Chapter 8- SMS

603 7 0
                                    

[Vienne’s POV]

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kulay puti ang paligid ko.

“You’re awake.” Nakita ko si Clay na nakatayo sa tabi ng bintana.

“Nasan tayo?”

“Hospital.”

Kinabahan ako bigla.

“Anong nagyari? May nangyari bang masama sa baby ko?”

Medyo nababahala na ako. Kinakabahan ako dahil baka may masamang nangyari sa magiging anak naming ni Jace.

Yes. Im 6weeks pregnant. Nung isang lingo ko lang nalaman yun ng naisipan kong magpacheck-up dahil napansin kong laging masama ang pakiramdam ko at parang lagi akong naduduwal.

Kinalma ako ni Clay. “Don’t worry. Walang masamang nangyari sa baby mo. Ang sabi lang ng doctor na tumingin sayo kanina ay masyado kang stressed kaya ka hinimatay. Normal din daw yan sa nagbubuntis.

Napanatag naman ako sa narinig.

“Alam na ba ni Jace ang tungkol dito?”

Umiling ako.

“Sa tingin ko ay kaylangan ko na syang tawagan para makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan.”

“Clay…”

“Hmmm?”

“Wag mo munang sasabihin ang tungkol dito kay Jace. Ako na ang bahalang magsasabi sa kanya basta wag ka magsasabi kahit kanino.”

Ngumiti ito. “Okay. Sandali lang. aayusin ko lang ang bills.”

Lumabas na ito.

[Clay’s POV]

Paglabas ko ng hospital suite ay tinawagan ko si Jace.

“Nasan si Vienne?!” agad na tanong nito.

Mukhang nakarating na dito ang anumang nakita ni Andrea kanina.

“Kasama ko sya ngayon.”

“Dammit Clay! Sabihin mo kung nasan kayo o mapapatay kita.”

“Nasa hospital kami ngayon.”

Natahimik ito sa kabilang linya.

“Anong nangyari?”

“Nothing serious. Sinamahan ko lang dito dahil nagpasama sya sakin kanina. Namimilipit kasi sya kanina at sinisikmura. Kaya dinala ko na dito. Kasao hinimatay naman nung iinjectionan kaya nagtagal pa kami dito.”

“Sang ospital yan?”

“Dito malapit sa school.”

“Papunta na ko.”

Ng makarating ako ay agad kong tinanong sa nurse’s station kung saan ang kwarto ni Vienne. Pagpasok ko ay halatang nagulat ito. Tinitigan ko itong ng mataman. Namumutla ito.

[Vienne’s POV]

Bumukas ang pinto. Akala ko ay si Clay yun pero si Jace ang nandun.

Bakit sya nandito?

“Anong ginagawa mo dito?”

Bakit sya nandito? Sinabi ba ni Clay ang lahat dito.

“Bakit? Sino ba ang inaasahan mong pumunta dito? Si Clay?”

“Sya kasi ang nagdala sakin dito.”

“Kanina pa sya umalis. Tinawagan nya ko para sunduin ka.”

“Ah.”

Bumangon ako para sumama na dito pauwi.

Agad akong nitong dinaluhan.inalalayan ako nitong bumangon at maglakad.

“Napakaputla mo. Magkakain ka nga.”

Hindi ako kummibo.

Alam na ba nito?

“Sinikmura ka daw sabi ni Clay.”

So hindi pala sinabi ni Clay ang totoo.

Pano ko kaya sasabihin dito na magiging ama na ito?

Natatakot ako sa magiging reaksyon nito.

Ng makauwi kami ay agad din akong nakatulog.

[Jace’s POV]

Napakahimbing ng tulog ni Vienne. Kanina ko pa ito pinagmamasdan habang natutulog.

Dahil sa itsura nito ngayon ay napakahirap paniwalaan ang sinabi ni Andrea kanina  na nakita nyang naghahalikan ito at si Clay.

Siguro ay magkayakap lang ito at inakala ni Andrea na naghahalikan ang dalawa.

Pero may posibilidad din na hinalikan nga ito ni Clay. Dahil siguro gusto pa din ni Clay si Vienne. O pwede ding nagsasawa na si Vienne sakin katulad ng mga dati nitong boyfriends na pinagsawaan din nito.

Naguguguluhan na ako.

Bukas na bukas din ay mag-uusap kami.

Marami pang mga tanong ang gumugulo sa isipan ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ni Vienne.

Kinuha ko yun.

message from Clay

nacurious ako kung bakit nagtetext pa ito ng ganitong oras kay Vienne kaya binasa ko ang text nito.

Naikuyom ko ang mga kamay ko ng makita ko kung ano ang text nito.

Don’t worry. Hindi ko sasabihin kay Jace ang sikreto ntin. Sating dalawa lang yun at walang makakaalam, promise.

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon