kita ko ang pag daloy ng dugo mula doon.
YOU ARE READING
Just his wife | D'heir Series #1 ( UNDER EDITING )
RandomValentina Assuncion wants nothing but happiness in her married life. But Destiny have a different plan. A very different plan. Because she's so far away from the happiness that she want.Tyler Laurent made her experienced hell. The sexy, hot, georgus...