Ream's P O V
Naglalakad na ako papunta sa school nang may makita akong nagkakagulo sa may field namin. Syempre may pagkachismosa ako na tingin na rin ako kung anong nangyayari nung malapit ko na makita kung ano ang nangyayari bigla akong nabunggo ng kaschool ko.
Pagkatayo ko galing sa lapag ay wala na yung nagkakagulo na mga tao. Kaya ayun hindi ko na nakita kung ano yung pinagkakaguluhan nila. Dumiretso na ako sa klase ko baka malate pa ako puro na nga absent magkakalate pa ano na sasabihin sakin ng mga prof niyan.
After ng napaka boring at nakakaatok na lectures dumiretso na ako sa garden dahil sabi ni Anoelle siya na daw ang bahala sa lunch ko ngayon. Swerte ko talaga kay Anoelle kasi palagi ako nakakatipid pagkasama ko siya, isipin niyo libre lafang at pamasahe o san kapa diba.
Hindi rin nagtagal at dumating si Anoelle na may daladalang making basket pagkaupo niya inilabas niya yung laman nun at grabe ang daming food and take note lahat yun favorite ko. Super na excite ako kumain isipin niyo parang eat all you can ang peg.
Habang kumakain kami biglang na pa sigaw si Anoelle "oh my gosh! Ream nakita mo ba si Abril yung sikat na model sa ELLE magazine?" Hmmm hindi eh siguro yun yung pinagkakaguluhan kanina nung pumasok ako hindi ko nakita kasi may nakabunggo sakin at nadapa ako.
"Nakita ko siya kanina kasi kaklase ko siya pinakilala siya ni maam" ganun ba siya kasikat at tinitilian siya ng mga tao? " Oo super sikat talaga siya kasi ang gaking niya magdala ng damit kahit yata basahan mabebenta kapag siya ang nagsuot eh"
Oh ganun siya kagaling kaya naman pala pinagkaguluhan siya kanina eh daig niya pa ang superstar ha. Ano kayang feeling na hinahangaan ka ng lahat? Siguro ang saya nun ang daming nagtitiwala sa kakayahan mo.
Kelan kaya ako magakakaganun yung hahangaan at kaiingitan. Hindi yung pinapahiya at sinasaktan kelan kaya yung arawna yun sana malapit na yun nakakasawa rin kasing puro sakit na lang eh.
"Hay naku! Ream wag kana nga magdrama diyan kumain kana lang ng kumain para medyo tumaba ka naman ang laki kasi ng pinayat mo nung maospital ka eh" ginawa ko na nga lang kung anong sinabi ni Anoelle kumain na nga lang ako ng kumain kasi ang sarap nung pagkain na dala niya hindi ko kaya tumigil sa pagkain.
Pagakatapos namin kumain ni Anoelle nagsipuntahan na lang kami sa kanya kanya naming klase. Pagkapasok ko sa classroom namin diretso agad ako sa upuan ko at pagkatingin ko sa tabi ko nakita ko si Zac at napatingin siya sakin at ngiting ngiti siya edi ako naman kinilig. Ang gwapo talagani Zac lalo na kapag nakangiti ngitian ko naman siya tapos hindi naman pala ako ang nginingitian niya. Yung nasa kanan ko pala wait sino to? Grabe ang ganda niya ahh so siya pala nginingitian ni Zac. Ngayon ko lang nakita si Zac na ngumiti ng ganyan sa tagal tagal ng pagsasama namin.
Simula nung nakita kong ngumiti si Zac ng ganun hindi ko na maalis sa isip ko kung anong meron sa kanila nung babae na yun. Sana friends lang silang dalawa sana sana crossed fingers. Sana mali lang naiisip ko sana hindi yun totoo sana imagination ko lang yun.
Umuwi ako ng bahay na parang wala sa sarili kasi naman sino ba talaga yung babae na yun at bakit ganun siya ngitian ni Zac. I think there is something special sakanilang dalawa kasi hindi naman magkakaganun si Zac kung wala diba.
Hindi na ako nakatulog kakaisip ng mga nangyari kasi naman ang saya naman namjn ni Zac nung nandun kami sa hospital tapos ngayon ni hindi man lang niyan ako binati para lang akong hangin.
Sino ba talaga tong babae na to sino ba talaga siya sa buhay ni Zac?
End of P O V
Abril P O V
It's so nice maka balik here sa Philippines imagine im so bata when we live here. Now im a model na in Paris and now I miss Zac my kababata na hindi marunong magsmile. Haha siguro wala pa kayong alam tungkol kay Zac noh kasi he is so shy type of person kaya piling people lang ang kinakausap niya. And he don't like na malaman ng others ang personal na life niya , but iba ako sa kanila sa lahat ng people ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Zac because Im he's first love.
From all the girls na nangliligaw kay Zac ako lang ang naging girlfriend niya I don't know why he loves me that much. Bata palang kami we are so close ni Zac palagi kaming magakasama ,but my mom want us na lumipat sa Paris so ayun wala akong nagawa. Kahit umiyak na ako ng whole day my mom didn't change her decision.
Si Zac ang pinaka na apektuhan because he feels that wala nang nagmamahal sa kanya even though meron naman. Nalaman ko all these information dun sa yaya niya na super close kay Zac. Kahit si manang nasasaktan sa situation ni Zac nung naiwan ko siya now that im back I will make him happy.
By the way im Abril Margarette Constantino the famous model of ELLE magazine and the ultimate love of Zac.
End of P O V
Author's note:
Guys thank you talaga sa pagsupport story ko hindi ko inakala na aabot ng 1k ang reads nito thank you thank you talaga
BINABASA MO ANG
It's Time for Me to Change
Teen FictionIto ang storyang magpapamulat sa mga tao na hindi lahat ng mahina ay magiging mahina na forever Hindi lahat ng akala tama sabi nga sa lumang kasabihan "maraming namamatay sa maling akala"