Chapter 4- The Red Mark

655 10 0
                                    

[Jace’s POV]

Nagising ako sa ilaw na nagmumula sa lampshade. Hindi talaga ako sanay  matulog ng may ilaw.

Kumirot bigla ang sintido ko.

Nasan ako? Hindi pamilyar ang lugar nay un.

Ng tingnan ko ang kabilang gilid ng kama ay  nakita kong nandun si Vienne.

Sa itsura nito ay siguradong hubad ito at kumot lang ang tanging takip sa katawan.

Anong nangyari?

Bakit wala akong maalala?

Ng babangon ako ay may napansin akong isang bagay sa kama.

“Shit!”

Nagmamadali akong nagbihis at umalis sa lugar nay un.

[Vienne’s POV]

Nang magising ako ay nakita kong wala na si Jace sa tabi ko.

Bumangon ako at itinapi ang kumot at hinanap ito sa banyo.

Wala ito doon.

Ng lumabas ako sa sala ay wala din ito doon.

Biglang parang may isangdaang karayom ang tumutusok sa puso ko.

Bigla na lang akong iniwan nito pagkatapos ng lahat.

‘sex’

Yun ang sabi nito. Pero para sakin ay pagmamahal ang nangyari ng nagdaang gabi.

Inayos ko na ang sarili ko.

Lunes na at papasok na ang kotse ko sa gate ng school. Pagbaba ko ay nakita ko si Jace na kasama ang mga kaibgan nito. Pati na din si Clay.

Napansin kong parehong may black eye ang dalawa.

Parehong sa akin nakatingin ang dalawa ngayon. Imbes na ngitian ang mga ito gaya ng dati ay yumuko na lang ako at naglakad na papunta sa room ko.

Mas maganda na din siguro ang umiwas kay Jace. Kesa naman lalo ko lang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin.

Magmumuka lang akong kawawa.

“Wait!” narinig kong habol ni Jace.

Tumigil naman ako at hinarap ito.

“Lalayo na ako sayo. Wag kang mag-alala.”

“Baka nakakalimutan mo? Ang sabi mo ibibigay mo kung ano ang gusto ko.”

“Ano bang gusto mong mangyari ha?”

“Sinira mo ang diskarte ko kay Andrea at higit sa lahat muntik na kaming magkasira ng kaibigan ko ng dahil dahil sa kalandian mo.”bulong nito at idiniin pa ang salitang ‘kalandian’.

“Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita siniraan kay Andrea at lalong hindi ako malandi. Alam mo yan.”

“Ang alam ko lang ay wild and loose ka.” Yun lang at tumalikod na ulit ito.

Pagkatapos ng klase ay nakita kong naghihintay sa labas ng kotse ko si Jace.

“Umalis ka jan.” nakaharang kasi ito sa pinto ng kotse ko.

“Ganyan ka ba kabilis mag-give-up? Not so you.” Pumalatak pa ito.

Kung dati ay ako lagi ang tumutukso dito ay ito naman ngayon ang ganun sakin.

“Sumama ka sakin.”

“San tayo pupunta?”

“Malalaman mo.”

[Jace’s POV]

Papunta na kami sa bahay naming para ipakilala si Vienne sa mga magulang ko.

“San ba tayo pupunta?”

“Wag ka ngang makulit! Kanina ka pa tanong ng tanong.”

Nasa tapat na kami ng bahay namin.

“Anong gagawin natin dito?”

“You’ll see.”

Pumasok na kami sa bahay at dumiretso sa komedor.

Nandun ang buo kong pamilya.

“Ma, Pa…” tawag ko sa mga magulang ko.

Tumingin naman ang mga ito sakin.

“I want you to meet my future bride.”

I Didn't Mean To Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon