Angel's POV
"OMG bessy, napaano yang braso mo?" gulat na bungad ng bestfriend kong si lalaine ng madatnan nya ako dito sa cr.
"Kasalanan to nung nakabangga kong lalaki kanina sa labas ng hotel" sagot ko na mangiyak ngiyak pa dahil sa hapdi na nararamdaman ko, kasalukuyan ko kasing pinapahiran ng gamot ang sugat ko.
Flashback..
Habang naglalakad ako papasok sa trabaho, may bigla nalang bumangga sakin. "Aray!" bigla akong bumagsak, ang sakit ng pagkakabagsak ko. "Sorry miss sorry" nagmamadaling sabi ng lalaki habang inaalalayan akong makatayo. "Are you ok miss? Sorry talaga hindi ko sinasadya" sabi niya uli habang inaabot naman ang nalaglag kong gamit na tila nagmamadali talaga siya. Tumingin ako sa kanya at ng magsasalita na sana ako ay bigla nalang siya tumakbo kaya imbis na hindi na sana ako maiinis sa kanya dahil mukha namang hindi niya talaga sinasadya, eh nainis nalang ako. Nilingon ko siya kung saan siya tumakbo at binigyan siya ng naiinis na tingin at sa pag lingon kong yon napansin ko ding may mga babaeng tumatakbo papunta sa way niya. Hinahabol yata siya? Infairness ang dame nila at puro babae pa, siguro mga fans niya yun? Bakit sikat ba siya? O baka naman magnanakaw? Magnanakaw? Teka. Chineck ko ang gamit ko at wala namang nawala. Ah baka naman mga girlfriend niya yun tapos nabuking siya na marame pala sila kaya pinaghahabol siya? Iniling-iling ko nalang ang ulo ko at napabuntong hininga at saka nagpatuloy na maglakad papasok ng hotel baka malate pa ko.
End of flashback..
"Puro negatives naman yang pinagiisip mo bessy. Malay mo naman sikat pala yung nakabangga mo na yun? Whaaa sayang naman. Hindi mo ba siya nakilala? Natatandaan mo ba itsura niya? Baka artista na pala yun? Swerte mo naman" kinikilig pang sabi ni lalaine.
"Anong swerte dun? Ikaw kaya masugatan" hindi ko naman talaga intensyon na pagisipan siya ng ganoong bagay, eh kasi naman, diba pag naiinis ka minsan kung ano ano naiisip nasasabi mo. Hehe.
Nagpeace sign siya at pangiti ngiti pa, siguro naintindihan na niya na dapat ako ang pinapaboran niya hindi yung lalaking yon. Hay bestfriend ko talagang yon.
...
Sumapit na ang alas sais ng gabi at oras na ng out ko. Nagpaalam na ko kay lalaine para mauna ng umuwi hindi kasi kami sabay ngayon dahil aantayin niya pa daw si anthony na boyfriend niya na kaibigan ko at katrabaho din namin hehe. Lumabas na agad ako ng hotel at nagantay ng bus buti nalang nakasakay ako agad gustong gusto ko na kasi makauwe at magpahinga saka maaga din kasi uwe ngayon ni mama magluluto daw siya ng paborito nameng pagkain ng kapatid kong si angela kaya naeexcite din ako hehe. Nang makarating na ko ng bahay dumeretso agad ako sa kusina dahil naaamoy ko na yung niluluto ni mama na bicol express, masarap pa naman magluto si mama.
"Hi mama" masayang bati ko sabay yakap mula sa likuran niya dahil hinahalo niya ang niluluto niya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ang lambing talaga ng panganay ko. Aga mo yata ngayon?"
"Wala po kasing traffic ma"
"Hindi mo muna pinatuloy dito sina lalaine para kumain nadin muna sana ng niluto ko" alam kasi ni mama na hinahatid ako nila lalaine at anthony kapag nauwi.
"Nagcommute lang ako ma, OT kasi si anthony kaya inantay niya muna"
"Hindi talaga mapaghiwalay yong dalawang yon" matagal nadin nilang kilala sina lalaine at anthony.
Habang nagpe-prepared kami ni mama dumating nadin si papa galing trabaho at nagbless ako sa kanya sandali pa sumunod nadin dumating si angela na galing siguro sa kwarto niya. Dahil kumpleto na kami nagsimula na kaming kumain. Ang saya talaga kapag sabay sabay at kumpleto kayong pamilya kumakain, magkukwentuhan kayo ng masasaya tapos magtatawanan, hindi mo maiisip ang problema. Maswerte ako dahil may ganito akong pamilya. Pagkatapos namin kumain nilinis ko na ang pinagkainan namin at pagtapos dumeretso na ako sa kwarto. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama, ang sarap kasi sa feeling na pagkatapos ng nakakapagod na araw sa wakas makakahiga kana at makakapagpahinga pero biglang may sumakit sakin, naalala kong may sugat nga pala ko sa braso at bigla ko nanaman naalala yung bumangga sakin. Kasalanan din naman niya yung nangyare kasi ang laki laki naman ng daan tapos doon pa talaga siya dumaan sa nilalakaran ko, diba.
"Buti nalang hindi to napansin nila mama. Makapaglinis na nga muna" sabi ko nalang at naglakad na papunta sa banyo ko.
Pagkatapos ko maglinis ng katawan ginamot ko pa ang sugat ko at saka humiga na. Sa wakas makakapagpahinga nadin.
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Genç KurguIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...