Angel's POV
Bigla ako nagising ng magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas ocho na pala ng umaga, nag derederetso pala tulog ko kagabi. Maaga pa naman para bumangon tutal wala naman ako pasok ngayon at gusto ko magpahinga ng mahaba haba. Napatingin ako sa screen ng phone ko at nakita kong si mam jen ang natawag, manager ng hotel na pinagtatrabahuan ko.
"Good morning po mam jen, napatawag po kayo?" takang tanong ko.
"Good morning din angel. Naabala ba kita? Hmmm I know day off mo ngayon pero hindi ka ba busy? May importante kasi aasikasuhin and I need you" nagmamadaling sabi ni mam.
Napaisip ako saglit saka sumagot. "Hindi naman po mam. Ano po ba yun?"
"Good. Pasok ka ngayong araw, darating na kasi ang sir natin. Ikaw kasi ang gusto ko magwelcome sa kanya, alam mo naman how much I trust you. I need you talaga angel"
Nabigla ako sa sinabi ni mam. "Si..si sir clinton po?" mautal utal ko pang sabi dahil sa kaba.
"Yes. But his son, si sir timothy. Galing siyang korea at sa hotel siya tutuloy. Maaga pa naman so makakapagprepared ka pa. Sorry kung biglaan ha. 3pm pa naman ang dating niya pero agahan mo padin ang pasok. Thank you. See you, bye"
"Pero mam-- Hello? Hello?"
Bigla nalang ako binabaan. May choice pa ba ko? Si mam talaga oh. Bakit ba kasi biglaan yata? Biglaan nga ba talaga o hindi ko lang nabalitaan? Anak ng amo namen? Ano kaya siya? Tao siya malamang, I mean ugali niya? Masungit kaya siya? Baka mapahiya lang ako mamaya. Pag nagkataon ito ang kauna unahang mamemeet ko siya kaya sana hindi ako pumalpak don. Haysss. Why mam jen? Why me? Huhu. Pero balita ko mabait naman daw yun at cool at cute narin pero..3years ago pa yun eh, since last na pag bisita niya sa hotel at bata bata pa siya nun. What if nagbago na siya ngayon? Hindi ko pa kasi kilala yun dahil mahigit one year pa lang ako sa hotel kaya wala akong idea. Hayyy, bahala na nga. Nawala naman ako sa wisyo ng pagiisip ng biglang mag ring uli ang phone ko. Kinabahan nanaman ako baka may sasabihin nanamang mahalaga si mam. Pero nakita ko si lalaine pala ang natawag.
"Uy bessy, good morning. Ano gawa mo? Nabalitaan mo na ba?" pabigla biglang sabi ni lalaine.
Hay ano ba tong araw na to, isang nakakagulat nakakabiglang araw.
"Nakakagulat ka naman bessy. Kagigising ko lang din. Yung anak ng amo ba natin? Yup. Bakit?"
"Wala lang, akala ko kasi hindi mo pa alam eh, kagabi lang kasi yun inannounce. Paano mo nalaman? Naeexcite ako bessy, balita ko super gwapo daw nun. Sayang naman wala kang pasok ngayon hindi mo siya mamemeet. Di bale pipicturan ko siya for you then I'll send it to you nalang. Pero bessy punta ka nadin kaya? Sa tingin mo? Para makita mo siya sa personal talaga diba? Dali na" kinikilig at pagpupumilit ni lalaine.
"What time ka ba papasok? Sabay na tayo" mahikab hikab ko pang sabi, inaantok pa ko eh.
Akala ko pa naman makakapagpahinga ako ng mahaba haba. Di bale ok lang, trabaho naman to at sayang bayad din to ha.
"Really? Daanan ka namen diyan ni anthony, mga 1 ha" as usual masayang sagot ni lalaine na napasigaw pa.
"Ok sige, see you" in-end call ko na.
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Teen FictionIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...