Chapter 8

49 1 0
                                    


"Are you okay, miss?"

Tila na natauhan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Agad ako napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang isang lalaki na tingin ko ay kasing edad lang niya si Nilus o mas matanda pa ng kaunti. Matangkad at mukhang foreigner sa paningin ko. Base din sa kaniyang kasuotan, tingin ko ay galing siya sa isang buena familia. He was just wearing a white long sleeve polo shirt, a black slacks and luxury black leather shoes. Nakaayos din ang kaniyang buhok. Mukhang galing siya sa isang party o anuman.

Halos hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Hindi lang ako makapaniwala na buhay pa ako sa lagay na ito. Ang buong akala ko katapusan ko na. Akala ko ay tuluyan na akong masasagasaan.

Sinundan ko siya ng tingin nang kusa siyang lumapit sa aking direksyon. Gustuhin ko mang umatras upang hindi niya ako maabutan ay bigo ako. Dahil sa takot na inabot ko kanina ay pabagsak na ako sa kalsada ngunit agad ako nasagip ng mga kamay ng estranghero na nakaengkuwentro ko ngayon. Nasalo niya ako. Hindi ko magawang magsalita. Dumapo ang tingin ko sa kalsada. Nag-iisip ako kung lalayasan ko ba ang lalaking ito at ipagpapatuloy ko pa ang pagkatakbo ko dahil sa takot. Pero mukhang nakapagdesisyon na ako nang may naririnig akong mga boses, palapit ito nang palapit sa akin. Walang sabi na tumakbo ako palapit sa pinto ng kotse at pumasok sa front seat. Alam kong nabigla ang lalaki sa ginawa ko. Sumunod siya pumasok at narating niya ang driver's seat.

Yakap-yakap ko ang sarili ko. Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Kahit ang buong kalamanan ko yata.

"Miss?" muling tawag sa akin ng lalaki. May halong pagtataka at pa gustong magtanong.

"Please, i-ilayo mo ako d-dito. . ." nanginginig kong wika na hindi tumitingin sa kaniya. "A-ayokong maabutan nila ako. Kahit m-mamaya ko na.. . Ipapaliwanag ang lahat."

Wala akong narinig mula sa kaniya, maliban lang sa buntong-hininga na kaniyang pinakawalan. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kung papaano siya gumalaw. Binuhay niya ang sasakyan saka tinapakan ang gas pedal hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa lugar na ito.

Tahimik akong nakadungaw sa window pane ng sasakyan. Pilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ang buong sistema ko. Aminado ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko sukat-akalain na hahantong kami ni Nilus sa sitwasyon na ito. Kalaban pala ni Corrine ang Hochengco clan. Lalo na si Madame Tarrah. Aminado akong nasaktan ako. Una ay nalaman ko ang tunay kong pagkatao. Na isa pala akong ampon, na anak ako ni Corrine. Nasaktan din ako dahil wala naman ako kinalaman sa nakaraan ay nadamay ako. Mas nadagdagan ang bigat ng aking pakiramdam na isang malaking pagkakamali pala na patagpuin kami ni Nilus.

"Saan ka pala nakatira? Ihahatid na kita doon." biglang sabi ng lalaki sa tabi ko.

Tila natauhan ako sa tanong niyang 'yon. Umahon ang kalungkutan sa aking pagkatao sa mga oras na 'to. Nanatili akong nakatingin sa labas habang yakap-yakap ko ang aking sarili.

"W-wala na akong mauuwian. . ." mahina kong tugon. Mas niyakap ko pa ang sarili ko.

Totoo naman, wala na talaga ako mauuwian. Gustuhin ko man na bumalik kina ama at ina ay hindi ko rin magagawa dahil tiyak malalaman nila kung nasaan ako kung doon ako tutuloy. Bukod pa doon, nalaman na ng mga Hochengco na anak ko ng taong kinasusuklaman nila, kaya paniguradong hinding-hindi na ako matatanggap pa doon. Mas maigi na lang ito. Mas mabuti pang ako na ang mismong magpapakalayo-layo, para na rin sa ikakatahimik nilang lahat.

"Are you sure?" malumanay niyang tanong, may bahid na pagkagulat. Nanatili pa rin ang tingin niya sa kalsada.

"Oo." mabilis kong sagot. "Because I lost my home."

"And you're still a minor." kumento pa niya. "Where's your family? We can contact them to pick you up."

I hardly shutted my eyes. "No need. Please, all I have to do is to stay away from here. I need to get outta here."

Perfect Storm | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon