4. Feelings

103 6 0
                                    

"Ano? Ikaw talaga? Bakit daw ikaw? Bakit biglaan?" nabiglang tanong ni anthony kay angel ng may sabihin ito.

"Ewan ko, basta ang sabi ni mam jen isa lang daw ang gusto ni sir timothy na magassist sa kanya ayaw daw ng paiba iba at ako daw ang gusto niya gumawa non" sagot ni angel sa tanong ni anthony.

"Baka naman may balak sayo yun kaya ikaw ang korsonada? Baka mamaya niyan siraulo pala yon mukha lang mabait pero masama pala" angal ni anthony.

Lalaine's POV

Kahit hindi man aminin sakin ni anthony alam ko at nararamdaman ko na hanggang ngayon may feelings parin siya kay angel. Kahit hindi man naging sila alam kong minahal niya talaga si angel. Si angel naman kasi talaga ang una niyang nagustuhan bago pa man ako. Iniintindi ko nalang at binabalewala yung mga napapansin ko dahil mahal ko siya at sabi naman niya sa akin na mahal niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasan ang magselos kapag nagkakaganyan siya kay angel. Kahit ganto ako, super kiligin sa ibang tao pero mahal ko si anthony at naintindihan naman niya ako na ganoon lang talaga ako. Maswerte parin ako dahil understanding siya at sweet kaya sapat na siguro sa akin yun na mapatunayan niyang mahal niya ako.

"Baka may makarinig sayo anthony. Hindi naman siguro ganoon si sir" sabi ni angel.

"Kaylan ka daw magi-start?" tanong ko.

"Sabi ni mam jen wala padaw ngayon si sir timothy pag bumalik daw at pinatawag ako baka doon na ako magstart" sagot ni angel.

"Pero ayaw mo ba bessy? Kasi kung ayaw mo ako nalang hahahaha" pagbibiro ko nalang.

"Honey!" madiin na pagkakasabi ni anthony.

"Joke lang naman honey hehe. Goodluck bessy" sabi ko at ngumiti ngiti para hindi nila ako mahalata.

"Una na ko sa inyo time ko na eh. Kitakits nalang maya"

Nagpaalam na si angel dahil magi-in na siya at kame nalang ni anthony ang naiwan.

"May gusto ka pa bang kainin honey?" tanong ni anthony sakin.

"Wala naman" matipid kong sagot sabay higop sa kapeng iniinom ko.

"Oh bakit biglang tahimik mo?"

"Wala lang"

"Hindi nga? May problema ba? Kilala kita. Bakit ba?"

"Masama lang pakiramdam ko. Tara na?"

"May time pa tayo dito muna tayo. Ano nararamdaman mo?"

"Wala. ok na ko. Tara"

"Honey wag ka nga maglihim sakin kilala kita alam kong may hindi ka sinasabi. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sakin sinasabi kung bakit ka ganyan"

Uminom muna ako ng kape saka huminga ng malalim.

"Hanggang ngayon ba may nararamdaman ka pa din kay angel?" deretso kong tanong.

"Nge, nagseselos ka ba?" sagot niya habang natatawa pa.

"Hmmm ewan, yata, siguro, parang" sabi ko nalang, hindi na ko makapagdahilan eh.

"Halika nga dito" sabi niya sabay lapit ng upuan niya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Wag ka na magselos kay angel, matagal ng wala ang nararamdaman ko sa kanya. Ikaw ang mahal ko"

"Parang kasing over protective ka sa kanya na concern ka sa kanya. Kitang kita ko kanina sa reaksyon mo ng malaman mo yung sa kanila ni sir"

"Concern man ako pero bilang kaibigan lang siyempre kaibigan din ako ni angel tapos babae pa siya siyempre gusto ko kayo protektahan ni angel dahil mga babae kayo. Ikaw ba gusto mo ba na kapag nasa panganib ang bestfriend mo hahayaan ko lang?"

"Hindi naman sa ganon. Pero..sige na tama na naintindihan ko na"

"Ok na tayo? Wag mo pagselosan si angel, bestfriend mo yun tapos pagseselosan mo"

"Oo na nga po. Tara na?"

Inaya ko na si anthony para matapos na ang usapan namin ayoko din naman kasi na magaway pa kame. Ayoko na pahabain pa ang usapan. Pero ang totoo hindi ko na sinabi sa kanya yung lahat ng gusto ko pang sabihin at itanong. Gaya nga ng sinabi ko babaliwalain ko nalang dahil mahal ko siya at naniniwala naman ako na mahal niya ko kahit pa na masakit ikimkim ang mga to ayoko nalang ilabas pa wag lang siya mawala. May tiwala ako sa kanya at mahal na mahal ko si anthony kahit minsan hindi halata hehe.

Angel's POV

Tinawag ako ni mam jen ng makita niya akong papasok na ng hotel. Galing kasi akong cafeteria kasama sina lalaine at anthony.

"Nakita din kita" sabi ni mam jen.

"Bakit po mam?" tanong ko.

"Tumawag kasi si sir timothy ang sabi niya gusto ka daw niya makausap pagbalik niya ng hotel. So ang balik niya is, wait check ko lang ang sched niya. Eto, hmmm 4pm ang balik niya. Wait mo nalang ang tawag ko, ok"

"Sige po mam"

Tinignan ko ang relo ko may nasa isa't kalahating oras pa bago dumating si sir timothy kaya nagwork muna ako. Sobrang busy sa work pero ayos lang mahal ko ang trabaho ko at kaylangan ko to kaysa sa wala hindi ba.

...

Alas kwatro na at nakita ko ng papalapit sa direksyon ko si mam jen at sumenyas siya na lumapit ako sa kanya kaya lumapit agad ako.

"We go now sa office ni sir"

Tumango ako bilang pagsagot at naglakad na kame patungo kay sir. Pagdating namin sa office nakatayo si sir ng nakatalikod habang nakatanaw sa bintana. Lakas maka Fifty shades of grey yung eksena haha.

"Sir, nandito na po si ms. legaspi" sabi ni manager.

"Good afternoon po sir clinton" pagbati ko.

"Good afternoon. You can leave us now mrs. santos. Thank you" seryosong sabi ni sir habang nakaharap parin sa bintana.

Bakit ganon? Bakit parang bigla yata ako kinabahan? Yung feeling na parang gusto kong pigilan si mam jen para lang hindi niya ako iwan dito pero hindi ko magawa dahil para akong napako sa kinatatayuan ko. Bakit ganto? Nakakainis naman. Anong gagawin ko? Huminga ako ng malalim. Good luck angel.

Because Im inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon