Love is Blind

41 1 2
                                    

Anything

(Yipee! Second update for today! Please read the AUTHOR'S NOTE after the story.

Now, continue reading! Enjoy!)

MEETING...

"Hoo... nakatakas din! Grabe ang wiweird nila." tumakas kasi ako sa supposed to be group date namin kasama ang friends ko.

More like nahatak lang nila ako dito kasi wala naman daw akong ginagawa (which is true). At masaya daw dun sa pupuntahan pero puro nerd lang pala ang magiging kadate namin. Akala ko naman sa karaoke kami o sa hotel... magkacasino ba? Yun pala sa LibraFe lang. Isa yung library/ cafe na sikat sa mga bookworm.

Well, back to me. Ako nga pala si Ice, short for Aizen and I'm a girl. Hindi ako lalaki kung inaakala nyo at never pa akong nagkagus...

"Whet the fedge es geing en? I mean, holy face of mine! Who's that boy?" binabawi ko ang sinabi ko. Like, you know, that moment when you felt your heart jump and when you turned, you saw the most beutiful creature you've ever met? Yep, that's me.

No! It's not really like that. But seriously, right when you turned around, you thought that you just fell in love. You know, LOVE AT FIRST SIGHT.

There he is. Right across from the shop I was in, (which turns out to be a bookshop, see the irony?) he is there standing like he's waiting for someone.

Hindi kaya ako yung hinihintay nya?! Ohmyghad!! Kuya, masyado na ba akong famous para hintayin mo dyan at titigan dito sa pwesto ko? Wait, what?!

Bakit ako tinititigan ni kuyang pogi? Okay, inaamin ko na, hindi talaga ako sanay na maging mayabang. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina!! Mahiyain po talaga ako at anti-social kaya patigilin mo na po si kuyang pogi sa pagpunta dito!! What?!! Pumupunta si pogi dito! Aalis na ba ako o aalis? Aalis! Waaaaah!!!

"Wait! Miss, yung-" nakalabas na ako ng bookshop pero sinusundan pa rin ako ni pogi. Okay, alam kong weird ako pero paano nya napansin ang isang invisible na ako?

"Waah!! Wala akong kasalanan sayo! Layuan mo ko! Hindi ako nang-iistalk! Promise! Cross my heart! Hope for you to die!" tuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit marami na akong nabubunggo. Nakalabas na rin ako ng mall nang bigla akong natapilok sa hagdan pababa kaya nagpagulong pa ako.

"Miss! Ayos ka lang? Sabi na kasing hintay eh. Mukhang nabalian ka pa yata." shizz, nasa harap ko na si kuyang pogi.

"Dadalhin na kita sa ospital. Naguilty pa ko sa pagkakatapilok mo eh. Kaya mo bang tumayo?" sa totoo lang, feeling ko hindi ko maigalaw ang buo kong katawan pero yung buong kanang binti ko lang ang medyo masakit.

"K-kaya ko naman siguro. Kuya, please wag mo kong gawan ng masama. Ibibigay ko na lahat ng gamit at pera ko wag mo lang akong saktan." tumawa lang sya sa sinabi ko at bigla akong binuhat. PA-BRIDAL CARRY pa!!

"Kuya, wag mo kong kikidnapin! May mga kaibigan pa akong kailangang patinuin!" huhu... ang sarap sa feeling ng braso at dibdib nya pero sana hindi nya ako rapein.

"Ethan ang pangalan ko at wag mo akong tawaging kuya. Magkaedad lang tayo. Wag kang mag-alala, isasauli ko lang yung ID mo at wala akong gagawing masama sayo." pagpapaliwanag ni ku- ni Ethan. Hmm... galing sya sa N University. Nakita ko yan sa ID lace nya, wag kayo.

Pagkadating namin sa parking lot, iisa lang yung nakita kong kotse at isa pa iyong nagniningning na Black na BMW. Imposible namang sa kanya yun diba? Diba?! Ilang buwan ko nang natatimingan si ku- Ethan tuwing uwian namin na gumagala kasama yung mga kaibigan nya dito sa SM eh. Palagi lang syang nagkocommute.

Nagulat ako nang biglang nagbeep yung BMW kaya medyo napatalon ako sa pagkakabuhat ni Ethan.

"Woah! Haha, sorry. Nagulat ka ba?" ay hindi hindi! Ano ba? Malamang nagulat ako kasi nga napatalon ako diba? Hindi ba yun obvious?!

"Oo, medyo. Sorry kung mabigat ako, nakakahiya naman sayo." geez... bakit ngayon ko lang naalalang sabihin yun? Siguro, dahil kanina ko pa inuubos yung bango ni Ethan.

"Ayos lang, magaan ka nga eh. Kumakain ka ba ng maayos? Para kasing nagbubuhat lang ako ng unan." Wow, compliment ba yun o insulto? Alam kong payat ako kahit anong gawin ko pero hindi naman siguro ako ganoong kagaan talaga. Di'ba? Pero mukhang seryoso si Ethan nang sinabi nya yun eh.

"Kumakain ako. Matakaw pa nga eh! Sadyang hindi lang ako tumataba. Sure ka bang hindi man lang ako mas mabigat sa unan?" nasa loob na kami ng BMW nya. Nasa passenger seat ako at sya naman ang magmamaneho. Hindi talaga ako makapaniwalang sa kanya to.

"Gusto mong magtake out muna tayo? Libre ko na!" nanghihinala na ko dito kay Ethan ah.

"Bakit parang ang bait mo sa akin? Kakikilala ko palang sayo at ganoon ka din pero kung makapanglibre ka parang hindi mo pa ako ipapagamot?" kasi naman, kahit gwapo sya may mga kidnapper pa rin na kasingpogi nya.

"Hahaha!! Wala lang talaga to. Sabihin na nating, mabait lang talaga ako. Kung gusto mo, ako na lang ang gagamot sayo at iuuwi na lang kita sa inyo." yung mukha nya parang nag-eexpect na ewan habang nakatingin sya sa rearview mirror.

"Okay. Naigagalaw ko naman na ng konti tong binti ko kaya kahit siguro ayusan mo na lang ako. Salamat." ngumiti si Ethan at ang cuuuuuuute nya!! Grabe, parang mala-Alden lang, ang lalim ng dimples!!

Tinabi muna ni Ethan yung kotse at saka ako inalalayan sa binti ko. Pagkatapos, tinuro ko na kung saan yung address ng bahay ko at nagpahatid.

"Ayos ka na ba? May kasama ka ba dyan sa bahay o gusto mong alalayan pa kita hanggang gate?" sobra na yung bait mo Ethan, tama na at baka mafall na ako.

"Mag-isa lang ako. Ayos na ako, wag mo na kong pagkaabalahan pa. Sanay naman na ko." feeling ko bigla akong nalungkot nang sinasabi ko yan. Sa totoo lang kasi, ayokong naiiwang mag-isa kahit palagi naman akong mag-isa sa klase. Sa sobrang desperada ko nga, kinaibigan ko na kahit yung mga plastic basta hindi lang ako mag-isa.

"Hmm... ayoko. Ikiss mo muna ako or bubuhatin ulit kita ng pabridal papasok sa bahay mo." what the?! Ikikiss? Nakangiti pa talaga sya nyan ah! Tch, ayoko naman na buhatin nya ako, baka kung ano pa masabi ng mga kapitbahay ko.

"Tch, kailangan ba talaga yan? At saka, bakit ko naman gagawin yan? Eh ni hindi ko pa nga alam ang apelyido mo, mas lalong hindi pa kita lubos na kilala noh!" ayoko ngang makuha nya ang first kiss ko! Pero pwede na rin, gwapo naman sya eh! No! No, Ice! Bad, bad!!

"Mm?!..." sheteng tupa! He's kissing me!! No! Consciousness, please remain! No, don't leave! Noooo....

¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪

AUTHOR'S NOTE!!

Tingin nyo, ituloy ko pa to or I'll leave it like this, hanging? Napahaba kasi eh. Kung itutuloy ko, magCOMMENT kayo. Kung hindi, magCOMMENT pa rin kayo.

Kung walang comment, I won't update for a month, maybe? Sayang kasi yung mga nakadraft na chapters na hindi pa napapublish dito. O kaya naman, hindi ko na lang to ia-update kung walang comment.

Sorry guys, pero I need motivation in doing things like this. And one of my motivations is having my stories being read. Hence having them many reads. Matutuwa din ako kung may VOTES.

By the way, I am updating this compilation once a week. So kung hindi ako nag-update, iyon ay dahil either tinamad ako, wala akong motivation, wala yung wifi namin (nakiki-hotspot lang ako sa cp ni daddy), hindi ko nakita si crush or talagang stressed ako at wala sa mood. Isama na din yung deal na sinabi ko kanina.

So... I need at least 3 Comments before I update again and... da's ol pipol. Bay!! Ja-ne~!

Published: September 5,2015

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon