Chapter 10

59 1 0
                                    


Nang matapos na akong maayusan ng nahired na make-up artist at maisuot ang red velvet off-shoulder with a long slit long gown ay tiningnan ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bagay na bagay sa akin ang gown. Ang sabi sa akin ng designer ay mismo sina Ardis at Carisa ang pumili nito para sa akin habang ako'y nasa Poland pa. Talagang pinaghandaan nila nang maigi ang mga bagay na ito bago man ako makauwi ngayong pasko. Nakakaramdam ako ng pinaghalong excitement pero kaba. Kahit ganoon ay alam kong hindi naman ako papabayaan ng pamilyang Hoffman na magkalat nang basta-basta sa Party mamaya.

Nagpaalam na ang make-up artist at nang designer sa akin para umlis. Nagpasalamat ako sa kanila bago man nila ako iwan. Sa ngayon ay hindi muna ako lalabas dahil ang bilin sa akin ni Ardis ay siya ang magsusundo sa akin dito para sabay na daw kami pupunta sa mismong venue ng naturang party sa ngayon ay may aasikasuhin lang daw siya nang mga iilang bagay sa labas. Dahil sa masunurin ako ay hinintay ko siya. Habang ginagawa ko 'yon ay kinuha ko muna ang aking cellphone na nakapatong lang sa side table. Ang maganda lang din ay may wifi naman kaya hindi ako mahihirapan sa pagsilip ko sa aking mga social media accounts.

Biglang may nag-pop out sa aking screen. Tinapik ko 'yon hanggang sa makita ko ang mensahe galing kay Felka. Isa siya sa mga naging malapit sa akin habang ako'y nasa Poland since she's half Polish and half Filipina.Her mom is Polish while her father is a full Filipino. Kung hindi ko lang siya naging kaklase sa mga major subject, ewan ko lang. Daig ko pang nawawala sa University.

FELKA : Where are you, Janella?

Medyo kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang mensahe. Sa pagkakatanda ko ay nabanggit ko sa kaniya na uuwi ako ng Pilipinas. Kapag winter break kasi madalas siyang natambay sa apartment ko para mag-overnight. Nakilala din siya ng pamilyang Hoffman sa pamamagitan ko. Sa lahat nang mga kaibigan ko sa Poland, kay Felka lang sila lubos na nagtitiwala. Kampante sila dahil na din galing sa conservative na pamilya nito.

AKO : Nasa hotel room ako, getting ready for a christmas party.

Then I hit send. Nakita ko na mukhang nakita niya ang aking reply kaya nagtatype siya ngayon ng kaniyang reply.

FELKA : Good, narito na din ako sa Pilipinas through my mom. She decided to celebrate Christmas here!

Napaletra O ang aking bibig sa aking nabasa. That was unexpected. Hindi ko mapigilang mapangiti at mas lalo makaramdam ng excitement. May sumagi na ideya sa aking isipan nang nalaman kong nasa Pilipinas na din siya. I am thinking if I'm going to set some travel tours after Christmas. Gusto ko lang siya makabonding habang naririto pa kami sa Pilipinas.

AKO : Biglaan yata. Meet tayo after Christmas!

FELKA : That was I thought a while ago. Hahaha!

Bago man ako magreply ulit sa kaniyang mensahe ay rinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto na ito. Napukaw iyon ng aking atensyon. Pinili ko na ibalik ang aking cellphone sa side table saka tumayo para salubungin kung sinuman ang pumasok dito. Hanggang sa tumambad sa akin si Ardis na nakabihis na din. Alam kong guwapo na siya sa umpisa palang pero mas tumingkad ang kaguwapuhan niyang taglay dahil sa suot niyang three-piece-suit. I can sense his dominance and intimidating aura within him. It looks likes he will be the heir as a head of Hoffman Family if ever. Hindi rin maitanggi ang nangingibabaw na karisma na meron siya. Kusang kami nagpalitan ng ngiti sa isa't isa. Kusa siyang humakbang palapit sa akin. Hindi matanggal ang tingin namin sa isa't isa.

"Beautiful. . ." he said breathlessly. He gently reaching my hand and plant a small kiss on the back of my palm.

"King Ardis. .  " marahan kong tawag sa kaniya.

Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Can you turn around for a moment, Queen Janella?" malambing niyang tanong.

Tumalikwas ang isang kilay ko sa kaniyang hinihingi. I gave him a teasing smile pero nagawa ko pa rin gawin ang kaniyang hinihiling. Tumalikod ako tulad ng gusto niya. Kusang pumikit ang aking mga mata sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi pa naman ako inaantok o anuman.

Perfect Storm | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon