Anything
TRANSFER...
"Okay class, we have a new student. He came from N University, please treat him well. He is coming tomorrow so prepare yourselves to be behaved. Please, I don't need complaints from either party. He still have some requirements he need to arrange today so you need to arrange yourselves too. That's all, class dismissed." wow naman, kalagitnaan ng semester tsaka lumipat?
Hahaay, ano namang gagawin ko ngayon? May klase ako ngayong 8-10:30 am, tapos vacant ng two hours. By 12:30-5:30 pm, nasa part-time job ako then 30-minute break. 6-8 pm, may klase ulit ako. Then iba uli ang schedule ko para bukas. Monday pa lang ngayon pero namomroblema na ako, tapos may transferee pa bukas. Paano kung sakin tumabi yun? Ako pa ang maaasign na maglilibot sa kanya sa campus! Sana naman hindi.
"Ms. Chetroux! What are you dozing off for? I said bring out your sketching materials and we are heading outside."
"Ah! Y-yes, sir! I mean, ma'am." shizz, yan na nga po tayo.
~~~***~~~***~~~***~~~***~~~***~~~
"A-ahm... N-nice to meet you all. I-I am... You can... uhm, my name is..."
"Just get over with your name! We know you're a transferee but you have too much stutters! It's irritating." kasi naman ang tagal nya, sasabihin lang ang pangalan. At panigurado nang ako ang magtutour sa kanya ng dahil sa scene na ginawa ko.
"Y-yes ma'am! You can c-call me Stet. Uhm, nice to meet you all!" in fairness, mukhang matalino tong isang to. Matalinong tignan at mukhang matalino talaga kaya lang, masyadong clumsy. Or siguro, talagang nerdy lang.
"Okay Mr. LochHart, you can sit beside Ms. Chetroux. She will also be assigned to tour you around the campus. If you need anything, ask her about it." gawin ba naman daw akong forum? Kailangan pag may transferee, ako lagi ang iku-Q&A? Ano to, Miss Universe? May Q&A portion?
Back to reality, lumapit na sa akin si Stet. And as usual, walang may gusto kay Stet at wala nga silang paki sa kanya. Might as well keep him company dahil kawawa naman kung mabully pa sya.
"Hi, I'm Aizen. You can call me Ice. I'm the one who'll tour you around the campus. Nice to meet you!" with a smile! Nakakatuwa naman si Stet so kakaibiganin ko sya. As in for real, nagblush sya sa simple gesture ko ng shakehands.
"N-nice to meet you, too. Please take care of me." ayos na sana ang lahat eh. Kung hindi nya lang sinabi sa seatmate ko.
"Wow kuya, ang liwa-liwanag ng pagkakabati ko sa'yo tapos sa kabila ka haharap? Well anyway, anong IQ mo, Stet?" mukha lang syang matalino pero ang totoo, idiotic sya.
"H-hindi ko alam. Um, saan ko nga pala kukuhanin ang libro ko?" how ironic, mukha syang matalino pero at the same time, tanga sya. Paulit-ulit na ako pero hindi ako makaget-over sa pagiging gwapo- este tanga nya.
"Hindi ko rin alam, binigay lang sakin ni ma'am yun eh. Nga pala, mamayang lunch na lang kita itutour o may gagawin ka?"
"Ah, ayos lang. Wag mo na kong itour, nalibot ko na tong campus kahapon. Salamat." hm, imagination ko na naman naglilikot. Feeling ko pamilyar tong si Stet sa akin pero hindi.
"Hindi, hindi! Ililibot kita, may gagawin ka ba mamaya?"
"W-wala naman." yun oh! May kasama na naman ako! Sorry Stet pero gagamitin muna kitang distraction.
"Okay, sasabay ka sa akin mag-lunch sa ayaw o gusto mo. That's final." sana lang magwork out tong ginagawa ko.
~~~***~~~***~~~***~~~***~~~***~~~
"Ahm, ano nang gagawin natin ngayon? Pupunta pa kasi akong library." bakit ba ang awkward nitong kasama ko?
"Pwede ba akong sumama sa'yo? Please? Wala akong kasama ngayong lunch eh. Atsaka para magkakilala pa tayo." nagpacute pa ako nyan para extra effect, at sana tumalab.
"Hindi pwede. May gagawin kasi akong importante dun at ayokong maistorbo hangga't maaari."
Naging seryoso bigla ang mukha nya pero hindi ko pa rin sya titigilan. Wala akong kasama, remember?!
"Please!! Hindi kita iistorbohin, mananahimik lang ako dun at magbabasa ng libro. Wag mo na lang akong pansinin basta isama mo na ako please!! Wala akong kasama ngayon!" sana pumayag, sana pumayag! Please pumayag ka!!
"Hindi talaga pwede. Kung gusto mo, sumama ka muna sa iba nating kaklase." wala naman akong nasabing masama di'ba? Bakit ang sama ng aura nya? Bakit ang sama ng tingin nya?!
"Tch, okay. Fine. Mag-iisa na lang ako. Lagi naman akong loner eh." uuwi na nga lang ako tapos kukuha ng gamit para sa part-time ko pagkatapos ng last subject ko mamaya. May two hours pa naman ako kaya pwede pa akong magpakaloner.
"Tss... kung... kilala... babaeng... hindi... tiis..." wow, ang tino ng salita.
"Anong binubulong mo? At sino yang sinasabi mong babae?" wow lang, wala talaga akong pakialam sa totoo lang. At hindi ako defensive, curious lang.
"A-ah, wala yun. Sabi ko, sige na sumama ka na. Basta tahimik ka lang at hindi manggugulo."
"Wew, sure ka? Di nga? Pwede na akong sumama sa'yo? Yun oh! Thank you very much! Nako, mahal na kita. Promise, hindi ako manggugulo at mag-iingay. Thank you talaga!" yii, natuwa naman ako. May kasama na ulit ako.
Niyakap ko sya dahil sa tuwa pero lumayo rin naman agad. Nang tingnan ko ang mukha nya, para talagang pamilyar sakin pero mas napansin ko na namumula yun. Nagbablush sya!
"U-uy, anong ikinamumula mo dyan!? Niyakap lang kita eh." yan tuloy, feeling ko namumula na rin ako.
"I-ikaw din naman ah! N-namumula ka din naman eh! A-atsaka ikaw may pakana nito noh." cute, ang cute nya habang inaayos yung eyeglasses nya tapos namumula pa sya.
"Ano na namang nasabi ko? Wala naman akong sinabing masama ah!" ano ba pinagsasabi ko kanina?
"S-sabi mo kasi mahal mo na ako. Wag mong sabihin yun lalo na't kung niloloko mo lang ako. Baka maniwala ako."
WADAPAK?!
~~~***~~~***~~~***~~~***~~~***~~~
AUTHOR'S NOTE!!
Sorry for the delay! Wala ang inspiration ni Author eh. Nagtatago sakin, hindi ko tuloy sya makuhaan ng idea.
Btw, sino nang nakaranas mang-stalk? Gusto ko lang itanong para may karamay ako. Kay @WhereAreMyShoes dyan, alam mo na yun dre.
Don't worry guys, may kasunod pa po ang mga stories dito. Especially "Love is Blind" dahil short story po ito.
See you guys next update! Bye! Ja-ne~!
Published: November 21, 2015
BINABASA MO ANG
Anything
Short StoryThis is a compilation of one-shots, two-shots and/or short stories. Some are in Filipino and some are in English language. But most are in Taglish (Tagalog-English). WARNING: Some stories may be highly humorous and/or highly serious. Read at your ow...