Chapter 7

58 3 0
                                    

I'm working for something so see yah until the next update. Enjoy reading!

Daphne Heredia

Hinawakan ko ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

Ayaw akong tantanan ng pesteng luha na 'to! Nakakairita na!

Dumako ang tingin ko sa pintuan. Doon kami kanina nagusap. Ang sakit ng mga batuhan namin ng linya. Akala mo mga artista kami.

Pero masakit 'yun. Ang sakit sa akin na makita siyang umiiyak. Sa tanang buhay ko, ngayon lang siya umiyak ng ganun.

Dati, umiiyak lang siya kapag natapon 'yung ice cream niya. Ngayon, umiiyak na siya dahil sa isang babae.

Dahil sa akin.

Sabi niya mahal niya ako. Kaya ba niya 'kong hintayin? Tulad ng gusto ni Daddy, gusto ko din muna na magtapos ng college bago ako mag boyfriend. I know what he meant by protecting me.

Not from danger. Harvey was one of the people Dad trusts the most! He knew too well that I'll never get shot or stabbed if Harvey is around.

But the fact that he loves me, it will take a man to corrupt my innocence. To give me the idea of love. To make me go crazy.

Alam ko kung ano ang punto ni Daddy pero naiintindihan ko rin ang naging reaksyon ni Ninong Declan. Daddy was never specific about what he's saying.

Inayos ko ang sarili ko at pinahid ng todo ang mga luha sa mukha ko nang makarinig ng pagkatok at tuluyan na pagbukas ng pintuan.

"Daph?" Just her voice, I feel like I'm okay.

Tumingin ako sa kanya at inabot ang kamay niya. "Momma." She smiled at me and took my hands and sit beside me.

She was caressing my body while maintaining the silence. "Anong pakiramdam mo?" Malambing niyang tanong.

"I don't know, momma. Kanina, nasaktan ako at nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero hindi ko po alam kung bakit may part sa akin na parang... nanghihinayang." After that, I sighed.

But Momma stayed calm and continue making me feel better by caressing my hair and planting kisses on my face.

"Daph, anak, alam mo naman siguro na ang iniisip lang namin ay ang nakabubuti para sa'yo. Sa totoo lang, okay lang naman sa akin eh. Ang Daddy mo lang talaga ang maarte." Because of that, I chuckled. "Pero kahit na anong mangyari, ano man ang mapagusapan, ano man ang plano, sa'yo pa rin nakasalalay lahat. Ikaw pa rin ang mag dedesisyon." Momma explained to me.

"Kaya kung pwede at kaya mo, sagutin mo ang tanong ko." I felt my heart race. "Kahit kaunting gusto, wala ba talaga para kay Harvey?"

Hindi ako makapagsalita kasi ano ba ang sasabihin ko? Na oo pero hindi ako sigurado. Na hindi pero feeling ko meron naman.

Putcha! Ang hirap ah!

"Anak, 'yung sagot mo, wala dapat dun 'yung pakiramdam mo lang kasi nanghihinayang ka. Dapat kung ano talaga ang gusto mong mangyari."

Nanghihinayang ba talaga ako? Siguro oo kasi madaming pwede na mangyari. Kung susubukan naming dalawa, edi magiging kami nga, paano kung hindi nag work? Edi sayang 'yung friendship. Paano naman kung hindi namin subukan tapos kami pa talaga 'yung meant to be?

Diba? Nakaka-haggard naman 'to!

"Momma, ang dami kasing what ifs eh. Ang dami kong tanong sa isip ko na baka mamaya manghinayang ako sa pagkakaibigan namin or hindi kaya manghinayang ako sa pwede namin na maging relasyon." Saad ko sa kanya. I need her to know so that at least one person can recognize my side.

"Anak, love has what ifs. Relationship has what ifs. Palagi talagang may what ifs. Hindi na mawawala 'yan sa buhay natin so bakit ka magpapaatras dahil sa what ifs? Sundin mo kung ano talaga gusto nito." Then she pointed to my chest. "Kasi 'yan lang ang makakasagot sa mga tanong mo."

Maybe she's right pero handa na ba ako? Anong sasabihin ko sa kanya?

Kanina nung hiniling niya sa akin na sabihin kong wag niya aking hintayin, wala akong sinabi sa kanya.

Nakaka-frustrate 'to pero kailangan kong harapin. Alangan naman mag panggap kami na okay kami kahit hindi namin eh katatapis lang ng away namin.

Ewan ko ba kasi kay Harvey, bakit ako pa? Bakit kasi sobra kong ganda? Nakakahiya na minsan.

"Iwan muna kita dito. Mamaya, paniguradong kakausapin ka ng daddy mo. Mag so-sorry 'yun sa'yo." Wika ni Momma saka ako hinalikan sa noo at tumayo para iwan ako sa kwarto ko.

Habang nag-iisa ako sa kwarto, inisio ko na lang 'yung nangyari kanina. Ayokong makalimutan 'yun. 'Yung paraan ng pagsabi niyang mahal niya 'ko.

Harvey was one of the people who appreciate me the most. Maraming tao ang nagsasabi na maldita daw ako. Even my classmates from high school never wanted to befriend me.

But I didn't care. Momma survived years of her life without friends until she met Daddy so bakit ako hindi ko kaya, right?

But my life was different from Momma's life. I have my family. I have Ate Leigh, Kuya Eli... Harvey. Si Momma noon, wala ni isa kaya naiintindihan namin where her fears were coming from.

All day, I was just in my room. Baka hindi na lang din ako pumasok bukas. I don't feel like doing something.

Before dinner, Daddy came to my room to talk with me.

"I'm sorry, baby. Hindi ko naman intensyon na iparamdam sa'yo na mas importante 'yung opinyon ko–"

I shook my head and hugged him in his neck. "Of course it's really important, Daddy." Giit ko. "I'm sorry too. I didn't intent to make you feel bad. I'm sorry po."

I felt his lips on my temple. "You're my only daughter, Daph. I just want to be sure kaya gusto kong hintayin ka niyang makapagtapos ng college kung sakaling papayag ka."

I nodded. "I understand, Daddy. I'll talk with him po."

Maybe I like him. I just didn't notice and acknowledge. Maybe this worth a chance to try.

Kung masaktan edi masaktan. At least I tried. We tried.

And I know sa mga oras na 'to, hindi lang ako ang nasasaktan, lalo na siya.

Kasi siya, certain na siya sa nararamdaman niya para sa akin eh ako naguguluhan pa.

Maybe I'l try figuring things out. Hindi naman daw niya ako pipilitin. Alam kong tutulungan niya ako and he will guide me to figure the missing piece to what I truly feel.

I just hope I won't fail.

To Feel AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon