Anoelle's P O V
Nandito ako ngayon sa labas ng operating room dahil kailangan daw operahan si Ream kasi daw masyadong malalim ang saksak na natamo niya.
Tinawagan ko na rin ang family ni Ream para puntahan siya rito kaya nandito silang lahat ngayon.
Ang mama niya hindi tumitigil sa pagiyak ang papa niya naman hindi magkandaugaga lahat kami hindi namin alam kung ano ang gagawin lahat kami kinakabahan na dahil magtwotwo hours na siyang inooperahan sa loob.
Ako ang dapat sisihin dito eh kasi ako ang nagsama sa kanya ako ang may kasalanan nito hindi ko siya na protektahan.
Pagkalabas ng doktor agad namin siyang nilapitan at saka tinanong kung ano ang nangyari at kung ok lang ba si Ream.
"Doc ok lang po ba ang anak namin ano ho bang nangyari?"
Yan ang tanong ni tito nung lumabas ang doktor ito naman ang sinagot nito " mr. malalim po ang sugat na natamo ng anak niyo kaya kailangan siyang operahan pero sa ngayon stable na ho siya wala na po kayong dapat ipagalala pwede na po siyang ilipat sa regular room"
Nung narinig ko yung sinabi nung doktor parang kulang nalang lumipad ako sa saya dahil ngayon alam na namin na nasa maayos na si Ream.
Mga ilang oras lang ayun nalipat na nga si Ream sa VIP room ako ang pumili ng room niya tutal amin naman tong hospital.
Pinili ko yung pinaka maganda at pinaka malaking room dito sa hospital.
Isang araw na ang lumipas nang malipat si Ream dito sa room pero wala parin siyang malay hanggang ngayon.
Hindi pa ako umuuwi simula ng maospital si Ream dahil gusto ko kapag nagising siya ako ang unang taong makakita nun.
End of POV
Ream's POV
Pagkagising ko nakita ko si Anoelle na natutulog sa tabi ng kama ko tumingin ako sa paligid at grabe super ganda dito ay wait nasan nga pala ako?
Ang huli kong naaalala nasa kotse ako ni Anoelle tapos ngayon nandito na ako sa magandang kwartong to.
Para akong nasa hotel super ganda talaga dito sana palagi na lang akong nandito.
Ano to? May nakita akong something na nakalagay sa kamay ko omg nasa ospital ba ako tumingin ako sa gilid ko at may nakita
akong mga aparato para sa ospital weh di nga nasa ospital ba talaga ako bakit kaya at saka bakit parang ang ganda naman nitong kwartong to para maging ospital.
Habang kinakausap ko ang sarili ko nakita kong nagising si Anoelle kaya tinanong ko siya kung bakit ako nandito pero hindi niya agad ako sinagot ang ginawa niya ay niyakap ako saka umiyak.
Sa sobrang pagalala ko kay Anoelle na paupo ako sa higaan ko pero hindi ko inasahan na magiging mahirap yun at masakit. Pagkaupo ko sobrang namilipit ako sa sakit ng tiyan.
Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito nasaksak pala ako sa bandang tiyan ko nung may mga masasamang taong umatake kay Anoelle na merong patalim.
Iniharang ko ang sarili ko ng makita kong sasaksakin nung lalaki si Anoelle.
Ngayon kausap ko na sila mama masyado silang nagalala saakin grabe pagkakita palang ni mama sakin umiyak agad siya si kuya naman niyakap agad ako.
Ngayon daw mas hihigpitan niya na daw pagbabatay sakin para daw hindi na ako ulit masaktan.
Minsan pala masarap maospital kasi ang daming nagaasikaso sayo tapos nakahiga ka lang wala kanang ibang kailangang isipin.
Mas masaya pa kung maraming taong nagaalaga at nagmamahal sayo alam mong mabilis kang gagaling.
5th day sa hospital
Lahat ng bantay ko wala ngayon si mami nasa office si kuya nasa school si Anoelle nasa school si daddy nasa office din kay ako ngayon loner walang kasama walang magawa.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Zac.
"O Zac bakit ka nandito?"
"Di ba halata edi binibisita ka"
"Bakit mo naman ako binibisita?"
"Ang sama ko namang boyfriend kung hindi ko bibisitahin ang girlfriend ko diba, knowing na nakaratay siya sa ospital"
"Nagbibiro ka ba? Ako girlfriend mo?"
"Nope! Im not joking diba sinabi ko yun sa lahat seryoso ako dun"
"Tama na nga tong paguusap na to bahala diyan"Tumabi na lang sakin si Zac at binigyan ako ng pagkain.
Hindi pa ako masyadong makagalaw dahil sobrang sakin pa ng mga sugat ko.
Pagkatapos akong bigyan ng pagkain ni Zac nanood na lang kami ng TV sakto ang ganda ng palabas fast and furious kaya nagenjoy naman ako.
Mahilig ako sa mga kotse kahit nung bata palang ako kaya pagnakikita ko yung mga magagarang kotse sobra akong naamaze.
Umuwi na rin si Zac pagkatapos naming manood meron daw kasi siyang mga assignments.
Ngayon wala nanaman akong kasama matutulog na nga lang ako tutal tapos na naman akong kumain.
Ang ganda ng panaginip ko akalain mo yun hinalikan daw ako ni Zac sa noo at bumulong pa daw ng I love you.
Hay panaginip nga naman buti pa sa panaginip may magandang nangyayari.
Sana totoo na lang sana hindi na lang panaginip.
Sana totoong girlfriend na lang ako ni Zac at hindi pagpapanggap lang sana mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Dadating kaya ang mga araw na sasabihin niya sakin na mahal niya rin ako?
Pagkagising ko nakita ko sa tabi ko ang kaibigan kong si Anoelle.
Loka-loka rin tong babaeng to eh sinisisi ba naman ang sarili sa pagkakasaksak sakin.
Ang sabi ko nga sakanya "bakit ikaw ba sumaksak sakin?" Sumagot nman siya ng hindi kaya sabi ko.
Eh hindi naman pala eh anong kasalanan mo? Pero hindi parin siya naconvince sa sinabi ko kaya naggalit galitan ako.
Sinabi ko sa kanya kung hindi pa siya titigil sa pagsisisi sa sarili niya hindi ko na siya ituturing na kaibigan.
Bigla naman siyang nanahimik at hindi na lang kumibo.
"Basta Anoelle wag mo na ulit babanggitin ang tungkol diya kung hindi magagalit na talaga ako sayo ng sobra at baka hindi na kita kausapin kahit kailan.
Wag kang mag-alala walang magbabago sa pagsasamahan natin kahit anong mangyari."
Sa wakas at nakumbinsi ko na rin tong kaibigan ko, kailangan ko pang magdrama para lang hindi niya sisihin ang sarili niya sa aksidenteng to.
Buti tumigil na sakakaiyak niya, kasi tuwing dadalaw yan dito kulang na lang bumaha kakaiyak niya sa nangyari sakin.
Konting kembot na lang at makakalabas na rin ako dito sa ospital buti naman.
Gusto ko nang pumasok sa school ksi ang dami ko ng namiss na mga lectures.
Sapat na siguro ang two weeks para sa pagpapahinga dapat magsunog na ng kilay.
Naeexcite na ako makalabas sa ospital gusto ko na ulit kumain ng kumain puro super healthy food kasi ang nandito sa ospital puro walang lasa at puro gulay baka maging dahon na ako.
Author's note:
Thanks sa reads ang votes guys sorry sa matagal update
BINABASA MO ANG
It's Time for Me to Change
Teen FictionIto ang storyang magpapamulat sa mga tao na hindi lahat ng mahina ay magiging mahina na forever Hindi lahat ng akala tama sabi nga sa lumang kasabihan "maraming namamatay sa maling akala"