Biglang umurong ang gutom ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Para akong nabato sa kinakatayuan ko dahil nanatili pa rin nakadikit ang katawan niya sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas na nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Kasabay na nanunuyo nang matindi ang lalamunan ko. Pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at walang sabi na tagumpay ko siyang naitulak. Matalim ko siyang tiningnan. Hindi ko alam pero nainis ako sa inakto niya!"Hindi pala ako gutom." pasuplada kong pahayag. Walang kagatol-gatol na inirapan ko siya't mabilis akong umalis sa harap niya.
Kailangan kong lumayo sa kaniya! Delikado ako kapag siya ang kasama ko! Hindi ako kampante kapag siya ang kasama ko, lalo na sa mga binitawan niyang salita! Kahit pagpapakilala lang ang ginawa niya, there's something about him. I sense that he's a dangerous creature! I need to avoid him. I need to escape no matter what.
Wala akong narinig na mula sa Nilus na 'yon, mabuti naman! Sa ngayon ay kailangan kong hanapin sina Chela pati na din si Dolores! Saan ba kasi napadpad ang mga 'yon at iniwan ako dito?! Humanda ang dalawang iyon sa akin sa oras na makita ko sila, kulang nalang ay kukurutin ko sila sa mga singit nila dahil sa pag-iwan nila sa akin habang kasama ko ang Nilus Ho na 'yon! Kuuh!
Lumihis ako ng daan. Hindi ako pupuwedeng tumungo sa likod ng mansyon dahil paniguradong naroroon pa rin sina inay, si tita Concha pati na din si Ma'm Tarrah. Tiyak magtataka sila sa oras na makita nila ako, lalo na't nilayasan ko ang anak niya. Hindi ko naman magawang magsumbong sa kaniya kung ano ang ginawa ng panganay niyang anak sa akin! Ano bang laban ko eh anak lang naman ako ng tauhan nila? Nakakainis!
Nadatnan ko ang dalawang tao na hinahanap ko na nakaupo sa karitela at nagtatawanan sila habang may pinag-uusapan. Mabibigat na hakbang ang pinakawalan ko habang papalapit sa kanila. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Tumigil lang sila sa pag-uusap nang maramdaman nila ang presensya ko. Sabay silang tumingin sa direksyon ko.
"Oh, Janella!"
"Bakit ninyo ako iniwan?" iyan ang naging bungad ko sa kanila, hindi ko maiwasang hindi maitago ang inis sa boses ko.
Muli tumawa ang dalawa. "Baka kasi makaistorbo kami." si Chela ang unang sumagot. Umalis siya mula sa pagkaupo niya sa karitela. Dinaluhan niya ako't hinawakan ang isang kamay ko. "Huwag ka na magalit."
"At saka, kung nakita mo lang kung papaano tumingin si Sir Nilus sa iyo kanina, Janella." humahagikhik na segunda ni Dolores na nakaupo pa rin sa karitela. "Teka, bakit parang ang bilis mo naman yatang kumain?"
Inirapan ko silang dalawa. "Nilayasan ko siya." seryoso kong sagot. Pero hindi ko madugtungan kung bakit nga ba nilayasan ko ang Nilus na 'yon.
"Ha?! Nilayasan mo si Sir Nilus?!" parehong bulalas nila.
Tumahimik ako. Nanatili akong bumaling sa ibang direksyon pero napapakinggan ko pa kung ano ang mga sumunod nilang sasabihin.
"Ang swerte mo nga kasi makakasama mo ang panganay na anak nina Sir Kalous at Ma'm Tarrah! Sayang ang oportunidad!" bakas sa boses ni Chela ang panghihinayang.
Tamad ko silang binalingan. "Eh bakit hindi na lang kayo?"
Sabay silang umiling. "Hindi kami ang tipong desperada, Janella. Kapag alam naming walang gusto sa amin ang lalaki, hindi namin pinagpipilitan ang mga sarili namin. Alam mo 'yan." si Dolores ang sumagot. "Nga pala, nakita namin kanina si Brian dito sa handaan, kasama niya ang kaniyang tatay para maghatid ng mga bilao na naglalaman ng mga palabok na luto ng kaniyang ina. Ano, puntahan natin? Tapos maglaro tayo?"
Umiba ang ekspresyon ng aking mukha. Ngumuso ako. "Oh sige. . ."
"Pero ayos ka lang ba? Ni hindi ka pa nakakain, oh." nag-alalang tanong ni Chela.
BINABASA MO ANG
Perfect Storm | Completed | R18+
RomanceHOT & NASTY NIGHTS SERIES 6: Noon pa man ay mainit na ang dugo ni Janella sa heredero ng lupaing sinasaka ng kaniyang pamilya. Mayabang, alaskador--at kung tratuhin siya ay parang pagmamay-ari siya nito. Sa unang pagkakita palang ni Nilus kay Jane...