Angel's POV
"Si..sir timothy" mautal utal kong sabi ng mabigla akong makita si sir timothy na nakaupo ngayon sa higaan habang nakikipag usap kay sir zick na nakaupo nadin at mukhang ok na sya.
Napatingin naman sila sakin ng sabay. Hindi ko alam kung bakit parang napako ako sa kinatatayuan ko. Dahil ba sa kinakabahan ako dahil sa kasalanan kong pagiwan kay sir timothy habang nasa meeting sya o dahil naattract lang ako sa mga mukha nila. Ang gwapong nilalang naman nitong magbestfriend na to. Erase erase. Kaylangan ba talaga makipagkaibigan sa kapwa mo gwapo/maganda?
"Angel! Angel"
"A..a..sir" magulat gulat kong sabi ng bigla nalang akong makarinig ng nagsasalita. Hayyy, lutang ka nanaman angel. "Sorry po. Ano nga po ulit sinasabi nyo"
Imbis na ulitin ni sir timothy yung sinabi nya ay tumayo sya at lumapit sya sakin.
"Parang nangyare nato" bulong nya sabay ngiti at abot ng panyo sakin. "Sumunod ka na lang sa office ko" huli nyang sabi bago sya tuluyan lumabas na ng kwarto ni sir zick.
Napaisip ako sa una nyang sinabi. Parang nangyare nadaw to tapos inabot na nya sakin yung panyo. Bigla akong nagulat ng maalala ko ang ibig nyang sabihin at napatingin ako sa bandang baba ko. Tama nga ko ng naalala, lumabas nanaman ako ng naka-apron at walang kaayos ayos. In short hagard/chaka ang look ko. Napatingin ako kay sir zick na nakatingin pala sakin sabay ikot ko patalikod, nakakahiya. Tinanggal ko agad ang apron at punas ng mukha ko at harap uli sa kanya ng matapos ako.
"Wait lang sir balik ko lang to sa kusina" sabi ko na may pangiti ngiti ng pilit.
Paglabas ko ng kusina wala na si sir zick sa higaan, hinanap ko sya at nakatayo lang sya habang nakatanaw sa labas, sa langit yata? Ah basta ganon. Para ka naman kasing nasa langit kapag titingin ka sa labas ng wall ng kwarto nato dahil nasa pinakatuktok ka ba naman ng building eh.
"Sir, ok na po ba pakiramdam nyo? Aalis na po sana ako"
Lumingon sya at may inabot syang..pera?
"Para saan po ito?" pagtataka ko.
"Sa pagaalaga mo sakin"
"Ay, nako po sir, hindi na po kaylangan"
"Tanggapin mo na. Kung hindi dahil sayo hindi siguro ako magiging ok"
"Wala po yun. Nangangaylangan ka po ng tulong natural lang po na tulungan ko kayo ng hindi humihingi ng kapalit"
"Sigurado ka na ayaw mo talaga to tanggapin?"
Umiling nalang ako at nginitian sya.
"Osige ganto nalang, treat nalang kita ng lunch or dinner para naman patas na tayo. So mamili ka?"
Oo kaylangan ko ng pera dahil sa obligasyon ko pero hindi ako mukhang pera. "Sige po sir"
"Alright. Sabihan nalang kita kung kaylan ako free. Bawi ko narin to sa nagawa ko sayo"
"Uh? Bawi mo sakin sa nagawa mo?" taka kong tanong dahil hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi kaya lang bigla naman nagring ang phone ko. "Sige po sir zick una na po ako, natawag na kasi si sir timothy eh" tumango sya at lumabas na agad ako ng pinto saka ko sinagot ang tawag ni sir timothy. "Papun--"
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Teen FictionIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...