Chapter 13- The Truth

654 6 0
                                    

“Monte Rivas?!” narinig kong sigaw ni Vienne. Nakauwi na ito mula sa ospital at ako naman ay sa bahay nila tumutuloy ngayon.

“Yes.” Sagot ko dito.

“Bakit ipinangalan mo ang anak ko sayo?!”

“Dahil ako ang ama nya Vienne.”

“Wala kang karapatan!”

“Calm down Vienne. Baka mabinat ka.”

“Wala kang karapatan Jace! Pagkatapos mo akong iwan? Ganun na lang yun? Basta basta ka na lang susulpot at sasabihing ikaw ang ama ng anak ko at ipaggigiitan mong may karapatan ka sa kanya?!”

“Vienne please… huminahon ka muna.”

“Wala kang karapatan sa bata Jace. Dahil hindi ikaw ang ama nya!”

Natigilan ako sa sinabi nito.

“Hindi ikaw ang tatay ng anak ko.”

“Don’t give me that shit Vienne!”

“Hindi ba’t ikaw na ang nagsabing malandi ako? Hindi man lang ba pumasok jan sa isip mo na marami akong lalaki at may posibilidad na hindi ikaw ang ama ng bata?”

“Vienne… alam nating pareho na hindi totoong ganun kang babae.”

Sa itsura nito ay mukhang maiiyak na ito.

“Talaga? Kaya pala pagkatapos ng lahat ng nangyari satin noon ay ipinamukha mo pa rin sa akin na napakalandi kong babae.”

“Vienne… Im so sorry. I did’nt mean to hurt you.”

“And I didn’t mean to love you Jace! Damn you!” tumakbo ito palayo.

“Vienne!”

“Vienne…”

“Stay away from me Jace. Just stay away.”

“Hindi ako lalayo sayo Vienne. Never.”

“Ayoko na Jace.”

“Kung ikaw sumuko na sakin, ako kahit kelan hindi kita isusuko. Never.”

Yun lang at iniwan ko na uli ito.

[Vienne’s POV]

“You’re going to marry Jace, Vienne whether you like it or not.” Authority is in Don Rafael Arenaz’s voice.

“But…”

“No buts Vienne. Kapag kumalat na disgrasyada ka ay masisira ang pangalan ng pamilya natin!”

“Hindi ako magpapakasal sa kanya.”

“Huwag mong sabihing gusto mong maging bastardo ang apo ko Vienne? Pakakasalan mo ang ama ng apo ko at wala ka ng magagawa dun.”

“Papa…” naiiyak na ko.

“Stop it Vienne. Hindi mo ako madadala sa paiyak-iyak mo.”

“Hindi ko sya pakakasalan. Isa pa hindi din sya papaya na magpakasal sakin dahil---“

“Dahil ano Vienne?” narinig kong sabi ni Jace na kapapasok lang sa study room.

“Dahil hindi mo naman talaga ako mahal.”

“Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na mahal kita ha? Hindi mo ba naiintindihan yun?”

“Wag ka ng magsinungaling!”

“Let him talk Vienne.” Sabi ni papa.

“No. kaya lang naman sya pumunta dito ay dahil sa bata. Kaya lang nya sinasabi sakin na mahal nya ako ay dahil sa bata. Hindi nya talga ako mahal! Nakokonsensya lang sya na habang nagbubuhay binata sya sa Pilipinas eh may isang bata dito na walang kinikilalang ama!”

Nilagpasan koi to at lumabas nan g study. Sinundan naman ako nito. Binilisan ko lalo ang lakad ako. Pero naabutan pa din ako nito at sinaklit ang braso ko.

“You can’t runway from me Vienne. You can’t runaway from love.”

“Ano pa bang gusto mo Jace? Hiindi ka pa ba kuntento na gamit na ng anak ko ang pangalan mo?! Sya lang naman ang gusto mo di ba? Hindi ko naman sya pinagkakait sayo kaya bakit kaylangan mo pa akong pakasalan?

Para ba makasama mo ko ng habang-buhay at habang-buhay mo ding ipaparamdam na wala lang ako para sayo? Na sinira ko ang buhay mo?  O baka naman para ipamukha mo sakin na hindi mo talaga kayang mahalin ang isang tulad ko dahil si Andrea talaga ang mahal mo?

“Hindi ganun yun Vienne. Ayaw kitang saktan. Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo noon. Vienne mahal na mahal kita. Ano bang dapat kong gawin para lang maniwala ka?”

Tahimik lang ako.

“Vienne… listen to me. Mahal kita. Noon pa, bago ka umalis. Saka ko lang narealize yun nung hindi na kita kasama. Halos araw-araw pag gising ko nakatanga lang ako sa gilid ng kama habang iniisip na nandun ka. Nasanay na akong kasama ka.

Akala ko nung una naninibago lang ako. Pero habang mas tumatagal eh mas naiisip ko sa sarili ko na napakalaki kong tanga na pinakawalan kita. But believe it or not, I only did that for your own sake.”

“What do you mean?”

“Clay told me before that he still has a thing for you and he will do everything to make you his’. I ethought that if we get married and he stole you from me… people around you, around us will think that you’re an easy woman Vienne. Makakadagdag lang yun sa mali nilang paniniwala.”

“Yun naman talaga ako di ba? I go out with every hot guy I meet. At wala silang pakialam sa ano man gusto kong gawin sa buhay ko dahil hindi sila ako!”

“Hindi ikaw yun Vienne. Ibang iba yung Vienne nay un sa Vienne na nakasama ko sa iisang bubong. Iba yung Vienne nay un sa Vienne na pakakasalan ko dati. Sabihin mo nga sakin, bakit hinayaan mo silang yun ang paniwalaan nila? Namin?Ni pati sakin itinago mo yun. Kaya all along ay akala ko---“

“Wag ka ng makialam dahil wala kang alam!”

“May alam ako Vienne. And I could easily kill that man without going to jail. Hindi nya dapat ginawa sayo yun. Sya ang dahilan kung bakit nasira ang reputasyon mo sa school Vienne. Hindi ko lang maintindihan sayo kung bakit pinabayaan mo lang syang ganunin ka.”

“Jace stop it!”

“Kung ikaw hinayaan mong gawin nya sayo yun,ako hindi. Pagbabayaran nya ang ginwa nya sayo.”

“A-anong ibig mong sabihin? J-Jace wag mong sabihing…”

“Don’t worry… Hindi ko hahayang mabahiran ng dugo nya ang mga kamay ko. Pero magbabayad sya sa batas.”

“Anong…”

“Nung umalis ako, pinaayos ko na ang lahat kay Clay para sa pagsasampa ng kaso sa kulugong rapist na yun.”

“Now, enough of that jerk. Let’s talk about us.”

“Hindi pa rin ako magpapakasal sayo.”

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon