Angel's POV
Nakita ko ng may mga paparating na sasakyan, ito na siguro yung inaantay naming lahat dito. Agad naman nagunahan makalapit ang mga reporters ng huminto na ang sasakyan. "Welcome po sir" bulong ko sa sarili ko dahil nagpapractice ako ng sasabihin ko, hayyy kinakabahan ako. Bigla nalang tinapik ni mam jen ang balikat ko napansin niya sigurong kinakabahan ako. Ngumiti ako sa kanya at saka tumingin sa direksyon ng paparating, nabigla naman ako sa nakita ko. Wag sabihin na itong nakaporma na parang isa sa mga kpop idol ang sinasabi nilang si sir timothy? Sabagay galing nga pala siyang korea. Oo alam ko ang tungkol sa mga kpop kpop nayan paano ba naman kasi si angela tadtad ng poster doon sa kwarto niya ng mga kpop, kulang nalang maging wallpaper na ng mga poster na yan yung buong pader ng kwarto niya. Pero hindi nga? Ito ba talaga ang anak ng boss namin? Ang layo sa ineexpect ko eh, yung tipong nakakatakot siya. Bigla naman ako natauhan ng makita kong papalapit na siya. "Oh no!" bulong ko sa sarili ko.
"Welcome po sir timothy clinton" bati ko habang sinasabit ang kwintas na bulaklak sa leeg niya.
Ang bango naman niya tapos ang lapit lang namin sa isa't-isa kaya nagtaasan bigla mga balahibo ko sa balat.
"Thank you" matipid niyang sagot na may kasamang pag ngiti.
Sa pag ngiti niya doon ko lang napansin na gwapo nga talaga siya, gwapo naman talaga siya pero lalo na sa malapitan, ang kinis ng mukha. Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko. Bakit ko nga ba sinabi yon? Agad din niya ako nilagpasan pagtapos non at ng tuluyan na siya makapasok sa hotel ay nakahinga na ako ng maluwang. "Hayyy salamat" sabi ko sa sarili ko. Tumabi lang muna ako sa gilid ng entrance habang hinihintay na makapasok na silang lahat. Bigla naman ako nagulat at napaaray ng may kumapit sa braso ko doon pa banda kung saan ako nasugatan kahapon.
"OMG bessy sorry" sabi ni lalaine at chineck ang braso ko.
"Ok lang" sabi ko.
"Ok ka lang ba talaga? Sorry ha, sorry hehe. Grabe bessy nakakainggit ka. Malapitan mo nakita si sir. Kitang kita ko yun ha. So true na true nga bessy, ang gwapo gwapo niya pala talaga. Ang swerte mo bessy, sana ako nalang yung nasa position mo nun" tumitili na kinikilig kilig na sabi ni lalaine.
"Si anthony" pagbibiro ko nalang para matigil siya sa pagpantasya niya hehe.
"Kyaaa" sigaw niya.
"Bakit takot ka no" matawa tawa kong sabi.
"Bessy talaga alam niya na yun hehe. Tara na nga"
"Wooshoo hehe"
Inaya ako ni lalaine maglakad lakad habang may oras pa siya dahil mamaya pa naman duty niya at si anthony naman naka duty na. Habang naglalakad kame bukang bibig parin ng bestfriend ko nato si sir timothy akala mo walang boyfriend sa sobrang kakiligan hehe at speaking, nadaanan namen ang kwarto kung saan nandoon si sir timothy at mga reporters habang iniinterview siya. Kita namin sila mula sa labas dahil sa transparent na salamin ng wall ng kwarto. Huminto kami saglit dahil itong si lalaine tumigil sa paglalakad at kinuha ang kanyang cellphone at palihim na kinukuhanan ng litrato si sir timothy. Itong bestfriend ko nato talaga oh.
"Pag nakita yan ni anthony, magseselos na talaga yun"
Habang busy sa pagkuha ng litrato si lalaine napatingin naman ako sa direksyon ni sir, hindi ko naiwasan pagmasdan siya dahil ang amo ng mukha niya lalo pag nakangiti. Mukha naman siyang mabait. Sana.
"Sinabi ko nato sa kanya bessy"
Nang mapicturan na ni lalaine si sir timothy ay hinila ko na siya para umalis doon baka makita pa kame at mapagalitan. Isang oras pa ang nakalipas nagduty na nga ang makulit kong bessy hehe. Dahil sa day off naman dapat talaga ako ngayon at dahil lang naman kay sir timothy kaya ako nandito ngayon sa hotel ay sinabihan na ako ni mam jen na pwede nadaw ako umuwe, kaya napagdesisyunan ko ng mag out. Pagkalabas ko ng hotel ay umupo muna ako sa may bench at kinuha ko ang cellphone ko para itext si angela.
"Saan ka na ngayon?" nagreply naman agad ang kapatid ko, "Pauwi narin ako ate nagliligpit lang kame. Bakit?" saka ako nagreply, "Gusto mo sunduin kita diyan tapos gala tayo saglit?" mabilis na nagreply si angela na panigurado akong natuwa to sa sinabi ko,"Sige ate gusto ko yan. Wait nalang kita dito ha. Ingat :) :) :)" sabi na eh hehe.
Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at sumakay na ng bus. Ilang minuto ng byahe ay nakarating nadin ako sa school ni angela. Dito nalang ako sa labas ng gate nagantay dahil mahigpit rin sa school nila hindi basta basta nagpapapasok ng hindi istudyante o nagtatrabaho dito. Marame pa tanong tanong kaya magaantay nalang ako dito at tinext ko naman siya na dito ko na siya aantayin. Umupo muna ako sa bench sa gilid. Mga ilang minuto lang na pagaantay ko ay natatanaw ko na si angela kasama ang mga classmate niya siguro.
"Angela" sigaw ko habang kinakaway ang kanang kamay ko.
"Ate" sigaw din naman ni angela at lumapit sa akin.
"Hi. Kayo ba ang mga classmate ni angela?" bati ko sa mga kasama ni angela.
"Ate angel ko nga pala. Ate. si lorna, cindy, rose at lira nga pala mga classmate ko"
"Good afternoon po ate. Ang ganda nyo po pala talaga" bati ng mga classmate ni angela at binola pa ko hehe.
"Good afternoon din mga pretty girls" bati ko rin.
Hindi narin kame nagtagal at nagpaalam na kame ni angela sa mga classmate niya at sumakay na ng bus.
"Bakit ka nakatingin sakin?" takang tanong ko dahil nakatingin sakin si angela ng hindi ko maintindihan kung ano tinitignan.
"Parang kasing may iba sayo"
"Ano yun?"
"Parang ang blooming mo"
"Uh? Ahh, nagayos kasi ako, medyo lang"
"Bakit ka naman magaayos? Eh hindi ka naman ganon uh. Ahhhhh, inlove ka no ate?"
"Kyaaa, hindi no. May dumating kasi sa hotel at ako ang nagwelcome, alam mo naman maganda ate mo hehehe"
"Sino?"
"Anak ng boss namin, si timothy clinton"
"Talaga? Matanda na ba? Binata? Gwapo ba? Anong nangyare? Para bang yung mga eksena sa mga koreanovela? Yung may biglang dadating magpapakilala tapos isang napakagwapong binatang lalaki tapos magkakagusto sa bidang babae"
"Wag mo na alamin basta yun na yun. Mga nakukuha mo sa mga pinapanuod mo"
"Ate talaga"
Kapatid ko na to talaga adik na masyado sa korea korea na yan. Pero close na close kame ng kapatid ko para na nga lang kame magbarkada. Naggala-gala muna kame sa mall, kumain, naglaro sa toms world hehe at may mga pinabili lang si angela at bumili nadin kame ng pasalubong para kila mama at papa. Ginabi na kame, sinamantala nadin namen dahil minsan nalang namen magawa to dahil sa sobrang busy.
BINABASA MO ANG
Because Im inlove with you
Teen FictionIsang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang napakalaki at sikat na hotel, makikilala ang tagapagmana at ang sikat na kaibigan nito. Pero paano kung ang dalawang ito ay parehong mapalapit sa kanya. Maari nga kaya mahulog ang loob nila sa isa't-i...