Chapter 20

41 0 0
                                    


Labis ang pasasalamat ko kay Nilus. Mabilis niyang na-track kung nasaan ang kinaroroonan ni Corrine ngayon. Ang sabi niya ay wala ito ngayon sa Quezon kungdi nasa isang lungsod siya ng Maynila. Hindi na kami nagsayang pa ng panahon. Agad namin iyon pinuntahan.

Hapon na nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa harap ng isang luma pero mataong gusali. Palagay ko ay isa itong apartment. Sa paglabas namin ay pinagmasdan kong mabuti ang gusali na nasa harap namin. Maraming mga damit na nakasampay, may mga grupo ng mga tao na nakatambay sa labas ng gusali na 'yon. Mayroon grupo ng mga nanay na abala sa pakikipag-usap, may mga naglalaro ng mahjong, meron ding mga matatandang lalaki na abala sa paglalaro ng chess o dama. Ang mga bata naman ay abala sa paglalaro sa gitna ng kalsada.

Pero mukhang mali pa yata na dinala ni Nilus ang sasakyan niya sa ganitong lugar, hindi kasi maiwasan na mapapansin at mapapansin siya. Kahit na simple lang ang porma niya ngayon ay tumitingkad ang aura niya na may pera siya. Napagawi ang tingin ko sa grupo ng mga kadalagahan na ladlad ang pananamit. May mga hawak 'yon na sigarilyo habang nasa harap sila ng isang tindahan na malapit lang sa amin. Napuna ko na nakatingin sila sa aming direksyon. Mas hindi na nakapagtataka na akala mo ay naaakit sila sa karisma ng kasama ko. Nagbabalak pa yatang lapitan ang asawa ko pero mukhang natunugan sila ni Nilus at ngayon ay mas lumapit pa ito sa akin, sabay hapit sa aking bewang.

"I think this is the address." kalmado niyang wika habang nakatingala siya sa gusaling nasa harap namin. "Are you really sure about this, affinity?"

Lumunok ako saka tumango bilang tugon sa kaniyang tanong. Buo na talaga ang loob ko na harapin siya bago man ako babalik ng Poland. Because this time, I need closure. I need to know everything from the past.

Iniisa-isa namin nag bawat palapag ng gusali. Kung hindi ako nagkamali, it's ten floors. Nagtatanong-tanong kami kung kilala nila ang pangalan ni Corrine o nakita man lang. Mukhang kilala nga siya dito. Isang tanong lang namin sa isang lalaki na abala sa paglalaro ng baraha ay agad niyang itinuro sa amin kung saang palapag ito nakatira. Nagpasalamat kami sa kaniya saka pinuntahan na namin ang unit kung saan siya nakatira.

Nang nasa tapat na kami ng kulay puting pinto na nadudungisan na at doorknob na kinakalawang na ay kumatok kami. Hindi lang kami sigurado kung narito nga siya. Nakalimutan naming itanong sa lalaki na napagtanungan namin.

Muli naming sinubukang kumatok, baka lang kasi tulog lang siya sa loob o umalis kaya hindi niya kami narinig.

Kakatok sana ulit ako nang bigla itong nagbukas. Tumambad sa amin ang taong pakay namin kaya kami naririto. It's Corrine. She's wearing a simple printed shirt and simple shorts. Nakapusod ang kaniyang buhok. Inaasahan ko na rin na magugulat siya sa hindi inaasahan na pagbisita namin ni Kalous dito.

"Janella. . .?" hindi makapaniwalang tawag sa pangalan ko. Lumipat ang tingin niya sa kasama ko. "A-anong ginagawa ninyo dito?"

"Narito ako para. . . Makausap ka." lakas-loob kong sabi.

Hindi siya agad nagsalita. Imbis ay nagtagisan kami ng tingin. Nababasa ko sa kaniya na may pag-alinlangan sa kaniyang mukha. Kung papasukin ba niya kami o itataboy. Sa huli ay mas nilakihan niya ang awang ng pinto.

"Tuloy kayo."

Sumunod kami ni Nilus. Nang tumapak na ang mga paa namin sa loob ay hindi ko mapigilang iginala ang mga mata ko sa kaniyang bahay. Masikip na tama lang para sa isang tao lamang ang titira pero maayos naman sa kabila ng maliit na espasyo. Sa apat na sulok ng bahay na ito, wala siyang kuwarto, maliban lang sa banyo na tanging kurtina lang ang nagsisilbi nitong pinto. May kusina naman siya. Ang tanging papag lang ang nagsisilbi niyang higaan. Isang unan, kumot at banig. Wala siyang sofa kaya dalawang mono block chair ang upuan na galing pa sa lamesa niya ang ma-ooffer niya sa amin para maupo. Hindi kami nagreklamo. Umupo kami doon ni Nilus.

Perfect Storm | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon