10. Zick is sick

23 5 5
                                    

Angel's POV

"Hayyyyy" inunat ko ang mga braso ko sabay hikab at dilat ng magising na ko. Sarap sa pakiramdam. "Uh?" takang sabi ko. "Teka" sabay check sa paligid at ng maalala ko ang nangyare bigla ko nalang tinapik ang noo ko gamit ang palad ko. "Ano nanaman bang ginawa mo angel" sermon ko sa sarili ko. Nakakahiya, nakatulog ako sa byahe sa kotse pa ni sir timothy at ang masaklap natulog ako ng kasama sya. Grrrrr. "Teka, nasaan sila?" pagkasabi ko non may nakita akong nakadikit na note sa harap.

"Mukhang kulang ka sa tulog dahil yata kagabe. See you later"

After kong mabasa yun bigla akong nagmadali para sumunod ay hindi tatawagan ko nalang sya? Ano ba? Naguguluhan ako. Hindi ko alam sasabihin ko kapag tinawagan ko sya saka baka nasa meeting pa sya. Kung pupunta naman ako baka mapahiya lang ako? "Hayyy bakit ka kasi natulog angel eh" sermon ko uli sa sarili ko. Nagdecide ako na magantay nalang dito sa sasakyan habang nagiisip ng dahilan at makabawi sa kasalanan ko. Tinawagan ko si lalaine dahil nai-stress na ko.

"Sorry bessy, pwede bang mamaya na tayo magusap sobrang busy ako eh" sabi ni lalaine ng sagutin nya agad ang tawag ko sabay baba din.

Ano ba yan. Teka, si anthony nalang tatawagan ko.

"Oh napatawag ka?" sabi ni anthony sa kabilang linya.

"Anong gagawin ko?"

"May problema ba?"

Sasagutin ko na sana ang tanong ni anthony ng may biglang nagring. Nagtaka ako dahil hindi naman sakin at wala naman akong dalang ibang phone dahil isa lang naman ang phone ko at dito sa loob ng sasakyan nanggagaling yung nagriring.

"Teka anthony maya nalang tayo magusap. Hayaan mo na. Wala naman problema. Bye"

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng kotse para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog at agad ko naman din to nakita. Nalaglag siguro ni sir yung phone nya dito sa ilalim ng inuupuan nya. Tinignan ko kung sino ang natawag at si sir zick yon. Sasagutin ko ba? Biglang nag end call na at nakita kong naka 5 missed call na pala sya. Ilang segundo lang at tumawag uli sya. Hindi na ko nagdalawang isip kaya sinagot ko na baka kasi importante.

"Ti..timothy" sabi ni sir zick na may kakaiba sa boses nya.

"Sorry sir zick si angel po ito nasa meeting po si sir timothy"

"I need your help"

Bakit ganoon ang boses nya? May kakaiba eh. Bakit kaylangan nya ang tulong ko?

"Na..nandyan ka..ka pa ba?

"Sir may problema po ba?"

"P..please"

Bigla akong kinabahan parang may problema. "Sir nasaan ka? Sir! Sir?"

Tinignan ko ang phone pero hindi pa naman naka end call, bakit hindi sya nagsasalita? Teka.. Nagmadali agad akong lumabas ng sasakyan para sumakay ng taxi pero nakita kong hawak ko ang cellphone ni sir kaya bumalik ako sa kotse pero nakalock na ito. Patay wala akong susi pala ng kotse ang tanga ko. Natataranta na ko. Binitbit ko nalang ang cellphone ni sir at agad na nagpara ng taxi. Feeling ko may masamang nangyare kay sir zick. Sinubukan ko uli syang tawagan gamit ang phone ni sir timothy pero hindi nya sinasagot marahil tama nga siguro ang kutob ko. Pinagmadali ko si manong driver ng taxi at habang nasa byahe hinanap ko sa phonebook ni sir timothy ang contact ng driver nya at tinawagan ko ito. Hindi pa daw nya kasama si sir dahil nasa meeting pa. Sinabi ko nadin sa kanya ang lahat para sabihin nalang nya kay sir. Nang makarating na kame sa hotel bumaba ako agad at dali daling sumakay ng elevator para pumunta sa kwarto ni sir zick. Nang makarating ako kinatok ko ang pintuan nya pero walang nasagot kaya nagpasya akong buksan na to buti nalang hindi nakalock at bumungad agad sakin ang nakabulagta sa sahig na si sir zick.

"Sir zick" sigaw ko at lumapit sa kanya.

Kinaya ko syang alalayan para ihiga sa sa kama nya. "Dyos ko po. Ano bang nangyare sayo? Ang init init mo" sabi ko habang hirap na hirap hilain sya papunta sa kama nya. Nang maihiga ko na sya ng maayos nagdial ako sa landline at nakakaisang dial palang ako bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Nagulat naman ako sayo"

"Wag ka ng tumawag ng doctor"

"Bakit hindi ako tatawag ng doctor eh ang taas ng lagnat mo"

"Please"

Hindi ko sya maintindihan kung bakit ayaw nya sa doctor? Takot ba sya sa doctor o takot sya sa karayom? Wala ako nagawa kundi ang sundin nalang sya dahil baka magsisi pa ko sa huli kapag hindi ko sya sinunod. Pumikit na uli sya at ako naman naghanap ako ng towel at pumunta sa kusina saka kumuha ng bowl at nilagyan ito ng tubig pagtapos bumalik ako sa kanya. Pinunasan ko ang mga braso nya at ang paa nya. Sa una naiilang pa ko dahil first time ko lang gawin to sa lalaki bukod kay papa. Hay pasaway na zick to bakit ba ayaw nya ng doctor? Matapos ko punasan ang braso at paa nya bumalik uli ako ng kusina saka nilinis ang towel at pinalitan ang tubig na nasa bowl saka uli sya binalikan para ipatong naman ang basang towel sa noo nya. Iniwan ko lang nakapataong ang towel sa noo nya. Tumayo muna ko para magluto ng soup na pwede nyang kainin.

"Puro cup noodles lang ba kinakain nya? Hindi kaya dahil sa kinakain nya kaya sya nagkasakit?" bulong ko ng makita kong puro cup noodles ang mga nasa cabinet nya.

Binuksan ko ang ref at buti nalang may mga gulay naman sya. First time ko lang gumawa ng soup kaya bahala na kung ano magiging lasa. Sabagay, kapag may sakit naman walang panglasa diba kaya kahit anong maging lasa ng lulutuin ko hindi na halata yun. Nagmadali agad ako magprepared ng lulutuin ko at buti nalang habang naghahanap ako kanina nakita ko nadin yung medicine kit nya kaya may maiinom sya na gamot.

Nag-gisa ako ng sibuyas at luya pagkatapos nilagyan ko ng tubig pagtapos naglagay ako ng kanin na galing sa rice cooker nya at hinalo ko nadin ang carrots na hiniwa ko ng maliliit pagtapos nilagyan ko na ng paminta at tinimplahan sa asin. Hinintay ko syang medyo lumapot saka ko tinikman. Matabang sya kaya nilagyan ko ng patis. Tinikman ko sya ng tinikman hanggang sa maging ok na yung lasa. Not bad after kong maluto, hindi naman sya ganoon kasarap pero pasado naman na sya para sa may sakit hehe. Pumunta na agad ako sa kanya para makakain na sya at makainom ng gamot. Tulog padin sya, chineck ko sya kung mainit pa pero mainit parin sya pero hindi na katulad kanina.

"Sir? Sir?" tulog parin kasi sya. "Sir" nagising nadin sya. "Kain po muna kayo para makainom na kayo ng gamot"

Inalalayan ko syang bumangon para makaupo saka ko sya papakainin. Hinipan ko muna ang iniscoop ko saka ko sa kanya sinubo. Naka limang subo yata sya bago umayaw kaya naman pinainom ko na sya ng gamot. Pagkainom nya ng gamot inalalayan ko uli sya humiga saka uli akong nagpiga ng towel na binabad ko muna sa tubig habang nakain sya saka uli pinatong sa noo nya pagtapos ay bumalik ako ng kusina para hugasan ang pinagkainan nya at ligpitin ang pinaglutuan ko. Nilinis ko ang kusina dahil makalat din ang kusina nya. Hay mga lalaki nga naman.

"Hayyy natapos din" sabi ko matapos kong linisin ang kusina. Naupo muna ko saglit. "Nako, oo nga pala" nagulat kong sabi ng maalala ko si sir timothy. Nagmadali akong lumabas ng kusina para icheck ang phone ko at phone ni sir timothy na inilapag ko sa lamesa malapit kay sir zick baka kasi may text na sila sakin. Pero pagkalabas ko mas lalo akong nagulat.

"Si..sir timothy"

Because Im inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon