"Ipinakilala mo na ba ang boyfriend mo?""Yeah, pero may mali, eh."
"Anong mali naman?"
"I don't know but my parents told me to stay away from him. He's no good, after all."
Natigilan ako nang marinig ko 'yon sa kaklase kong babae. Kausap niya ang mga kaklase namin na kapwa din niyang mga babae. Abala naman ako sa pakikipag-usap sa mga katropa habang wala pa ang teacher. Nagkukwentuhan lang at nagtatawanan. Noong una ay binalewala ko 'yon. Kasi akala ko, hindi ko mararanasan ang bagay na 'yan. Until I met this young lady once.
"Nilus ahia, tumalon ka na!" sigaw sa akin ni Vesna sa akin mula sa baba ng talon habang ako'y narito pa sa taas. Kasama ang iba pa naming pinsan na lalaki. We love adventures. Dahil naririto na rin naman kami, syempe, hindi pwedeng hindi namin ma-explore ang lugar lalo na't ito ang unang beses na mapadpad kami dito at palagi kaming busy sa Maynila at Cavite. Kaya habang naririto pa kami, lulubus-lubusin na namin. Kasama na d'yan ang magtatampisaw kami sa talon na tinutukoy nina mama sa amin dati.
Humakbang pa ako ng isa, naghahanda na sa pagtalon na biglang may umagaw ng aking atensyon. Naniningkit ang mga mata ko nang may nakita akong gumagalaw na halaman na hindi kalayuan sa amin. Hindi agad ako kumilos dahil nakatuon doon ang aking tingin. Tinitingnan ko kung sino ang naririto. Sa pagkakatanda ko, kompleto kaming magpipinsan dito. O baka taga-dito lang at naligaw?
Tumaas lamang isang kilay ko nang makita ko ang isang babae na nagtatago doon. Tingin ko ay mas matanda pa ako sa kaniya nang kaunti.
"Ahia! Come on! Jump!" segunda pa ni Eilva,nasa gilid lang ng ilog na nakakonekta ng talon.
Mukhang hindi na makapaghintay ang iba ay bigla akong itinulak ni Spencer. Napamura ako sa hangin dahil sa gulat hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ilog. Good thing, hindi naman mababaw ito at marunong akong lumangoy. Rinig ko pa ang hiyawan nila nang nakaahon na ako. Pero awtomatiko akong tumingin ulit sa halamanan kung saan ko nakita ang babae na mahaba ang buhok. Where did she go by the way? Oh well, hayaan na lang.
Nang araw ding 'yon ay hindi ko lang inaasahan na muli ko siyang makikita. Mabuti na lang ay ipinakilala siya sa akin ni mama.
"Oh, Nilus! Halika ka muna rito. . ." tawag sa akin ni mama.
Nag-aamba akong umalis muna dahil nagkakaayaan na umalis at dadaanan daw kami ng bayan, to explore again. Nang tuluyan na akong nakalapit ay iginiya niya ako dalawang babae na nasa harap namin. Pamilyar sa akin ang buhok na nakita ko sa halamanan, ah? Hindi kaya? Oh! Siya nga!
"Ito nga pala si Janella. Siya ang binabanggit ko na anak ni Aling Doring. Ayos lang ba na asikasuhin mo muna sila? Ituro mo lang naman kung nasaan ang hapag para makakin na sila."
"Yes, mama."
Hindi matanggal ang tingin ko sa babae. Dmn, I think I just saw an enchantress from the forest at this moment. Button nose, clear flawless skin, long eyelashes, plump lips and high cheekbones. Idagdag mo pa ang tuwid at itim niyang buhok. Hindi ko mapigilang sumilay ang isang sulok ng aking labi.
Wala naman sigurong masama kung hindi muna ako sasama sa mga pinsan ko ngayon? Wala naman din sigurong masama kung mas kilalanin ko pa siya? Kumsabagay, wala pa ako kakilala dito. Ngayon, mukhang may dahilan na ako na bumalik dito tuwing summer o holiday season.
"Follow me." doon ko na binawi ang aking tingin sa kaniya.
Hindi ko lang inaasahan na may pagkasuplada pala ang isang ito. Medyo nagulat din ako sa parte na 'yon. Gusto kong magmura, sa hitsura kong ito, iisnabin pa niya ako? Marami na akong naririnig nang tumuntong na kami dito na maganda daw ang lahi namin pero siya, binabalewala niya ang isang tulad ko? Seryoso?
BINABASA MO ANG
Perfect Storm | Completed | R18+
RomanceHOT & NASTY NIGHTS SERIES 6: Noon pa man ay mainit na ang dugo ni Janella sa heredero ng lupaing sinasaka ng kaniyang pamilya. Mayabang, alaskador--at kung tratuhin siya ay parang pagmamay-ari siya nito. Sa unang pagkakita palang ni Nilus kay Jane...