Anything
STALKING...
Shizz... anong nangyari kagabi? Ang sakit ng ulo ko!! Hindi naman ako uminom ng alak para magka-hangover. Waaah! Ano ba kasing nangyari?!
"Urgh... oww... my head is killing me!" hindi ko namalayang may katabi pala ako kaya naitulak ko sya sa gilid. Hala, sino naman to? Hindi kaya nakipag-ano na ako? Nooo!!
"Ouch! Sh*t... what the fu-... um, gising ka na pala. Sige, aalis na ko. May breakfast na sa baba kumain ka na lang. Pasensya sa abala, umulan kasi kagabi kaya hindi na ako nakaalis. May gamot na din na nakahanda kasama ng breakfast mo." ang haba pala; teka, sino ba sya? Ah, inaantok pa ako. Matutulog na nga lang ulit ako.
XxxZzzXxxZzzXxxZzzXxxZzzXxxZzzXxxZzz
(3rd person's POV)
Nakatulog na ulit si Ice pagkatapos ng mga sinabi nang lalaki. Hindi na lang nya ito pinansin at tumuloy na lang sa paglabas sa kwarto nito.
Hindi sya mapakali dahil sa pangyayaring ginawa nya kagabi. Muntik na din syang mastranded sa kalsada, buti na lang ay may garahe si Ice kahit na wala itong sasakyan. Umulan kasi ng gabing iyon at hindi nya inaasahang nagbabaha sa lugar nito.
Nagtataka din sya sa pagkatao ng babae. Paanong napakalaki ng bahay nito pero wala man lang itong kahit isang kasama? Wala na ba itong pamilya o sadyang nakahiwalay na ito sa kanila? Buti na lamang at pinilit nyang samahan ito kahit ayaw nito.
Aalis na sana sya sa lugar na iyon nang may maalala pa syang kailangang gawin. Bumalik sya sa loob ng bahay nito at nagsulat sa isang kapirasong papel. Pagkatapos niyon ay tumuloy na talaga sya sa pag-alis sa bahay na yon.
~~~###~~~###~~~###~~~###~~~###
(Ice's POV)
"Urgh, my head hurts! Huh? Paano akong napunta rito sa bahay? Malamang umuwi ka. Hindi ba obvious, Ice?" jusko, nababaliw na naman ako at nanganga-usap ng sarili.
Haay... wala na naman akong magawa. Ah! Mantitrip na lang ako sa mall, tutal sa hapon pa naman ang klase ko.
Nagbihis ako ng manang at nagsuot ng malaking salamin. Hindi lang halata sa getup ko pero tinatry ko ang nerdy look. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpunta na ako sa mall at nagsimulang mangtrip.
Mangangalabit ako ng mga tao tapos pagharap nila, nagugulat sila. Hindi ko nga sila magets kung bakit sila nagugulat sakin kahit ilang beses ko na silang nagulat. Yung iba naman, tinitingnan na lang ako ng masama. Siguro dahil sa malaki kong eyeglasses kaya sila nagugulat pero ano namang masyadong nakakagulat doon?
Nang magsawa na ako sa pantitrip, kumain muna ako sa isang fastfood chain at nagpahinga. Pagkatapos noon ay umuwi na ako at nag-ayos ng gamit para sa klase ko sa hapon. Umidlip ako sandali para kahit papaano ay makabawi ng lakas.
Pagkagising ko, naligo ako ulit at nagbihis na ng matino para sa klase ko. Dinala ko rin ang disguise ko para mamaya sa pangtitrip ko sa mall.
(Timeskip: Sa uwian)
Inaya ulit ako ng mga kaklase ko sa isang party pero hindi ako sumama. Mamaya kasi, baka puro ewan lang ang makasama ko dun. Kaya dumiretso ako ng mall para mangtrip ulit.
Pagkatapos kong makapagpalit ng outfit, naghanap na ako ng mabibiktima ko. Nang makahanap na ako, kakalabitin ko na sana sya ng bigla syang lumingon at humarap sa akin.
"Oh! Uh, hello. May kailangan ka ba sakin miss?" what the! Si Ethan pala to! Bakit hindi ko naalalang tumatambay nga pala sila dito ng barkada nya sa mall?
"Ah... ano! Uhm... wala. Wala pala! Sorry! Kasi... ne-nevermind!!" at nagmamadali na akong lumayo sa kanila.
Pumunta ako sa isang malapit na shop para magtago pero para rin masundan kung saan sila pupunta. Sinundan ko sila kahit saan pwera na lang sa banyo, syempre.
Hanggang sa makauwi, nakasunod pa rin ako kay Ethan. Sya na lang kasi ang natira sa barkada nila na hindi pa umuuwi. Nang sumakay na sya ng jeep, wala naman na akong magagawa kaya umuwi na lang din ako.
Pagkarating ko sa bahay, pumunta agad ako ng kitchen para makahanap ng pagkain. Pero nasa breakfast counter pa lang ako nang may nakita akong tray. Parang kanina pang umaga tong pagkain sa tray. May kasama ring note na nakaipit sa ilalim.
"Good morning beautiful,
I already prepared you some breakfast. Just reheat it if you want. I left some medicine with it so you can feel better.
Best Wishes (for you),
Stethaniel Rose LochHart
(Ste-ta-niel Ro-ze Lock-Hart)P.S. You're really cute when you sleep.
P.P.S. Call me: 09**-***-****"
O_O ...what did I just read? Sheers, ibig-sabihin kanina pang umaga tong pagkain dito at hindi ko man lang napansin? Sayang naman to, initin ko na lang kaya?
Hahaha, ba't ba kasi may nasama pang note dito? At ang sabi pa ay cute daw ako? Don't joke me! Hay nako, makakain na nga lang nang hindi na ko parang baliw na kinakausap ang sarili dito.
Pagkatapos kong kumain, naghugas ako ng mga pinagkainan ko at binuklat ulit ang note. Kinuha ko yung number tutal nilagay nya yan para sakin diba?
Pagkatapos ko sa lahat ng ritwal at orasyon, na sa totoo ay naligo lang naman ako at nag-ayos ng pagkatagal-tagal, edi natulog na ako syempre.
Ganyan lang naman araw-araw ang ginagawa ko bukod sa part ng note. Yung dating pagsunod lang kina Ethan, naging pang-iistalk na. Magtatatlong buwan na nga akong secret spy sa kanila, nakicreepyhan na nga ako sa sarili ko.
Hanggang sa mag-iisang linggo na pero wala akong nakitang Ethan sa magbabarkada. Nilapitan ko yung mga kabarkada nya para tanungin sana sila.
"Excuse me, hindi nyo ba kasama yung isang lalaking lagi nyong kasama? Yung morenong singkit ang mata?" wow, kabisa ko na yung features ni Ethan nang dahil sa pang-iistalk.
"Si Ethan ba? Sorry pero nagtransfer na sya sa ibang school. Hindi na rin namin sya makakasabay ng uwi. Ano bang kailangan mo sa kanya?" -barkada 1
"Ah, may itatanong lang sana ako sa kanya. May dati na kasi sya sa aking pinatago, hindi pa nya kinukuha." totoo naman eh! Yung ID kaya nya, nahulog(kinuha ko talaga) din kaya pinulot ko. Kaya lang hindi ko na ulit sya nalapitan kaya hindi ko maisauli.
"Kung gusto mo, kami na lang ang magbibigay sa kanya pag nagkakitaan uli kami." -barkada 2
"Ah, hindi na. Ako na lang ang magsasauli tutal minsan ko naman syang nakakasabay. Sige, salamat." haa... saan naman kaya nagpuntang school yun?
¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪
AUTHOR'S NOTE!!
To those who still don't know, ito po yung second part ng 'Love is Blind'. Obvious naman diba? Sorry kung may malilito kasi iniba ko yung part name nila.
Musta naman kayo dyan? May nagbabasa ba? Huhuhu, feeling ko tuloy ang lonely ko. Guys, comment naman kayo or vote.
Sorry kung natatagalan ang update kasi may iba pa rin akong ginagawang story kasabay nito. *Kaway kaway* hello dyan sa mga readers ko!!
'N dat's ol, pipol!! C ya nxt apdeyt!
Published: October 11, 2015

BINABASA MO ANG
Anything
Short StoryThis is a compilation of one-shots, two-shots and/or short stories. Some are in Filipino and some are in English language. But most are in Taglish (Tagalog-English). WARNING: Some stories may be highly humorous and/or highly serious. Read at your ow...