Chapter 1-Rejection at First Meeting

1.1K 8 0
                                    

[Vienne Claire’s POV]

First day of school, natutuwa akong makita ulit ang mga dati kong kaibigan pero mas natutuwa ako sa nakikita kong pagtabi ng mga estudyante sa dinaraanan ko.

“Wow! Ang ganda ng bag nya.”

“Pati yung booties nya.”

“Ang ganda din ng buhok nya. Messy bun.”

“Sya talaga ang maganda hindi yung mga gamit nya.”

Yan ang mga karaniwang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin.  Natutuwa talaga ako kapag napupuri ako.

“HI Claire!” nakita ko si Clay na papalapit sakin.

“Hi.” Maikling bati ko dito.

Matagal ng nanliligaw sa akin si Clay. At wala akong balak na sagutin ito. Dahil ang tipo nito ang lalaking dapat ay sineseryoso. At ayaw kong saktan ito dahil napakabait nito. Sa tingin ko ay pangmag-kaibigan lang talaga kami.

“Free kaba mamayang lunch? Sabay na tayo kumain.”-Clay

“Im sorry pero may lakad kasi kami ng mga kaibigan ko eh. Next time na lang ha?” yun lang at tinalikuran ko na ito.

[Jace’s POV]

Nasa dulo kami ng corridor ng barkada ko ng mapatingin ako sa unti-unting humahawing estudyante sa daan. Ang dahilan? Dadaan si Vienne Claire; ang pinakapopular at pinakaplaygirl na babaeng nakilala nya sa buong campus.

Maganda ito.

Pero ako ang tipo ng lalaki na hindi lang panglabas na kagandahan ang tinitignan. Para sa akin ay mas mahalaga pa din ang kabaitan ng isang babae. At malayung-malayo ang personalidad ni Vienne Claire sa babaeng hinahanap ko.

At si Andrea lang ang babaeng perpekto na maging girlfriend ko. Mabait na. maganda pa.

Nakita kong nilapitan ni Clay na isa sa mga kaibigan ko si Vienne. Matagal na itong nanliligaw kay Vienne pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Kawawa naman.

Pagkatapos nitong kausapin ang babae ay bumalik na ito sa amin.

“Ano daw?”-ako

“May lakad daw sila eh.”-Clay

“Hindi ka na nasanay.”-Drake

Napapailing na lang ako.

[Vienne’s POV]

Ang boring.

Wala akong laruan ngayon. Lalaki.

Hindi kasi ako napirmi sa iisang lugar nung bakasyon dahil nagbakasyon ang pamilya ko at ako sa iba’t-ibang bansa kaya wala akong nakilala.

“I can’t believe that that Jace guy is courting that oh-so-plain-girl Andrea.” Narinig kong sabi ni Sienna.

“Who?”-ako

“Yung hunk na kaibigan ni Clay.”

Nilingon ko ang kinaroroonan ng Jace na sinasabi nito. Kahit nakatalikod ito ay halatang alaga ang katawan nito sa gym. Matangkad din ito. Ng lumingon naman ito ay nakita ko kung gaano kgwapo ang lalaking ito.

Hindi pangkaraniwan ang itsura nito. Para itong isang Spanish model. Maiitim na buhok at malalantik na pilik-mata. At ang mga labi nito…

“Hmmmm…”

“What are you gonna do? Alam kong may pinaplano ka.”

“Wla naman ah.”

Dahil sa lalaking ito ay sa tingin ko ay magiging exciting na ulit ang love life ko at hindi na ko mabobored.

[Jace’s POV]

Nasa parking lot ako at aayain ko na sanang ihatid si Andrea ng bigla naming dumating ang sundo nito. Magdadalwang buwan ko na itong nililigawan. Minsan ay lumalabas din kami.

Napilitan na din akong pumunta sa parking space kung san nakaparada ang kotse ko.

Papasok na ako sa kotse ko ng may tumwag sa pangalan ko.

“Jace!!!”

Si Vienne yun.tumatakbo pa ito. Ng nakaheels.

Ng makalapit ito ay nagtataka ako kung ano ang kaylangan nito.

“Hi.”-Vienne

Kumunot ang noo ko.

“pano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Ikaw yung kaibigan ni Clay diba?”

“Ano naman ngayon?”

Nag-pout pa ito.

“Im Vienne Claire Arenaz.”

“So?”

“Im going to ask you out on a date.”

Nagulat ako sa sinabi nito. Dire-diretso. Ganito ba talaga to? Ito ang nag-aayang lumabas sa mga lalaking naging karelasyon nito?

“Hindi ako nakikipag-date sa babaeng nililigawan ng kaibigan ko.”

“Pero hindi nya na ako nililigawan. Nag-usap na kami kanina and…”

“I don’t care. Hindi pa rin ako lalabas kasama mo.”

Tinignan ko pa ito mula ulo hanggang paa at napailing. Yun lang at sumakay na ako sa kotse ko.

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon