Anything
Panyo (Part 1)
"Boys! Itigil nyo nga 'yang pag-iikot nyo ng panyo! Mamaya nyan, lilipad na tayo." sabi ni Ma'am Evangelista, in short si Ms. Angel.
"Ma'am, I love you daw sabi ni Kirt! Hahaha!" mga loko talaga kaklase ko, pinagtitripan na naman ako.
"Hoy! Tigilan nyo nga ako, nakitang nananahimik ako rito eh. Tsaka ayaw ko sa babaeng mas matanda sa akin." hindi naman ganoong katanda si maam samin, sa totoo lang bata pa si ma'am at mas mukha pang matanda ang mga kaklase ko.
Nagulat ang klase sa pagkalabog ng desk ni maam. Nakita naming umiiyak sya habang nakayuko at bigla na lang lumabas ng room. Paglabas niya, nagbulungan ang klase at alam kong tungkol kay maam at sakin na naman yun.
"Uy, bakit mo naman sinabi yun? Di mo ba alam na may gusto sayo si Ms. Angel? Pre, ang sakit nun kay maam!" tch, student-teacher relation lang ang pwede sa school. Malay ko bang may gusto sya sakin e, ako nga hindi umaamin sa kanya dahil bawal.
Tumayo ako sa desk ko at biglang tumahimik ang classroom. Nang lumakad ako papunta sa pinto, umingay ulit ang kwarto.
"Hoy! Saan ka naman pupunta? Sundan mo kaya si maam?" sabi ni Zen, kaibigan ko.
"This can wait. Hindi ko susundan si maam dahil against the rules ang gagawin namin. Graduating na tayo this year kaya konting hintay na lang. Nasa rooftop ako kung may emergency, wag nyo kong guguluhin at matutulog ako." at tumuloy na nga ako palabas ng room.
To be continued...
+++xxx+++xxx+++xxx+++xxx+++xxx+++xxx+++
AUTHOR'S NOTE!!
May part 2 pa po ito at obvious naman siguro yun dahil may nakalagay na part 1 sa title nitong chapter. Atsaka nga pala...
Zen: Naextra ako!! Yahoo! Hah, sabi na nga ba at ieextra mo rin ako sa iba mong story eh! Salamat Author!
Sasabihin ko na nga eh. Walang anuman yun, Zen. Para po sa mga readers, kung hindi nyo po magets, naunang nangyari itong Panyo (Part 1) kaysa sa Cool, Not Cool. Yun lamang po at maraming salamat. :)
Zen: Kaya pala wala si Zenyl. Nasa ibang section sya noh?
Yup. Well, that's all. Bye readers~! Ja-ne~!
BINABASA MO ANG
Anything
Cerita PendekThis is a compilation of one-shots, two-shots and/or short stories. Some are in Filipino and some are in English language. But most are in Taglish (Tagalog-English). WARNING: Some stories may be highly humorous and/or highly serious. Read at your ow...