8. Unexpected

89 6 0
                                    

Sinimulan na nila angel at lalaine inumin ang beer na binili ni anthony, tig isa lang ang binili ni anthony para sa kanilang tatlo pero naubos din agad ni lalaine ang sa kanya kaya nadagdagan pa uli ang beer nila at nagtagal pa sila sa bar kaya padagdag ng padagdag ang iniinom nila.

"Lalaine tama na yan lasing kana" pagaawat nila angel at anthony kay lalaine.

"Relax hindi pa ko lasing" sabi ni lalaine habang nagsasayaw.

Nagkatinginan nalang sina angel at anthony na napabuntong hininga nalang. Inaaya ni lalaine si angel at anthony sa pagsasayaw pero tila wala ito sa mga mood sumayaw.

"Hindi ba natin mapipilit si lalaine umuwe mukhang lasing na lasing na siya" alalang sabi ni angel kay anthony.

"Sige sandali lang kausapin ko lang" sagot ni anthony at pinuntahan si lalaine.

Habang nagiisa si angel sa table at inaantay ang dalawa habang nanunuod sa mga sumasayaw may dalawang lalaking lumapit sa kanya.

"Hi" sabi nung dalawang lalaki.

"Ha..hi din" sabi naman ni angel at lumingon na uli sa mga nagsasayaw.

"Kanina ka pa namin napapansin ang ganda mo kasi. Bakit magisa ka lang nasaan yung kasama mo? Boyfriend mo ba yon?" sabi nung isang lalaki.

"Pinuntahan niya lang yung girlfriend niya, hindi ko yun boyfriend" sagot ni angel sa lalaki.

"Ah. Mabuti naman kung ganon. Tara sayaw tayo" sabi ng lalaki at hinawakan nito ang kamay ni angel.

"Ahh..hindi, ayoko. Salamat nalang" sagot ni angel at pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

"Bitawan mo siya" sabi ni anthony sa lalaki habang hawak-hawak nito ang kamay ni angel kung saan nakahawak yung lalaki.

Agad naman binitawan ng lalaki ang kamay ni angel at umalis ng tignan sila ng masama ni anthony.

"Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Binastos?" alalang tanong ni anthony kay angel.

"Ok lang ako. Salamat nga pala" sagot naman ni angel.

"Gusto mo ba iuwi na kita?"

"Pero paano si lalaine?"

"Pinuntahan ko na pero ayaw padin umuwi. Gusto mo puntahan natin dalawa? Kausapin mo na umuwi na tayo na gusto mo na umuwi baka sakaling makinig sayo"

"Sige"

Pinuntahan ni angel at anthony kung saan nandoon si lalaine pero wala na ito doon.

"Nasaan na yun?" alalang sabi ni angel.

"Nandito-dito lang yun baka napalipat lang ng pwesto" sabi naman ni anthony.

Dahil sa dami ng tao at dami ng nagsasayaw nahirapan sila angel at anthony na hanapin si lalaine. Hindi naman nila nagawang maghiwalay dahil nagaalala si anthony na baka may mangbastos uli kay angel.

"Anthony baka hindi na nasayaw si lalaine bumalik nalang uli tayo sa lamesa natin baka bumalik na siya doon"

Sumang-ayon naman si anthony pero pagbalik nila sa kanilang pwesto wala parin doon si lalaine kaya naman naisip ni angel na tawagan na si lalaine pero naalala din naman nilang lowbat nga pala ang cellphone nito.

Because Im inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon