Panyo

10 0 0
                                    

Anything

Panyo (Part 2)

After two years

"Boys! Itigil nyo nga yang pagpapaikot nyo ng panyo kung hindi, ikukumpiska ko yang lahat." sabi ng teacher na nasa harapan.

"Ma'am! Kumpiskahin mo na raw yung kay Kurt! Yung puso ni Kurt! Hahahaha!" nang marinig ng babae ang pangalan, bigla siyang natigilan. May naaalala sya tuwing maririnig ang pangalang iyon at hindi iyon maganda para sa kanya.

"Wag nyo nga akong paglolokohin! Hindi na kayo nakakatuwa!" nanahimik ang buong klase at napansin ng guro iyon. Alam nyang hindi ganito ang asal ng klase nya kahit magalit sya. Mas maingay pa nga dapat ang mga ito pero hindi nya makita ang dahilan kung bakit sila tahimik.

"Ma'am, paano naman yung puso kong matagal mo nang nakumpiska? Isasauli mo pa ba? Kasi kung ako sa'yo, wag na dahil pagmamay-ari mo na yun. Ms. Angel, lingon ka naman dito." sabi ng isang lalaki. Kilalang-kilala nya ito lalo na ang boses nitong nagsabi sa kanya ng mga salitang nanakit sa kanya.

Ayaw nyang lumingon dito dahil natatakot sya sa kung anong magagawa nya. Natatakot syang baka masampal nya ito sa pagbabalik nito. Mas lalong natatakot sya na baka paiyakin uli sya nito. Pero hindi nya naisip ang kung ano mang nangyari dahil niyakap nya ito at saka pinagsusuntok ng buong lakas. Mahina lamang ang suntok ng guro pagkat umiiyak ito at nanghihina na.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit ka! Nakakainis ka! Ba't bumalik ka pa rito? Di'ba graduated ka na? Nakakainis ka! *hic* Pangalawang beses ko na tong umiyak nang dahil sayo! Bwisit! *hic* *hic* huhuhuhu..." tumigil na ang guro sa pagsuntok at hinawakan na lamang ang damit ng lalaki. Namumuti na ang kamao ng babae sa sobrang higpit ng hawak nito sa damit at namumutla na rin ang mukha nito dahil sa kaiiyak.

"Ms. Angel, sorry na. Alam naman nating bawal ang student-teacher relationship sa school at ayokong mawalan ka ng trabaho dahil dun. At least ngayong nasa college na 'ko, wala nang hahadlang sa'tin. Kaya tumahan ka na dahil nanonood ang mga estudyante mo." alam iyon ng guro ngunit pinili nitong makulong sa mga bisig ng lalaki. Mas malaking kahihiyan kung makita ng klase ang kanyang namumulang mukha at namumugtong mga mata.

