Chapter 9

42 1 0
                                    

Nagpupungas pa ako nang umalis ako sa ibabaw ng kama. Hinawi ko paitaas ang aking buhok at itinali ko ito. Dumiretso ako sa banyo na nasa kuwarto ko lang din. Pinihit ko ang pinto saka dumiretso sa sink para maghilamos. Sunod ay nagtoothbrush ako. Nagising ako nang mas maaga bago man tumunog ang alarm ng aking cellphone. Pagkatapos ko magsipilyo ay dinala ko ang cellphone ko saka lumabas ng kuwarto para maghanda ng kape at almusal. Pero bago 'yan ay narinig ko na may pumindot ng doorbell ng unit na ito. Hindi ako nag-atubiling lapitan ang pinto. Sinilip ko kung sino ang nasa labas. Kita ko ang isang lalaki na nakauniporme. May dala itong kahon na katamtaman lang ang laki. Wala itong sumbrero kaya maaninag ko ang kaniyang mukha. Ilang segundo pa ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Tak? (Yes?)" wika ko na may pagtataka sa aking mukha.

"Ah! Witam Panią Masz przesyłkę z Filipin. (Ah, hello, miss. You have a delivery from Philippines.)" aniya saka inabot niya sa akin ang naturang kahon. Nagtataka naman akong tanggapin 'yon. Hindi naman ito mabigat. "I proszę podpisać tutaj. (And please sign here.)" ipinakita naman niya sa akin ang tablet. Nagawa kong pirmahan 'yon. Nagpasalamat kami sa isa't isa hanggang sa umalis na siya.

Nang isinara ko ang pinto ay ikiniling ko ang aking ulo dahil sa pagtataka.Hindi bale nalang. Dumiretso ako sa Living Room. Inilapag ko sa mababang mesa ang kahon. Iniwan ko muna ito saglit para kumuha ako ng cutter para mabuksan ko na at malaman ko na kung anong nilalaman ng kahon na ipinadala sa akin. Binalikan ko ito. Lumuhod ako saka inumpisahan ko na itong buksan hanggang sa tumambad sa akin ang isang touch lamp. Hinawakan ko ito saka pinagmasdan kong mabuti. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Mukhang may ideya na ako kung kanino galing ang regalo na ito. Dahil d'yan ay ibinalik ko ito sa loob ng kahon saka sunod ko naman kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko. Hinahanap ko sa contacts ko ang kaniyang numero. Idinikit ko ang telepono sa aking tainga. Rinig ko ang ilang ring nito hanggang sa may sumagot nito.

"Yes, Janella?" bungad niya sa akin ang baritono niyang boses.

Mas lumapad ang ngiti ko. "Natanggap ko na ang regalo mo."diretsahan kong sabi. "Akala ko kung ano nang dumating dito dahil wala naman ako inorder."

I heard him chuckled. "Pinag-isipan ko talaga kung ano ang magandang ibibigay ko sa iyo. And besides, you told me a long ago that you treat me as your light, right?"

Ngumiti ako kahit bigo niyang makita 'yon. "Thank you so much, King Ardis."

"Very much welcome and it's my pleasure, Queen Janella." he sighs. "So it's already winter there. Kailan ka pala ang Chirstmas break mo?"

"Oh, starting tomorrow. For now, pupunta ako sa University para magpasa ng mga paper works sa iilang professors then I will hang out with my classmates. Okay lang ba?"

"Sure. Hindi ka naman iinom dahil uuwi ka bukas, right?"

"Yes, yes. Nga pala, kamusta na pala sina tita Elene at tito Flare? Even your siblings?" pag-iiba ko ng usapan.

"They good. Excited na din sila na makasama ka, especially mom. I think at this moment, busy siya sa pag-oorganize para sa Company christmas party and for your welcome party." natutuwa niyang pagkukwento. "And your party dress is already waiting for you."

Nagkuwentuhan pa kami ng ilang saglit pa bago kami tuluyang nagpaalam sa isa't isa. Dahil sa kailangan ko na talagang mag-asikaso mamaya at pumasok sa Unibersidad habang siya naman ay marami ding aasikasuhin lalo na't nagtatrabaho na siya sa kumpanya ng kaniyang ama. Nag-umpisa siya sa pinakamababang posisyon hanggang sa narating niya ang posisyon na isa na siya sa mga director ng kanilang kumpanya. Para sa kaniya, mas gustuhin niyang malaman at mapag-aralan ang kalakaran ng kanilang negosyo bago man niya makuha ang pinakamataas na posisyon. Napahanga niya ako sa mindset na mayroon siya.

Perfect Storm | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon