Birthday

66 1 0
                                    

Anything

Birthday

Tang in a motorcyclist's basket... kelan pa ba ko nakatanda ng birthday ko? Noong isang araw? Kahapon?

Nakakabwiset, bakit ba kasi naimbento pa yang birthday na yan! Ano namang masaya sa birthday kung yung mismong may birthday hindi man lang nakakain ng handa nya.

PARA BANG UTANG NA LOOB PA NYA YUNG INIHANDA PARA SA KANYA. Tapos reregaluhan ka pero sila din yung gagamit o kakain.

Nakakagags lang diba? Ikaw yung may birthday pero hindi ka kasali.

MALAPYESTA PARA SAYO YUNG HINANDA NILA PERO PARA PALA SA KANILA LANG TALAGA.

Bakit ba kasi may birthday pa kung parang hindi naman nila pinagpapasalamat na buhay ka? Kundi, mas matutuwa pa sila kung naghahanda lang sila para sa sarili nila at dinadahilan lang nila yung birthday para may ihanda sila?

Nakakabwiset lang, edi sana sinabi na lang nila na "Wag kang umasang para sayo yung ihahanda namin, kami lang din naman ang kakain. Atsaka kasama mo naman yung kaibigan mo, magsama na lang kayo hanggang sa mabusog kami." Diba?

O kaya naman, "Kumain ka na ng konti, isabay mo na rin yung kaibigan mo. Konti lang kainin nyo at amin na yun lahat. Kung hindi, may utang na loob ka pa sa amin at utang na isa pang bucket meal." See?

Mga gago lang eh, ipaghahanda yung may birthday pero wala syang karapatang ipagdiwang yun at may utang na loob pa sya sa mga naghanda para sa kanya.

Sa school naman, pag nalaman ng mga kaklase mo na birthday mo, nagiging mga drawer. Alam nyo yun, yung makakapal na plastic ang gamit. Ganoon sila eh, makakapal na nga ang mukha, mga plastic pa.

Parang noong isang araw lang o kahapon, iniisnob ka lang o minsan pinagtitripan (kung malala pa, binubully). Tapos nang malaman na birthday mo pala ngayon, todo papansin at nakikipagharutan pa sayo (kahit na nasasaktan ka na). Tipo bang, magpaparinig sayo to the max na MANLIBRE NAMAN YUNG ISANG MAY BIRTHDAY DYAN OH!

Sarap pagtatagain ng utak ng mga ganyang tao. Pag birthday naman nila, ikaw pa rin ang paparinggan kesyo dapat daw yung may birthday ang nililibre hindi manlilibre.

ANO YUN? PAG IKAW ANG MAY BIRTHDAY, IKAW ANG MANLILIBRE PERO PAG BIRTHDAY NA NG IBA, IKAW PA RIN ANG MANLILIBRE. PARANG ANG SINABI LANG, "WALA KAMING PAKE KUNG WALA KA NANG PERA BASTA IKAW PALAGI ANG MANLILIBRE."

So BIRTHDAY nga yung topic diba? Ayan na, ibinigay ko na lahat ng negative tungkol sa birthday (sa palagay ko). Nakakabwiset lang kasi talaga dahil wala nang totoong tao ngayon. PURO NA SILA PLASTIC.

So parang ang naging topic dito ay ang PLASTIC. Sa susunod ko na lang siguro ipapaliwanag yan. Nakakapagod pala kasing umiyak ng hindi nila nakikita.

Para na tuloy akong PLASTIC. So sa mga plastic dyan! Irecycle nyo naman yung sarili nyo para kahit papaano ay gumanda yung ugali nyo kahit kaunti lang!

฿฿฿§§§฿฿฿§§§฿฿฿§§§฿฿฿§§§฿฿฿§§§฿฿฿

AUTHOR'S NOTE

(Sorry kung naging rant na to para sa inyo. Gusto ko lang talagang ilabas tong sama ng loob ko eh.)

Buti pa yung mga batang 6 yrs old pababa, lalo na yung mga naïve, napakasincere nila. Sana di sila matulad sa mga taong nakapaligid sa kanila.

And so, humuhugot lang po ako ngayon. Nakakainis lang kasi talaga ang birthdays. At yung story po ay aking POV kaya po medyo (masyado) may feelings.

Galing sa kaibuturan ng aking puso at isipan, naisiwalat ang istoryang ito dito sa Wattpad dahil sa sama ng aking loob at dahil sa masidhing damdamin na aking nararamdaman ko ngayon. (In short, I'm having emotional breakdowns again and I'm (almost) always... nevermind, or I'll break again.)

Longer as possible, I want to hide my true self than let others see my weaknesses and be the death of me. Dis is all... bye...

(UNEDITED)

Published: August 19, 2015

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon