chapter 8

178 14 2
                                    

LIBRARY

Ngayon nag-aaral kami ni Anoelle dahil examination week na namin ngayon saka bilang dakilang scholar sa school na to kailangan kong talagang magsunog ng kilay at bukod dun meron din akong maintaining grade. Eto naman si Anoelle busy sa pagbabasa ng guinnes book of record samantalang ako eto sumasakit na ang mata kakabasa at kakamemorize ng forulas. Wag na kayong magtaka kung hindi na kailangang magreview ni Anoelle dahil ipinanganak po kasi siyang matalino, puro lang siya stock knowledge. Buti pa siya binibasic niya lang ang exams namin. Actually bago pa daw ako nag-aral dito sa school na to palaging nasa rank 1 si Anoelle sa buong batch namin. kaya hindi nakakapagtaka na hindi niya na kailangang magreview pa.

Pagkatapos kong magreview inaya ko na si Anoelle na umalis na kami ng library.Agad naman siyang tumayo at ibinalik ang librong hiniram niya. Pagkalabas namin ng library nag-aya si Anoelle na kumain kaya nagpunta kami ng mall kasi 2 hours pa naman bago ang exams namin kaya gora lang kami. Sabi ko kay Anoelle na ako naman ang malilibre kasi palagi siya ang nanglilibre kapag umaalis kaming dalawa. Mga 5 months na rin kami magkasama ni Anoelle kaya sobrang close na namin minsan pa nga dun ako sa kanila natutulog eh.

Mall

Ngayon nandito na kami sa mall at dadalin ko si Anoelle sa food court kasi yun lang ang kaya ng budget ko kaya dun ko lang siya dinala. Parang tanga si Anoelle kasi hindi pasiya nakakain dito so hindi niya alam kung pano umorder sa ganito. Nagmamadali siyang umupo kasi gusto na daw niya kumain hinatak niya ako sa may upuan para daw makaorder na kami. Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw ng waiter e self-service sa food court tawa talaga ako ng tawa sa kanya. Siya naman mukha talagang walang alam sa mundong ibabaw.

"Ream bakit ka tumatawa at saka bakit wala pa yung menu"

Pagkasabi niya nun mas lalo akong tumawa at sa sobrang tawa ko naluluha na ang mga mata ko.

"Grabe beh ang sakit na ng tiyan ko sayo anong pinagsasabi mong waiter"

"Bakit ka ba tumatawa"

"kasi naman walang ganun ganun dito ikaw mismo ang oorder dun sa counter"

"ay ganun ba sorry naman hindi ko naman alam na ganun pala yun. Kasi hindi ko pa na try dito kasi sila mommy palagi akong dinadala sa restaurant eh at saka hindi ko pa na try kumain sa fastfood like Jollibee "

"Alika nga ituturo ko sayo kung paano umorder sa ganito "

"OK"

"Miss paorder nga ng isang sinigang at isang fried chicken"

"Ah ganun lang pala yun"

Pagkatapos namin bumili ng pagkain pumunta na kami sa mga upuan dun sa foodcourt. Pakatapos bumili ng pagkain agad naman kaming bumalik sa school kasi simula na ng test namin. Ang una naming test algebra ok lang naman kasi magaling naman ako sa math. After namin magtest nalaman agad namin ang grade namin within 15 minutes kasi yung test paper namin ipapasok lang ito sa isang machine then isesend na ang result sa mga account namin sa egrade.

At ayun nakakuha ako ng score na 100 na grade at si Anoelle nakakuha naman ng 99 ang talino talaga niya hindi pa siya nagreview kanina.

Dahil last na exams na namin yun nagliwaliw kami Anoelle kasi tapos na ang paghihirap namin. tapos na ang pagsusunog ng kilay.

Dumiretso kami isang icecream parlor kasi pareho kaming mahilig sa ice cream. Syempre libre niya kasi wala na akong pera dahil nilibre ko siya kanina.

Ngayon nandito na kami sa ice cream parlor at nagulat naman ako ng makita ko si Zac grabe ang gwapo niya talaga kapag nakikita ko siya bumibilis naman ang tibok ng puso ko. Syempre hindi ako nagpahalata na nakita ko siya. Nagkasabay pa kami omorder at nagulat ako sa ginawa niya kasi pinauna niya ako.

It's Time for Me to ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon