Chapter 2-A Sweet Threat

672 8 0
                                    

[Vienne’s POV]

Ngayon lang may gumawa ng ganun sa akin. Ang talikuran at tanggihan ako ng hindi pa ako tapos sa pagsasalita.

Hindi ako makakapayag na basta ganun na lang.

Wala pang tumatanggi sa isang Vienne Claire Arenaz.

Makikita nito.

Tinanggihan pa ko nito dahil sa panliligaw ni Clay eh hindi na nga ako nililigawan nun dhil sinabi ko na dito kanina na kaibigan lang ang tingin ko dito.

If I know may itinatago din itong pagkagusto sakin. Ayaw lang nitong aminin dahil si Andrea lang ang nakikita nito sa ngayon.

Ang dapat kong gawin ngayon ay sirain  ang pagtitinginan ng mga ito.

-kinabukasan

“HI!” bati ko kay Andrea.

Parang nag-aalangan ito kung papansinin ba ako nito o hindi.

“Hi din.”

“Siguro naman kilala mo na ako? Alam mo na… popular kasi dito sa school.”

“Yeah I know you.”

Ngumiti ako ng matamis.

“Pwede bang makishare ng table? Wala na kasing ibang vacant table eh.”

“Sure.”

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng kausapin ko ulit ito.

“Ikaw yung nililigawan ni Jace di ba?”

“Pano mo nalaman?”

“Popular kasi sya eh. Kasi nga diba captain sya ng basketball team.”

“Ah.”

“Napakasimple mo pero nagustuhan ka pa rin nya. Siguro mabait ka talaga.”

Yumuko ito.

At nagpatuloy naman ako.

“BAkit hindi mo pa sya sinasagot?”

Matagal bago ito sumagot. Para bang inaanalyze nito kung dapat ba akong pagkatiwalaan.

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon