Camilllleeeeeeeeeeeeeeeee! gising na tanghali na may pasok ka pa ! gising na kapag hindi ka pa tumayo dyan humanda ka saakin.
Gabe manggising si mami kala mo wala nang bukas kung manggising sabagay hindi ko siya masisi kasi tulog mantika kasi ako. oo nga pala first year college na ako at nag-aaral ako sa Thomsen International school. Sounds pang mayaman right? actually school talaga siya ng mayayaman siguro iniisip niyo mayaman kami noh sorry nagkakamali po kayo dahil ang pamilya ko ay kabilang lang sa average type of family.
Pagkatapos akong gisingin ni mami tumayo na ako para maligo at pagkatapos kong maligo bumaba na agad ako kasi baka magalit pa si mami .
Pagkababa ko nakita ko sila mami at daddy saka si kuya na nakaupo na ready na para kumain at ako na lang ang hinihintay nila nag start na kaming magdasal at saka kumain.
tapos na akong kumain nagpaalam na ako kay mami at daddy pati na rin kay kuya na aalis na ako. Mas gusto ko na nagcocomute ako para sanay na ako kasi hindi naman kailangang sumakay dun sa dati kong school kasi malapit lang naman dun lang sa isang kanto malapit saamin.
nagjejeep lang ako papunta ng school isang sakay lang naman pamunta doon kaya keri lang ang byahe.
Sa wakas na karating na rin ako ng school na to. Grabeeee! nakakainis talaga sa school na to ang daming maarte na mga babae na kala mo sinubsob sa harina yung mga mukha. ayokong - ayoko talaga sa mga mayayaman kasi sila yung mga tao na mataas ang mga tingin sa sarili kahit wala pa namang napapatunayan.
Pagkapasok ko sa klase ko grabe tumingin yung mga classmates ko kala mo ngayon lang nakakita ng tao. Grabe sila magbulungan abot hanggang sa tenga ko at ako lang naman ang pinag-uusapan nila. Ito ang mga sinasabi nila ang panget ko raw pano daw kaya ako nakapasok sa school nila eh pang mayaman lang daw to mukha naman daw akong hindi mayaman. Ang dami pa nilang pinagsasasabi na masakit na salita tungkol sa akin.
Ang suot ko lang kasi ay pantalon at ang favorite ko na green shirt na may design na cute na frog sa upper left ng shirt. Wala naman akong pakielam kung ako ang sasabihin nila dahil wala naman ako ginagawang masama sa kahit kanino sa kanila.
Dahil ayokong napapansin ako ng mga tao umupo ako sa likod na parte ng classroom . Siguro nagtataka kayo kung pano ako nakapag-aral dito sa school na to noh. Isa po kasi akong athlete at isang honor student kaya ang mga school ang nagooffer saakin na pumasok ako sa school nila. Actually ayaw ko naman talaga sa school na to eh kaso si mami at si daddy sabi nila kapag hindi daw ako pumasok sa school na ito hindi na raw sila papayag na mag laro pa ako ng badminton.
author's note:
pasensa na sa mga typo at mispelled na words
i hope magustuhan niyo itong story ko
#first time
BINABASA MO ANG
It's Time for Me to Change
Teen FictionIto ang storyang magpapamulat sa mga tao na hindi lahat ng mahina ay magiging mahina na forever Hindi lahat ng akala tama sabi nga sa lumang kasabihan "maraming namamatay sa maling akala"