[Vienne Claire’s POV]
“So this is the reason why you insists that we should have a very simple wedding huh?”-Vienne
“Yeah. Ayokong may makaalam. Kilala ang pamilya mo sa business world and for sure dadagsa sa kasal natin ang mga bwiset na paparazzi. I don’t want to give you that kind of wedding. ”
Sige! Asawa ko na ang sweet!
“So I married a prince. Mas marami na namang mata ang sumusubaybay sakin ngayon.”
“Don’t worry… I’m here.”
“Teka nga! Kung prinsipe ka eh bakit hindi kalat sa EU?” taka kong tanong kay Jace.
“Sekreto lang ng university yun saka ng Royal Council. Well… di mo pa alam to pero kasi royal school ang EU. Kaya siguro mahal ang tuition fee nung iba. Hindi din nagsasalita ang EU dahil nakatali sil asa kontrata na bawal ipaalam sa lahat na royal ang ibang nag-aaral dun. Well kahit naman walang kontrata hindi din nila sasabihin yun.”
“Wait… wait… wait… you mean hindi lang ikaw ang royal dun?”
“Yeah.”
“Eh sino-sino pa yung nag-aaral dun na mga royal? I mean anong country?”
“Spain lang. Yung mga pinsan ko nandun din. Pero hindi kami pwede magpansinan dun kasi baka may nakakakilala samin eh di nagkadamay-damay na kami kapag lumitaw na yung identity nung isa. Yung EU kasi yung napili ng King noon na pag-aralan ng Lolo ko na syang hari naman ngayon. Tapos nagdecide syang dun na din pag-aralin lahat ng nasa bloodline nya. Para na din daw maexperience naming kung paano mamuhay ng normal bago naming gawin yung royal duties namin.”
“Eh bakit sa dinami-dami ng bansa bakit Pilipinas pa? sa Land of Mahihirap at Mangongotong pa?”
“Alam mo… nabago ko nga yung ugali mo pero sa tingin ko hindi ko na matatanggal ung pagkaprangka mo. Aray!” dahil sa sinabi niya ay kinurot ko siya sa tagiliran.
“Dali na ikwento mo na.”
“Eh kasi nga parang sister country na ng Spain yung Philippines? At saka kasi half pinoy yung tatay nung Lolo ko na king noon… ngets mo na?”
“Ngets na ngets na po kamahalan.”
“At dahil ako ang prinsipe dito… ako ang masusunod.”
“Ngak?”
“Susundin mo ko dib a? pag di mo ko sinunod ipapabitay kita.”
“Neknek mo. Hindi mo magagawa yun kasi mahal mo ko… iiyak iyak ka pa nga nung ayaw ko makipagbati sayo.”
“Akala mo na man di din siya umiyak nun.”