"Ayokong humarap sa kanila ng ganto ang ayos ko. Ihatid mo muna ako sa clinic bago pa ako ma..." naputol ang sinasabi ng babae pagkat hinimatay na lang ito bigla. Nagkagulo ang klase dahil sa nangyari sa kanilang guro ngunit humupa din iyon nang magbigay ng direksyon ang lalaki sa kanila.

~~~ Clinic ~~~

"Mmm... itigil nyo nga yang pag-iikot nyo ng panyo... lilipad na tayo nyan eh." bulong ng guro habang ito'y natutulog. Naalimpungatan bigla ito ng mapagtantong wala sya sa kanyang classroom.

"Huy! Nananaginip ka pa ba? Nasa clinic tayo, bigla kang hinimatay kanina." nagulat sya nang makita ang lalaking nagpaiyak sa kanya. Nainis sya dito pagkat hindi man lamang nito tinanong ang kalagayan nya bagkus ay inuna pa kung nananaginip pa ba sya.

"Che, wala ka namang pake kung hinimatay ako eh. Inuna mo pa yung panaginip ko."

"Tinanong lang kita, baka kasi kasama ako sa panaginip mo. Atsaka alalang-alala kaya ako kanina sa'yo, akala ko may sakit ka. Yun pala hindi ka daw kumain ng agahan mo." sabi ng lalaki habang nakanguso ito. Hindi na lamang sya umimik dahil hindi nya alam ang isasagot dito.

"Uy, mamansin ka naman, Ms. Angel. Galit ka pa rin ba sakin? Sorry na." hindi mapigilan ng guro ang mapangiti sa mga sinasabi ng lalaki. Natutuwa sya dito at sa ipinapakita nitong pagpupursigi sa kanya.

"Hindi naman ako galit ah? Kita mong nakangiti ako eh." at ipinakita ng babae ang ngiting abot-tainga. "Hmm... may isang request muna ako sa'yo."

"Ano?" tanong ng lalaki sa kaharap na babae.

"Ikiss mo muna ako atsaka itigil mo yang pagpapaikot mo ng panyo." nakangiting sabi ng guro habang nakabaling sa ibang bagay ang atensyon.

"Dalawa yan eh! Madaya ka." sabi naman ng lalaki habang namumula na ang mukha.

"Isa lang yun! Hindi ko naman sinabi kung ilang isang request yun eh. Atsaka papalag ka pa ba?"

"Tch! Oo na, eto na nga." itinigil na ng lalaki ang pagpapaikot nito ng panyo at inilapit ang mukha sa babae. Nagulat naman ang babae sa ginawa ng lalaki.

"Bakit mo naman ako hinalikan?!" gulat at naguguluhang tanong ng babae.

"Sabi mo ikiss kita kaya iyan. Sinunod naman kita eh."

"Bakit naman sa labi? Pwede namang sa cheeks lang ah! G-grabe ka, first kiss ko yun!" sobrang pula na ng mukha ng babae, pati ang sa lalaki pagkat ngayon lamang nya natanto ang sinabi ng babae.

"Uuuy! Si Kirt, ang bilis talaga kahit kailan oh! Magpropose ka na!" lumingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses at nakita ang kaibigan ni Kirt na si Zen. Nakasilip ito sa pinto ng clinic at may kasamang babae na kilala ni Kirt bilang kababata ng kaibigan.

Mas lalong namula ang mukha ng dalawa sa sinabi ng kaibigan. Mas lalo ring nanahimik sa kwarto. Pero nawala iyon ng dumating ang nurse sa clinic at pinaalis ang dalawang nakasilip sa pinto. May sinabi at ipinaalala lamang ang nurse sa kanila at pinaalis na rin naman sila.

▣□■▣□■▣□■▣□■▣□■▣□■▣□■

AUTHOR'S NOTE!!

Zen: Extra ulit ako! Haha, kaya mahal kita Author eh! Aray! Ba't mo naman ako hinampas Zenyl?

Zenyl: Wala! Extra din kaya ako, hindi lang ikaw! Ikaw naman Author, inaagaw mo ba sakin si Zen?!

Author & Zen: What?! Hindi kami talo noh!

Zen: Meron na akong special someone at ikaw yun Zenyl. Mahal ko si Author as a FRIEND.

Ayun! Ouch naman, ang hard. Na-friendzone ako ng wala sa oras. Ayos lang yan, friend lang naman kasi talaga tayo.

Zen/Yl: Aalis na po!! *whoosh*

Ngayong wala na yung dalawa, magpapaliwanag na ko. Kasabay pong nangyari to ng Cool, Not Cool pero hindi eksakto. Sabihin na nating after a week, tsaka to nangyari. Yun lamang po people! Bye readers~! Ja-ne~!

(Pahabol lang: Sorry kung ngayon lang nakapag-update, busy kasi sa school and yung wi-fi namin ay mabagal nung mga nakaraang araw. But at least, nag-update ako di'ba?

Anyway, belated Merry Christmas and Happy New Year to all!!

Musta naman lovelife nyo?)

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon