Anything
Plastic
Sorry kung magiging rant or whatever ulit ito para sa inyo pero ang topic ngayon ay ang:
3 Uri ng Plastic na mga Tao
First ay ang lumulubog na plastic. Sila yung mga hindi talaga peke, or hindi halatang plastic dahil mas madalas na sa isip lang sila namamlastic. For example ay mga Drawer na Orocan. Lumulubog sila dahil makapal ang plastic na ginamit at mabigat. Para sa tao, hindi masyadong angat yung pagiging peke nila or hindi talaga sila peke.
Pangalawa ay ang mga plastic na lumulutang. Sila yung mga taong lantaran ang pagiging peke. Sila yung tipo na pag kaharap mo, ang bait-bait pero pag tumalikod ka kahit malapit ka lang, sinisiraan ka na. Madalas, sila yung mga taong mahilig magparinig. Ang example nila ay plastic bags o plastic containers.
Itong pangatlo, malamang na konti lang ang nakakaalam. Pwede kasi syang mapagkamalan na isa sa naunang dalawa. Sila yung mga plastic na pwedeng lumubog pero minsan, lumulutang din. Kumbaga, yung neutral or in-between. Tulad na lang nang mga trash bags na may laman na o kaya naman mga plastic utensils. Minsan kasi, yung mga gantong uri ng plastic ay namimisunderstand lang o kaya ginagawa na lang yan dahil kailangan. Kung ihahalintulad yan sa trash bag, diba minsan lumulutang yun kasi may magaan o talagang lumulutang na bagay sa loob nun. Minsan naman, lumulubog sya kasi pwedeng yung laman nya mabigat o may nabubulok. Kung titignan mo sa labas pwedeng napakaplastic nya, pero kung titignan mo yung loob nya, lumulubog sya dahil mabigat yung nasa loob, organic yung laman. Kung nabubulok na, pwede noong ipahiwatig na sa human emotions, sobra nang nasisira o nalalabag yung loob nung tao kaya nagkakaganoon sya.
Pasensya na kung masyadong mahaba yung sa nahuli. Doon kasi ako kasama. Ako kasi yung tipo na bulok na yung nasa loob pero malayo ang ipinapakita ko sa labas. Ako yung tipo na labag na labag na sa loob ko yung nangyayari pero sa panlabas, mukhang ayos lang ang lahat sa akin. Ako yung tipo na masisira na yung pampigil sa sarili pero parang wala lang sa akin lahat.
AKO YUNG TIPO NG PLASTIC NA TUMATAGAS NA YUNG NASA LOOB PERO AAYUSIN LANG YUN PARA MAGMUKHANG MAAYOS LANG SA LABAS. AKO YUNG TIPONG UBOS NA UBOS NA YUNG LUHANG ILALABAS KO SA LOOB PERO SA LABAS, NAKANGITI PA RIN.
Ako kasi yung tipo na hindi ko na kaya yung sakit PERO PARA LANG SA IBA, pipilitin kong ngumiti kahit mahahalata nila. Mas ayos na sakin na ako yung palaging nasasaktan kaysa naman sila ang masaktan dahil sakin. Ayokong makita nila akong malungkot o nakasimangot dahil alam kong maaapektuhan sila. Ayos na akong makita sila/kayo na masaya kahit pinepeke ko lang yung pagiging masaya ko. Ayos na akong makitang nakangiti ang lahat kahit napakalungkot ko sa loob ko.
Sinasabi kong ayos lang ako na mag-isa pero sa totoo, ayokong umalis sila. Kahit sabihing dahil babae ako kaya ganyan ako, hindi pa rin. Wala naman sigurong gustong mapag-isa lang diba? Ayokong maraming nakapaligid sa akin, dahil siguro ayokong nasa akin ang atensyon ng lahat. Mas gusto ko kasi kung ang atensyon nasa akin pero kapag iilan lang sila at yun yung mga pagkakataong gusto ko talagang may pumapansin sa akin.
Oh well, papel. Napunta na naman sakin yung topic. Don't worry sa mga iba dyan na sadyang tinamaan dito. Just be true to yourself. Kung magsasabi ka ng masama sa iba, sabihin mo na ng harapan sa kanila kaysa naman sa plastic-in mo pa sila.
¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪¤¤¤₪₪₪
AUTHOR'S NOTE!!
So eto na yung promise kong topic about "plastics". Medyo natagalan dahil sinisingit ko lang to sa mga previous chapters na gawa na pero hindi pa published.
At saka about last time, madaya kayo. I said at least 3 COMMENTS pero hindi naman umabot. Pero dahil loves ko kayo kaya here's the update.
Kung may tinamaan dyan, sorry naman. Pwedeng mali ang mga naisulat ko tungkol sa plastic dito pero don't take it to heart. Alam kong may mga totoong tao pa dyan na kaya tayong tanggapin kahit ganito tayo.
So guys, comment kayo ng good ah, wag nyo akong patayin ng dahil sa topic natin dito at tinamaan kayo. Dat's ol pipol! C u nekst apdeyt!! (Try lang magpakaweird, naweirduhan din ako sa kaweirdan ko.)
Published: September 15, 2015

BINABASA MO ANG
Anything
ContoThis is a compilation of one-shots, two-shots and/or short stories. Some are in Filipino and some are in English language. But most are in Taglish (Tagalog-English). WARNING: Some stories may be highly humorous and/or highly serious. Read at your ow...