Chapter 27

69 2 0
                                    

Daphne Heredia

Harvey can't go with us today since may appointments siya scheduled for this day kaya naman, kami na lang ni Momma and Ninang Aleah ang bibisita kay Celene. Ilang araw din akong hidi nakasama kay Harvey dahil sa dami ng ginagawa ko.

I volunteered to drive but Fin has training so he said na sumabay na lang kami sa kanya and he'll fetch us na lang.

"Daph, let's go." Napalingon ako kay Momma na ngayon ay may bag na nasa shoulder niya.

Tumayo ako and wore my mini sling bag across my chest. Sabay kaming naglakad palabas. Since, we will be using Fin's car, nauna na siya sa sasakyan.

I took the passenger's seat dahil for sure, kailangan magtabi ni Momma and Ninang. They told us na they had been best of friends ever since Momma was introduced by Daddy. I find it cute because Momma didn't just got his best friend and married him, she also got her first ever girl best friend.

Nakita kong tumingin sa akin si Fin. "Sama ka sa kanila?" He asked.

I made face. "Ay hindi, props lang nila ako." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

At aba, tumango naman ang loko na akala mo kapani-paniwala ang sinabi ko.

"I texted Kuya." He said as he starts the engine. "Kapag maaga daw siyang natapos, susunod daw siya." He added.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Harvey do that always. Wala atang oras na wala siyang ginagawa. He always make use of time which I find very tiring.

Wala naman akong magagawa kung ganoon ang lifestyle na nakasanayan niya and I know he's use to it. Ayaw na niyang mabago iyon.

Kumuha ako ng Frutos na nasa bilog na lalagyan na nakapatong sa tapat ng windshield. Binalatan ko iyon saka nilagay ang balat sa may door handle. I even offer some to Momma.

We are heading to Ninang Aleah's house dahil kasama namin siya para bisitahin si Celene.

When his car reached Ninang Aleah's house, I rolled down the windows para makahalik ako sa pisngi niya.

"Harvey told me na susunod na lang daw siya kapag natapos ng maaga ang meeting nila." Ninang said to me. I smiled at her.

"Okay po." Iyon na lamang ang sagot ko saka siya hinayaan na sumakay sa likod, katabi ni Momma.

She greeted Fin na nasa tabi ko before greeting Momma.

They were both talking about something habang kami ni Fin ay walang imik. I stared at my phone and scrolled on Facebook.

I heard Fin groaning. Nakahinto kami ngayon at hinihintay na mag red ulit ang warning lights.

He's on his phone and i have no idea kung bakit ganiyan siya ngayon. "Why? Ano mayroon?" I asked him while scrolling to my phone para hindi masyadong halata na interesado ako.

He sighed. "Wala." He plainly said. "Training lang." Aniya saka binalikt ang phone sa lap niya saka muling nagmaneho dahil naka red na.

I looked at him and didn't bother asking. Hindi naman ako tsismosa, 'no.

"Are you free this Monday, Daph?" Biglang tanong ni Fin.

I looked at him and he's driving. "Why? May lakad ka?" Tanong ko pabalik.

He shortly looked at me. "I needed to go to a friend's party. I need some company." Aniya.

Wow. English. Kung batukan ko kaya 'to.

"Company? Edi si Harvey isama mo, may company 'yun." Pilosopo kong sagot sa kanya.

He looked at me. "Wag na nga. Akala ko pa naman nagbago ka na." Bulong pa niya.

To Feel AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon