ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 2

4 0 0
                                    

IRAH'S POV.

Pagkatapos namin mag daldal ay napag isipan naming mag ready para sa kung anong puwedeng manyari. Naglagay kami ng mga harang sa loob para sigurado. At syempre kailangan parin namin alalahanin kung anong pwede naming gamitin pang self-defense. Habang busy sila na gumagawa ng mga kailangan... May napansin akong truck sa may harapan pero ang pinagtataka ko, bakit parang hindi na umalis ung truck. Andun naman pero un driver. Baka puwede nila kaming matulungan.

"Oi tingnan niyo yung truck oh" kinuha ko ang mga attention nila.

"Oh baket?" Sabi pabalik ni laura sabay lingon sa binatana.

"Baka matulungan tau nung driver may evacuate sa safe na place." Wika ko.

"Bobo ka yata. Paano kung na infect na yan ey," Sabi ni jack ng pasuplado. Tinigil niya yung ginagawa niya sabay punta ng banyo para umihi.

"Pero may possibility din na baka pinadala sila ng government para mag rescue kaya hanggang ngayon nag aantay parin sila dyan sa labas" Pag sasang-ayon naman saakin ni Laura.

"Edi subukan nalang nating tingnan." Sabi ni Steven.

"Baliw ka na steven, sige ikaw nalang yung lumabas." Sabi ni Vincent. Tapos nang umihi si jack nun kaya bumalik na siya at napag desisyonan nga namin na si steven nalang yung lumabas para tingnan if nag rerescue ba talaga sila or ano. "Pero pag si steven talaga nakagat, bahala na kayo dyan." Paalala ni Jack sa delikadong desisyon na pinili namin. "Ganito nalang, kapag infected or patay na yung driver, tumakbo ka nalang agad pabalik." Desperadang wika ko.

"Paano  kung madami pala sila sa likod ng truck tas lumabas siya ey?" Tanong saakin ni Laura.

"Edi tutulungan natin siya makabalik ng hindi nakakagat." Sabay kuha ko ng baseball bat.

"Paano ka met nagkaroon ng baseball bat dito?" Pangongontra ni liit Laura.

"Dko din alam, basta nakita ko lang dito sa tabi ko." Pagkatpos namin mag usap usap ay nag desisyon na kaming buksan yung pintuan. Pag bukas namin ng pinto ay halos walang tao sa labas. "Ready kana?" Tanong namin kay steven.

"Pakisabi nalang kay mama ko na wala na siyang taga hugas ng pinggan kapag na infect ako." Wika ni Steven. "Tanga, yun pa talaga yung mensahe mo." Wika ko, "Wag ka mag alala, d ka mamamatay." Singit ni Laura. Nahuli ko silang nag ngitian pero di na ako umimik dahil halos lahat sila seryoso sa nangyayare. Nung tiningnan ko si jack ay halatang may halong takot yung emosyon na nilalabas niya. Si Vincent naman ay naka abang kagaya namin ni Laura. Nang makalabas na si steven, Wala namang nagpapakitang tao or ano kaya makalma lang kami, syempre nagdadahandahan si steven papuntang truck. Biglang tumunog yung selpon ko kaya chineck ko muna at nakita ko na chinat ako nung Kuya ko na nasa kabilang bahay lang. 

Conversation.

Ryle: Sino yung lalaking nasa labas?

Irah: Kaibigan namin. 

Ryle: Papasukin mo siya.

Irah: Bakit?

Biglang sumigaw si steven na parang bakla kaya nag panick kami kasi may nakita kaming infected na humahabol sakanya, nataranta kami kaya di namin alam kung anong gagawin namin, pero bigla nalang tumumba yung lalaking infected sa likod niya ng lumabas yung kuya ko at binato niya ito ng kutsilyo sapul sa ulo.


"Uy aus kalang?" Tanong ni Vincent. "Para kang bading sumigaw lasi" Dag dag niya sabay akbay at tawa ka steven. Habang si Jack hindi maipinta yung mukha. Halatang di niya nagugustuhan yung nangyayari. Wala namang may gusto actually, pero parang mukha talagang negative yung mga iniisip ni Jack ngayon.

Hindi kasi kinaya ng konsensya ko yung mukha niya kapag seryoso, ewan ko ba, parang ang cute lang kasi pag seryoso siya or kapag masungit siya minsan. Hoi diko siya crush fyi. Dati lang HAHAHAH. May iba ako gusto ngayon. Pero yun nga, kinausap ko si Jack at tinanong ko kung anong problema niya. Tiningnan niya lang ako pero di siya sumagot. Nagtaka na din ako that time bakit nawawala si mammy. Maya maya biglang tinawag ni kuya ryle pangalan ko mula sa labas. Tinanong ko kung anong problema at sabi niya "Dahan-dahan kayong lumabas diyan dahil dilekado kayo" Na confused kami kaya bago kami kumilos tinanong ko kung baket, "May nakapasok sa taas niyo, ewan ko din. Mas may utak tong mga zombie na toh." At narealize ko, yun ba ang dahilan kung bakit biglang hindi nagparamdam si mammy at kung bakit isa lang yung umatake kay steven kasi nasa taas na yung iba?


To be continued................

(Peratukaman)

Highschool in  ZombielandWhere stories live. Discover now