Pencil

17 0 0
                                    

Anything

Pencil

"Akin na yan! Ako ang unang nakakita nyan eh!" sabi ng batang babae habang inaagaw ang lapis sa batang lalaki.

"Akin kaya yan! Ako ang unang nakahawak nyan eh! Bitiwan mo nga!" sigaw naman ng batang lalaki sa batang babae.

~~~After 10 years (now in college)~~~

"Bumitaw ka nga sa lapis ko! I saw it first! Finders, keepers!" sigaw ng babae sa lalaking kaharap. Kung nakapapatay lamang ang tingin, kanina pa siguro nasa sahig ang lalaki.

"Eh kung ikaw ang bumitaw? I picked it first so it's mine. Sabi mo nga, 'Finders, keepers.' So losers, weepers. Bitaw na!" balik-sigaw naman ng lalaki sa babae. Hindi rin ito papatalo sa pakikipagtitigan, napakatalim ng titig nito sa babae na malamang ay nakahandusay na sa sahig kung nakapapatay lamang iyon.

Nagpatuloy pa ang 'glaring contest' ng dalawa kung hindi lamang sila sinita ng kanilang prof. Huminto na ang pagtititigan pero hawak pa rin nila ang lapis na kanina pa pinag-aagawan.

"P-pen, C-cyril... p-pwede ko bang makuha yang l-lapis ko?" sabi ng isang nanginginig na kaklase ng dalawa. Kung hindi lang nakakaawa ito ay malamang na nasa sahig na ito ngayon.

"Ano?! Amin to eh!" sabay na sabi ng dalawang nag-aaway kanina lamang.

Nang marinig ng dalawa ang sinabi ng isa't isa, biglang namula ang mga mukha nila at iniwas ang tingin (kahit na hindi nakatitig sa isa't isa). Hawak pa rin ng dalawa ang lapis ng kaklase nila habang namumula ang mga mukha.

"Yiiie! Nagkahiyaan pa ang dalawa oh! Bilisan nyo naman ng konti, PenCil! Ang slow nyo sa isa't isa eh!" sigaw ng teacher na nasa harap, sub lamang ito dahil absent ang prof nila.

"M-Ms. Angel, naman eh! Ano bang sinasabi nyo? I-imposibleng magkaroon ng kami noh! Simpleng lapis nga pinag-aawayan namin e, hindi pa nga amin to." sabi naman ni Cyril, hiyang-hiya na sa mga sinasabi ng mga kaklase at guro.

"Shoesmiyo (susmiyo), parehas pa yatang mahiyain ang mga to. Ge, push nyo yan." sabi na lamang ng guro nang mapansing hindi pa magkakaaminan ang dalawa nyang estudyante. Hindi naman nakapagklase ang guro dahil wala namang binilin sa kanya at dahil na rin sa panunukso ng mga estudyante nya sa kanyang manliligaw na dumalaw sa kanilang silid.

"Kung ako sa inyong dalawa, gawa'n nyo na ng paraan hangga't maaga pa dahil baka magsisi kayo sa huli. At wag din kayo magsisisi kung hindi nyo sinigurado ang nararamdaman nyo sa isa't isa. Kasama naman sa buhay yan pero pag-isipan nyo rin yung mga desisyong gagawin nyo." yun lang ang sinabi ng guro at dinismiss na ang kanilang klase.

Hawak pa rin ng dalawa ang pinag-aagawang lapis, hindi rin natitinag sa kanilang mga pwesto. Nakatitig man ng masama sa isa't isa, halata ang pagkakagusto sa mga iyon. Namumula rin ang kanilang mga mukha.

"Sa'yo na nga yan!" sabay na sigaw ng dalawa sa kaklase at ibinigay ang lapis na hawak.

...

⇨⇨⇧⇧⇦⇦⇩⇩⇨⇨⇧⇧⇦⇦⇩⇩⇨⇨

AUTHOR'S NOTE!!

I know! Blame me! This chapter is really crappy! It's just that my mind's a mess right now and I'm thinking of so much things. No, I'm not dumped. But I'm thinking of so many "what if's" that I'm being dumped by myself.
Sorry, the author's just messed up having all those mangas* being read (*manga- japanese comics) and all those video games I've been playing.

Published: October 20, 2015

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon