Angel's POV
"Have a seat ms. legaspi" sabi ni timothy habang nakaharap parin sa bintana.
Dahan dahan ko naman hinihila ang upuan para makaupo. Bakit ganto para akong naninigas na ewan bakit ganto ang nararamdaman ko? Pwede bang wag nalang siya humarap magusap nalang kami ng nakatalikod siya feeling ko kasi once na humarap siya mahihimatay ako dahil sa kaba. Akala ko hindi ako kakabahan dahil nung nakita ko siya mukha naman siyang mabait pero ngayon ibang iba siya sa una kong kita sa kanya. Nakatocsido na siya, formal na formal ang itsura niya gaya ng inexpect ko sa kanya, boss na boss na ang dating niya. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko ng akma na siyang haharap at hindi ako nagkamali at papalapit pa siya. Hindi ako makatingin.
"Nice to meet you again ms. legaspi"
Nanlaki ang mata ko habang nakatungo dahil kahit nakatungo ako nakita ko ang kamay niya, nasa tabi ko siya, binati niya ako at nakikipagkamay siya sa akin?
"Na..nice mi..meeting you too again si..sir clinton" mautal utal na sabi ko at tumayo saka nakipag kamay.
Ano ba bibig bakit ka nauutal wag naman nakakahiya. Whaaa ano ba to halatang halata na kinakabahan ako. Baka patalsikin ako nito sa trabaho dahil sa inasal ko.
"Kinakabahan ka ba? Dont worry hindi ako nangangain ng tao" pabirong sabi ni sir.
"Pasensya na po sir" pagpapaumanhin ko.
"Anyway, did mrs. santos already told you about this?"
"Yes sir, pero hindi pa po yata lahat?"
"Ah ok. I explain to you. I want you to be my assistant. You know what is assistant right? If it is ok with you?"
"Hmmm it's ok for me sir but can I ask why me?"
Direct to the point talaga angel? Feeling close? Sir mo kaya yan. Hayyy kahit minsan talaga walang preno bibig ko nahawa na yata ako kay lalaine. Hayyy lagot ako nito nakakahiya. Naisip ko lang naman kasi yung sinabi ni anthony eh kaya yun. Pero nakita kong natawa si sir. Bakit kaya? Pero cool siya magsalita ha. Sabagay siguro dahil parang magkaedad lang kame.
"Wow. Actually, ikaw lang kasi kilala ko sa mga tao dito aside mrs. santos. Hindi rin kasi ako basta basta nagtitiwala. So I ask you to her and she told me na hard working ka naman then I check na maganda naman ang performance mo sa work. So I think your the one I need."
Natuwa naman ako sa sinabi niya at ganon nadin sa sinabi ni mam jen. Wait, sabi niya kilala niya ko? Paano? Ah oo nga pala kasi ako nga pala nagwelcome sa kanya. Hayyy angel ano nanaman ba iniisip mo. Hindi ko naiwasan na mapatitig sa kanya habang nageexplain siya. Yung suot niyang tocsido na nakakorbata at ang buhok niya ngayon wala ng kulay lalong nagdala sa maamo makinis niyang mukha lalo siyang gumwapo tignan. Ano ba tong iniisip ko. Iniling iling ko ang ulo ko ng hindi halata at saka nagfocus nalang sa ineexplain ni sir.
"Come with me" aya niya matapos niya magpaliwanag.
Tumayo siya at sumunod lang ako. Sumakay kame ng elevator at pinindot niya ang last floor. Tahimik lang kame sa loob. Nasa harap siya at nasa likod naman niya ako, kame lang dalawa pero bakit ganoon ang init. Nang makarating na kame sa last floor ay pumunta kame sa isang kwarto na sa kanya siguro, binuksan niya ang pinto.
"Come" aya niya uli.
Pagkapasok ko ng pinto bigla ako kinabahan. Ito na ba talaga ang sinasabi ni anthony? Baka ito na nga yon. Para nanaman akong napako sa kinatatayuan ko hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ano ba nangyayare sayo paa? May sakit ka ba? Kanina ka pa eh. Paano kung kaylangan ko tumakbo ngayon hindi ka tatakbo? Edi lagot na ako niyan. Iniling iling ko nalang ang ulo ko, kung ano ano kasi pumapasok sa isip ko. Think positive angel.
"Dont worry ms. legaspi I'm not a bad person"
Teka, nabasa nya ba ang iniisip ko? Manghuhula ba sya? Nakahinga naman ako ng maluwang ng marinig ko iyon, buti nalang at saka sumunod na kay sir timothy. Namangha naman ako sa nakita ko, ang ganda, ang ganda ng kwarto nato, ang laki at lalo pang ikinaganda yung paligid kapag tumingin ka sa wall para kang nasa langit kitang kita mo ang labas dahil transparent na salamin lang ang wall ng kwarto. Ang ganda talaga.
"Maganda ba?"
Natauhan ako sa pagkamangha ko ng magsalita si sir. Nahalata niya siguro ako. Nakakahiya naman.
"O..opo ang ganda po"
"Take your time"
Hindi yata ako nagkamali mukhang mabait naman si sir at kung magsalita pa siya hindi naman nakakatakot. Boss ko ba talaga to? Pero ayos nadin yung ganyan para hindi ako lagi kinakabahan.
"Hindi na po sir, ok na po. Bakit nga po pala tayo nandito?"
"Pinaalam ko lang sayo kung saan ang room ko. Ayoko kasi na may ibang papasok dito, aside kay mrs. santos, driver ko at ikaw lang ang pwede pumasok dito kaya kapag may kaylangan ako ikaw ang tatawagin ko. Dont worry tataasan ko ang sweldo mo. Sounds good?"
Nabigla naman ako sa sinabi ni sir, ibig sabihin hindi lang ako basta assistant lang, kundi PA? Ok lang naman basta ba malaki sahod hehe.
"Ang ibig niyo pong sabihin gagawin niyo po akong personal assistant?"
"Exactly"
Habang isinisiksik ko pa sa utak ko ang mga sinabi ni sir ay narinig kong nagring ang kanyang phone.
"Please sit down. Excuse me" sabi niya.
Hindi ko naiwasan na marinig siya habang nakikipagusap sa cellphone niya paano ba naman kasi ang lakas lakas ng boses niya parang ang tagal tagal na nilang hindi naguusap nang kausap niya. Iba din pala to si sir. Boss ko ba talaga to?
"Yah kahapon pa, hindi ko na nasabi sayo biglaan din eh alam mo naman diba. Talaga? Kaylan pa? Ah, one week palang ba. Really? Magkatabi lang pala tayo nasaan ka ba? Nandito na kasi ako sa kwarto. Ah ok. Sige tawag ka nalang kapag pupunta ka na. Sure. Alam mo na kung ano dadalhin mo hahaha. Icelebrate natin to. Osige sige bro"
Kung titignan mo si sir ngayon parang hindi mo maisip na may-ari siya ng isa sa malalaking hotel dito, ang cool kasi niya. Tama ba narinig ko tinawag niyang bro yung kausap niya? So meaning kapatid niya yun? May kapatid pala si sir? Umiwas na ako ng tingin ng ibaba na niya ang cellphone niya baka isipin pa niya nakikinig ako kahit totoo naman hehe.
"By the way, thank you ms. legaspi. You can leave now. I call you later"
Tumayo na ko at nagpaalam saka lumabas. Bago ako sumakay ng elevator, kinuha ko muna ang cellphone ko para tawagan si lalaine. Pagbukas ko ng phone ko ay may 8 missed call galing kay lalaine at anthony kaya tinawagan ko na si lalaine.
"Hello bessy nasaan ka? Kanina pa kame natawag sayo eh. Sasabay ka ba?" sabi ni lalaine sa kabilang linya.
"Sorry bess. Nandito ako sa last floor, pababa nadin ako. Saan ba kayo?" sabi ko habang papasok na ng elevator at pinindot ang ground floor button.
"Nandito lang kame sa bench ni anthony nakaupo"
"Sige wait nyo nalang ako diyan"
Pinatay ko na ang phone ko at nilagay na sa bulsa ko. Bago magsara ng tuluyan ang elevator may nakita akong dumaan sa tapat nito. Parang pamilyar sakin yung dumaan hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita pero parang nakita ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Teen FictionIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...