Hindi natuloy ang paggo-grocery sana nila timothy at angel dahil may biglaang meeting si timothy kaya agad itong umalis. Naiwan naman si angel sa kwarto dahil may kaylangan pa itong tapusin.
"Haaaaaaaaaa. Sino ka? Bakit ka nandito? Labas! Labas!" sigaw ni angel habang tinutulak palabas ang taong pumasok sa kwarto ni timothy na walang pasabi.
"Wait! Teka nga! Ikaw ang sino? Diba kwarto to ni timothy" sabi naman ng taong tinataboy ni angel habang pinipigil nito ang mga kamay ni angel sa pagtulak sa kanya.
"Oo ito nga. Sino ka ba? Bakit basta-basta ka nalang pumapasok? Hindi mo ba alam na walang ibang pwede pumasok dito maliban sakin, driver niya at si mam jen" paliwanag ni angel.
"Zick!" tawag ng dumating at nakipag appear.
"Oh timothy glad your here" sabi ni zick at tumingin kay angel habang nakangisi.
"Bakit hindi ka pa pumasok? Tara" aya ni timothy kay zick at inakbayan ito papasok.
Angel's POV
Napanganga nalang ako ng marinig kong tinawag nila ang mga pangalan ng isa't-isa, magkakilala pala sila. Nakakahiya ano nagawa ko?
"Who's that girl? Wait bro, meron ka ba hindi sinasabi sakin? May girlfriend ka na ba o fiance? Kasi kung itaboy niya ko ganon ganon nalang. Hindi mo ba ko kinukwento sa kanya? Mukhang hindi niya ko kilala eh. Nakakatampo ka naman" sabi nung zick kay sir.
Bro daw? So ibig sabihin siya yung kausap ni sir sa phone nakaraan? Kapatid siya ni sir? Oh no! Anong problema tong ginawa ko.
"Angel?"
Nandito parin ako sa may pinto kung saan kame nagtatalo kanina nung zick? Narinig kong tinawag ako ni sir. Wait ready na ba ko lumapit? Kainis, tiyak pagagalitan na ako nito. Be ready nalang angel, ito na ang kauna-unahang pagagalitan ka or worst ito na ang huling araw mo sa hotel. Ano nanaman ba kasi tong ginawa ko. Lumapit ako kahit kabadong kabado na ako sa mangyayare. Sana lang hindi ako patalsikin dahil sa ginawa ko.
"Sorry po talaga sir. Sorry sorry" agad agad kong sabi ng makalapit ako habang nagno-nod
"Sorry for what she done. Ah, now I know. Sinabihan ko kasi siya na wag magpapapasok. Sorry nakalimutan kitang imention hehe" sabi ni sir kay zick habang ako nakaharap na sa kanila. Hay salamat pinagtanggol ako ni sir. Pinagtanggol nga ba ko? Erase erase.
"So kinakalimutan mo na ko? Hehe. Ok lang, I understand. So from now on allowed na ko pumasok din dito?" sabi ni zick.
"Ofcourse bro, anytime. Anyway, angel this is zick my bestfriend"
"Im so sorry sir hindi ko po talaga sinasadya. Sorry po talaga" humingi uli ako ng paumanhin dahil sa nagawa ko wala akong tigil sa pagno-nod habang nagso-sorry.
"It's ok. Im zick and you are angel?"
"Yes sir, I'm angel legaspi. PA po ni sir timothy. Pasensya na po talaga hindi na po mauulit. Ikukuha ko po muna kayo ng maiinom at makakain po. May gusto po ba kayo?"
"Oh. It's ok" sagot ni zick.
"Sa labas kame kakain. Actually, you can go home now. Thanks" sabi ni sir timothy.
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Novela JuvenilIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...