Special Chapter

126 3 1
                                    

Warning: This chapter may contain mature scenes and words that are not suitable for young readers.

Super late but thanks to Iamemskie04 for the votes sa Tamed! Much appreciated!

Daphne Rain Heredia-Castellon

When I finished cooking, umakyat agad ako para tignan si Hilliane sa kwarto niya.

Since it's Friday, sobrang heavy ng traffic kaya for sure anong oras na siya makaka-uwi.

Nang makapasok ako sa kwarto namin, tinignan ko agad si Hilliane sa crib niya. I checked kung tulog pa rin ba siya.

I smiled when I saw him sleeping peacefully. Inayos ko ang unan na nasa gilid niya saka muling bumaba.

I checked some emails on my laptop at saka messages sa phone ko.

May mga ka-batch akong tinatanong ako kung kailan ba ako mag sisimulang mag trabaho bilang flight attendant pero wala talaga e.

Gusto ko na mag trabaho, I want to experience exploring pero hindi ko maatim na maiwan si Hilliane. Maisip ko lang na hindi ko siya makikita ng ilang araw, parang nanghihina ako.

Gusto ko lagi ko siyang nakikita, nahahawakan, naalagaan.

Siguro kapag mga two or three years old na lang siya. Hindi ko alam. Naiiyak ako sa tuwing iniisip ko pa lang.

Naglakad ako papalapit sa pintuan. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at doon tinitigan ang gate na tabi lang din ng garden at garahe.

I looked at the wall clock.

7:26 PM

Ang tagal niya. Kung sakalin ko kaya siya kasi na-stressed ako ng sobra sa anak niya?

Iyak kasi ng iyak si Hilliane kanina. Gusto ko na sana tawagan si Harvey kaya lang busy 'yun.

Malapit na pumatak ng 8 kaya umakyat na lang ulit ako sa kwarto namin.

Nakaupo ako sa kamay habang nakapatong ang mga braso ko sa crib ni Hilliane. Kung paminsan ay hinahawak hawakan ko ang ilong niya. Tapos pino-poke 'yung pisngi niya kasi ang chubby at mamula mula 'yun.

Natawa ako dahil kumukunot ang noo niya kada hawak ko sa ibang parte ng mukha niya.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pagdating ng kotse. Dahan dahan kong kinuha si Hilliane mula sa crib niya at secured ko siyang hinawakan.

Bumaba kami habang tulog pa rin siya. His side face is against my chest.

Naka tambay kami ni Hilliane sa hamba ng pintuan habang nakatingin ako sa SUV na kaka-park lang.

Namatay ang ilaw nito pati na ang mismong engine.

Hindi ko mapigilan ngumiti nang makitang nagbukas na ang pintuan ng sasakyan.

He was holding his office bag and an eco bag. As always.

Nakangiti siyang nag lalakad papalapit sa amin habang may bitbit siya.

Dumampi ang kamay niya sa beywang ko saka hinalikan ang aking labi.

Ito 'yung pinaka reward ko sa buong araw na pagod ako.

Right after kissing me, his face went near to my chest because our baby's face is against it. He was about to touch and kiss Hilliane when I pulled my arms.

"Madumi ka pa." I said to him. "Wash or Alcohol first." I added.

He sighed before giving it up. Pumasok kami sa loob na hindi niya nahahalikan si Hilliane.

To Feel AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon