Chapter 2

623 24 4
                                    


Tahimik lang ako nakasunod kay Nilus habang naglalakad kami patungo sa malawak na hardin ng mansyon na ito. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok na ako mulang umalis kami ng bahay hanggang sa makarating na kami dito. Tumambad sa amin ang magandang pagkaset up, talagang inaasahan na may party dito. Bumabaha din ng mga pagkain at inumin. Hinahanap ng mga mata ko sina Chela at Dolores. Kahit sina Brian ay hinahanap ko din. Nagbabakasakaling makarating sila dito dahil ang alam ko ay dadalo sila ngayong gabi tulad ng pinag-usapan namin.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang nakita kong huminto rin siya. Lumingon siya sa akin. Bumaba lang ang tingin ko nang may hinila siya. Isang upuan. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Sa nakikita kong ekspresyon ng kaniyang mukha, parang inuutusan niya akong umupo doon.

"Kakausapin ko lang sina baba at mama, babalikan kita." nakangiting paalam ni Nilus sa akin.

Bahagyang umawang ang aking bibig. Tahimik lang ako tumango at saka umupo sa upuan. Doon na rin siya umalis. Pinapanood ko siyang lumayo at doon ay marahan akong pumikit at saka nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sa wakas, nakalayo na din siya sa akin. Sa puntong ito, para akong nakahinga ng maluwag. Aminado ako na hindi ako makapali kapag talaga nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid ko. Masasabi kong naiilang ako dahil amo namin siya, samantalang anak ako ng isa sa mga tauhan nila. Siguro masyado lang akong cautious. Ayoko lang din na may masabi sa akin na masama sa paligid ko. Ang isang tulad ko ay hindi nababagay sa kaniya. Matinong babae ako na palakihin nina ina at ama kaya hangga't kaya ko ay kinakailangan kong makalayo sa isang Hochengco hangga't maaari. Hindi ako pupwedeng dumikit sa kaniya.

"Janella?" rinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Lumingon ako at tumayo. Bumungad sa akin ang dalawang tao na kanina ko pa hinahanap! Umukit sa kanilang mukha ang pagkamangha nang makita nila ako. "Ikaw nga!" bulalas ni Chela sabay niyakap ako ng mahigpit.

"Ang akala namin hindi ka makakadalo ngayong gabi. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Dolores. "Pero ang ganda mo, ha! Impernes!"

Ngumiwi ako, nakapakamot ako sa aking batok. "Mahabang kwento, eh. Nasaan na pala ang iba?" pag-iiba ko ng usapan. Nagkukungwaring luming-linga sa paligid. Kungwari, hinahanap ang iba pa naming kaibigan.

"Naku, kakarating lang naming dalawa. Hanapin natin sina Brian, tara?" aya ni Dolores na matamis na nakangiti.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi rin nagtagal ay natanaw namin ang grupo kung nasaan si Brian. Hindi kami nagdalawang-isip na daluhan namin sila. Naroon din sina Sayo at Noel na kasama niya.

"Ang akala ko hindi ka makakarating." malapad ang ngiti ni Brian nang sabihin niya iyon. "Mabuti nalang at nadinig ang panalangin ko." saka humalakhak siya.

"Iyon din ang akala ko." kumento ko pa saka uminom ng tinatawag nilang blue ice tea.

Pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanila kung bakit ako napadpad dito o anuman ang naging relasyon ko kay Nilus Ho. Mahirap na, malakas pa naman mangantyaw ang mga ito kung sakaling malaman nila ang totoo. Ayoko din na maging sentro ako ng tsismis.

"Ang ganda talaga ni Miss Vesna." bulalas ni Noel sa gilid, talagang nakasapo siya sa kaniyang dibdib. "Hindi nakakasawa ang mukha niya, dre!"

Sinundan ko 'yon ng tingin. She's wearing a silver color dress. Naka-heels din siya. Maganda ang pagkaayos sa kaniyang buhok kahit na pinakulot 'yon ng kaunti ang dulo nito. Simple lang din ang make up niya kaya mas nangingibabaw ang ganda niya. No wonder napahanga niya si Noel sa madaling paraan.

"Good luck nalang sa iyo kung mapapansin ka niya." utas ni Dolores saka uminom din ng juice na nasa tabi ko.

Ilang saglit pa ay napukaw ng mga atensyon namin ang emcee na nagsalita sa platform. Hudyat na mag-uumpisa na ang party. Nagbigay din ng mensahe sina Sir Kalous at ang asawa niyang si Ma'm Tarrah. Nagpapasalamat sila sa pagpunta namin sa piging na ito. Pero kung tutuusin ay kami ang dapat ang magpasalamat sa kanila, dahil binigyan nila kami ng ganitong salo-salo. Dahil hindi nila kami tiningnan bilang trabahador ng kanilang Hacienda. Nakakatuwang lang isipin na pantay-pantay ang tingin nila sa amin. Hindi kami iba sa kanila. Maski ang iba pang kamag-anakan nila na naririto ay maganda ang pakikitungo sa amin.

Perfect Storm | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon