OTW to Married Life

597 8 2
                                    

[Jace's POV]

"Uuwi na po kami." sabi ni Jace habang hawak ang mga kamay ni Vienne.

"Buti naman at nagkasundo na kayo. So kelan ang kasal?"tanong ng papa ni Vienne.

"Sa lalong madaling panahon po. hindi na po ako makapaghintay na maging Monte Rivas ang pangalan ng anak ninyo."sabi ni Jace

Nilingon ko si Vienne sa tabi ko.

hindi ito kumikibo pero alam kong masaya din ito sa mga nangyayari.

nakita kong buhat ng hipag ni Vienne si baby Jaiden.

ibibigay nito kay Vienne ang bata pero kinuha ko ito.

"Hey buddy... You're mom and I are going to get married soon. For now ring bearer ka muna. Pero wag ka mag-alala. After 25 years, ikaw na ang best man ko kapag ikinasal uli kami ng mommy mo."

"Pakasalan mo muna ko bago ka magsasabi ng ganyan."si Vienne

"Wag ka mag-alala. this time hindi na ko aatras. Sigurado na kasi ako sayo."

"So dati hindi ka sigurado sakin?!" halatang napipikon ito.

inakbayan ko ito at binulungan.

"Sigurado naman na ko sayo nun eh. Pero ngayon siguradong sigurado na. Alam mo kung bakit? Kasi sobrang mahal na kita ngayon. Umaapaw na nga eh."

"Tigilan mo nga ako. Bolero." humalukipkip pa ito.

"Ayaw mo maniwala?" iniharap ko ng sobra si Jaiden kay Vienne. "Hindi pa ba sapat na dahilan tong gwapong bata na to na nagmana sa akin para mapatunayan kong mahal talaga kita?"

"Whatever."

"Wag mo nga akong tarayan. di kita pakasalan jan eh."

"Aba! ako na ang magtataray sayo pag ginawa mo yun." singit ng mama ni Vienne.

"Joke lang po yun mama. Alam nyo namang lahat ang hirap ko sa pagpapaliwanag ko dito kay Vienne eh. ngayon pa ba ako aatras?"

humagikhik si baby Jaiden at nagpapadyak. sang-ayon din siguro ito sa sinabi ko kaya nagtawanan na lahat ng nasa study.

-----------

[AN]

ayan na po ang update..HAHAHA im so tinatamad kasi eh..LOL

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon